Mag-iisang buwan narin ang nakalipas , pero parang wala paring pinagbago sa ugali ng professor namin. High blood parin saakin. Anyway , noong nakaraang linggo matapos naming makipag- rakrakan sa isat'isa ni Miss shunin , ginanap rin noon kaagad ang Election ek-ek nya. 'Buti nalang Hindi ako sumali bilang MUSE ng classroom dahil pagnagkataon magiging katunggali ko si Lurry--maarte na'yon , edi talo ako. Eh halos sakupin nya ang lahat boto ng klase eh. Ang daya talaga , purket maganda sya 'tas cute Lang ako--aba! Hindi patas yarn!.Syempre in the end of the world Hindi sya ang nanalong muse-- hindi naman kasi sya tumakbong muse tas magiging escort lang nya yung gwapong Gerald ang pangalan. President ang bruha natin. Ganurn daw sya , gusto nya laging mataas ang pwesto nya. Para namang natatakot syang malamangan ng iba.
Ta's VP si Nika-- remember her?. 'Yung pabida palagi , ang ingay ng bibig parang lumunok sya ng microphone eh. Ta's secretary si Kyla , and so on. Wala na akong pake' kung sino Sino ang nanalo , kahit nga sa SSG officers Hindi ko na nalaman pa. Maaga kasi akong umuwi , haler? Walang pasok nung hapon.
Ngayon Friday na at sabado na bukas. YEY! No pasok!. Agad akong naupo habang naka- head set sabay tugtog ng Señorita.
Wala naman kasing klase , absent daw Yung teacher--char may pinuntahan Lang sandali Kaya ngayon dapat pinapalinis kami ng room. Ayaw ko kaya umupo nalang ako , haler tinatamad Po ako. At tsaka Isa pa ang iba kung kaklase lumabas Rin at hindi naglinis. Gaya gaya tayo ngayon. Sa bahay nga Hindi ako pinapalinis , tapos dito na nagbabayad ako palilinisin nila ako ng room?..para saan pa ang bayad ko kung ganu'n?.
Duh?.
Matalino 'to , hindi nyo ako maiisahan. Pinikit ko ang aking mga Mata habang iniindak ang kaliwa kung paa na sumasabay sa ritmo ng musika--taray raym!.
“ HOY SEÑORITA! ” biglang may sumigaw pero hindi ko pinansin dahil nasa chorus na ako ng kanta. Ito pa naman ang favorite ko sa kanta.
“ ♪♪I love it when you call me señorita♪♪ ” kanta ko habang napapagalaw pa ang ulo habang nakapikit. Oh yeah!. Ganyan dapat feel the harmony , feel it baby--charot. Pero ang masaya kung mood agad na napalitan ng umalingaw-ngaw ang malakas na tunog--or more like malakas na hampas o kalabog sa unahan ko.
At doon lang ako napamulat ng mata at agad na nangunot ang noo ng mapagtantong natigil ang ginagawa ng mga kaklase ko , at pagharap ko ang mukha ni Miss Lilit shunin na pang Halloween ang bumungad saakin. Ang sama ng ingin saakin. Agad ko tuloy na tanggal ang head set ko.
“ Po? ” ako na ang unang nagtanong dahil kapag sya eh sermon muna bago tanong.
“ At ano sa tingin mo ang ginagawa mo? ” tanong nito. Pinagmasdan ko naman ang sarili ko.
“ Nakaupo ” sagot ko. Lalo pang sumama ang tingin nya saakin. Hays ano na naman ba? Minsan hindi ko talaga maintindihan ang mga Tao sa paligid ko. Ang wi- wirdo bigla. Magtatanong tapos Hindi tatanggapin ang sagot?. Like what the F*ck--charot.
“ Tingnan mo ang mga kaklase mo ” sinunod ko ang Sinabi nyang tingnan ang mga kaklase kong nagtuloy sa pagwawalis ,may iba ring nagpupunas ng bintana. Tapos ay litong humarap ako sa kanya.
“ Ha? ” nausal ko.
“ Nakaupo ka Lang dito? , Tapos ang mga kaklase mo panay linis Ng room?. Ano tingin mo sa sarili mo? Señorita?. Hala! Maglinis ka don! ” sabi nya pa. Ayaw ko ng humaba pa ang usapan Kaya tumayo na Lang ako at kinuha ang dust pan.
“ Kainis naman eh ” bulong ko sa sarili.
“ Bilisan nyo na dyan at darating na ang teacher nyo ” Sabi nya pa bago kami iwan..napailing nalang ako.
YOU ARE READING
Ay love you ( the Wattpader ) COMPLETED
RomanceSlow , childish , subrang OA , madrama ,at pelingerang CUTE daw sya? Ilan lang 'yan sa katangian ni Lengxian Mabini ' leng-leng ' for short. Super FAN! Ni Vice ganda. Mahilig sa pancit Canton at higit sa lahat.. Adik sa Wattpad.Tarantaduhin mo lang...