CHAPTER 4

8 0 0
                                    

A/N: EXPECT TYPOS, WRONG GRAMMAR AND SPELLING
FEEL FREE TO COMMENT AND DON'T FORGET TO VOTE.
HAPPY READING!!! ^_^

CHAPTER 4

Jen's POV

Dinner

After what happened throughout the day ay pinili kong umuwi na lang bahay. Dumating ang secretary ni Mami at tinulungan siyang tumayo at umalis na rin sila ng opisina. Naiwan ako doon na hindi maintindihan bakit niya 'yun ginawa kanina hanggang sa maisipan ko na ngang umuwi.

Nang makarating ako sa bahay ay nagtaka ako dahil bukas ang mga ilaw. Wala naman kasi akong kasamang iba kaya hinahayaan ko na lang na patay ang kuryente at kapag nakauwi na ako saka ko lang ulit binubuksan. Ipinarada ko ang sasakyan sa garahe at kinuha ang mga papeles na inuwi ko para sa mansyon na lang ituloy asikasuhin.

Nasa pintuan pa lang ako ay rinig ko na ang ingay ni Ate at ni Princess. Pagpasok ko ay inabutan ko sila sa sala na tumatawa sa kung ano habang si Prince naman ay naka-upo lang sa isang gilid at naglalaro sa cellphone niya. Hinayaan ko na lang sila dahil mukhang hindi naman nila ako napansin. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at ibinababa ang mga papeles sa lamesa ko. Nagpalit na rin ako ng damit at mukhang wala pang balak na umalis sila Ate. Ano kayang meron?

"Oo, narinig ko nga rin ang tungkol doon. Hindi naman totoo ang sinasabi ng mga tao eh. Nag-iimbento lang talaga sila para makakuha ng atensyon. Nakasama ko nga mismo si Gray at hindi naman siya suplado gaya ng sinasabi nila." Nagmamalaking sabi ni Ate sa anak niya.

"Talaga po Mama? Wahhhh! Fan na fan po ako ni Gray. Gusto ko rin siyang makasama. Kahit makita lang malapitan, ayos na. Mama pwede niyo po ba akong isama kapag katrabaho niyo na si Gray?" at kumapit pa si Princess sa braso ng Mama, nagpapaawa.

"Of course naman baby ko. Hayaan mo at kapag mayroon na kong project kasama siya isasama kita." Tuwang-tuwa naman si Princess sa isinagot ng ina niya. Sa sobrang tuwa nila ay hindi na nga talaga nila ako napansin.

"Good evening Tita Jen." Bati sa akin ni Prince habang hindi inaalis ang tingin sa cellphone niya. Dahil doon ay sa wakas napansin na ko ng mag-nanay.

"Oh Jen, andyan ka na pala. Bakit hindi ko man lang napansin na dumating ka na pala?" tanong ni Ate at lumapit sa akin para humalik sa pisngi ko.

"Yeah. Mukhang busy ata kayo at hindi niyo na ko napansin." Malamig na tugon ko.

"O'siya. Kanina ka pa talaga namin hinihintay dahil may family dinner tayo. Alam mo na, miss na miss ko na kayong dalawa ni JM. Ganoon din 'tong mga pamangkin mo kaya naisip ko na mag-dinner naman tayong pamilya kahit minsan. Si JM parating na raw."

"You don't really have to do this Ate, pagod ako at malamang na pagod din si JM. Tapos itong mga bata pagod din 'yan sa school kaya hindi ka na dapat nag-abala pa. We can all have dinner on our own."

"Ayan ka na naman Jenny. Minsan-minsan na nga lang natin 'tong magawa eh." At kumapit siya sa braso ko habang mahaba ang nguso. Minsan talaga naiisip ko na siya oa nag mas bata sa aming dalawa dahil mga ganito niya.

"It's just a dinner at miss na miss ko na kayo kaya hayaan mo na ko." At mas humaba pa ang nguso niya ngayon at niyakap na niya ako ng tuluyan mula sa tagiliran. Ipinatong pa niya ang baba niya sa balikat ko. Napabuntong hininga na lang ako.

"Nandito na rin naman kayo. May magagawa pa ba ko?" at nakita ko kung paano nagliwanag ang mukha ni Ate.

Ilang saglit lang din ay dumating na si JM. Mukhang pagod na pagod din siya kagaya ko at nagreklamo rin siya kay Ate kung bakit may pa-dinner pa itong nalalaman. Kagaya ko rin ay wala na siyang nagawa dahil sinermonan naman siya ni Ate at para tumigil na ito ay pumayag na lang din siya sa gusto nito.

Irog(Mahal) *ON HOLD*Where stories live. Discover now