56

2 0 0
                                    


" Leng.." ilang ulit nila akong pinilit na sabihin Kay mommy ang tungkol sa sitwasyon ko. Pero paulit-ulit ko rin silang pinipilit na ako nalang ang bahala doon , sa ngayon gusto ko munang kami nalang muna ang makaalam. May kutob na pala sila saakin noon , pero Hindi pa sila sure. Sinundan nila ako ng makauwi si bakla sa inuupahan nila. Plano na pala nila yun. Hays.

Napa-buntong hininga nalang si bespren sa kawalang magawa. Inayos ko na ang bag ko at tumayo na. Sabay kaming tatlong lumabas ng kwarto ko , dahil sinundo nila ako sa bahay. Bantay sarado na nga nila ako eh. Palagi narin akong sumasabay sa kotse nila , iisa nalang ang kotse na gamit namin kahit saan kami magpunta. Sumakay kami ng sasakyan ni bespren , na sasakyan na palagi rin naming gamit. Pinili kong manahimik nalang sa buong byahe para Hindi ako makagawa ng paguusapan namin.

Nakarating kami sa school. At kaagad akong bumaba ay hinintay nalang sila. Nangunot agad ang noo ko ng makalakad na kami papunta sa building namin. Subrang dami kasi ng estudyante na nasa labas at lahat sila nagbubulong- bulungan habang parang may pinapanood.

" Anong.. nangyayari? " Tanong ko Kay bakla na napatingin narin sa mga dinadaanan namin. Sa kabilang banda naman , malapit sa garden ng junior high nakita ko si Lurry na galit na galit at binubulyawan ang mga estudyante na dadaanan nya. Palagi namang ganu'n Yan. Anong bago?.

" Grabe Noh?. Sya pala Yun? "

" My ghad! Nakakahiya! "

" Cheater pala. Haha "

" Eww..akala ko matalino yan , Bobo Rin pala "

" Para saan pa ang pagiging valedictorian Nyan?. Duh "

" Hindi na nahiya , nagbayad pa talaga ha "

" Hahaha. Tama!. Haha! "

Kahit Sino seguro ay maririnig ang kaliwat- kanang bulungan sa paligid at pakiramdam ko iisa Lang ang pinag-uusapan nila. Sa halip na maki-usyuso , ay dumeritso nalang kami sa building. Pagpasok namin ni bakla sa classroom, ganu'n parin pero Hindi nalang namin pinansin.

Maya-maya pa ay lumapit saakin ang kaklase kong si Katniss.

" Hi , Leng! " Bati nya.

" Hi.." balik ko. Nagbanyo si Steve Kaya naupo muna sya sa upuan ni Steve at saka humarap saakin.

" Nakita mo na ba ang viral video ni Lurry? " Tanong nya. Agad na nangunot ang noo ko.

" Viral video? "

" Ay Hindi mo pa nakita?. Alam mo ba Yung tungkol sa answer key sa test natin noong first grading? , Yung ikaw pa nga ang pinagbintangan..nag- viral Yung video ni Lurry sa parking lot na sinasabi nya sa mga kaibigan nya at inamin nya na binayaran nya ang principal para Hindi na mabunyag Yung secreto nya "

Napatango ako at bigla kong nalala Yung narinig ko sa parking lot. Hindi Kaya may nag- video noon habang nag-aaway si Lurry at Yung kaibigan nya.

" Sandali ah.. hanapin ko Lang " Ani nito at may kinulikot sa cellphone nya saka nya hinarap saakin ng makita ang hinahanap.

" Panoorin mo "

Kinuha ko ang cellphone sa kanya at pina- play ang video.

[ " Eh anong pake' alam mo!?"

" Anong pake' alam ko?. Nadamay ako dito! "

" Guys! Guys! Ano ba kayo! Baka may makarinig saatin dito! "

" Sya ang pagsabihan mo "

" What?. Bakit hindi mo siniseryuso 'to?. Purke nabayaran nyo ang principal para Hindi magsalita? "

" Hey , Tiff..Tama na..baka may makarinig sayo"

" Bakit? Natatakot kang malaman ng lahat na Alam Ng principal kung Sino talaga ang kumuha ng answer key Ng exams pero Hindi na nabalitaan dahil nagbigay kayo ng donation para sa school para Hindi mabunyag yang mabaho mong sekreto! "

" You! SHUT UP!. Don't you dare , Ruby "

" Bakit ha?!. Nadamay ako sa ginawa mo! Nyo!. Kayo naman ang kumuha ah! Aminin nyo na kasi! "

" Ruby , Shut up! Ano ba!. Tapos na'yun diba? So what's the problem? "

" What's the problem?. Nalaman Yun ni mom , at nagalit sya saakin dahil akala nya kasama ako sa Plano nyo.. I'm grounded! And worse? Nasa kanya ang card ko! "

" Hey! Calm down..ok?. We'll fix this , ok?. Calm down. Maayos natin toh ok?"

" I don't think so.." ]

Matapos Kung mapanood ang video ay isinauli ko ito Kay Katniss. Tama nga ako. Sino naman ang mag- vi- video sa kanila doon?.

Sakto naman Ang pagpasok ni Lurry na nakaagaw atensyon sa lahat. Kung noon walang magawa ang mga kaklase ko ngayon si Lurry naman ang walang magawa sa pambubully sa kanya Ng mga kaklase kong lalake at babae na binabato pa sya ng papel. Ang mga kaibigan nya ay Wala naring magawa. Inilagay nya ang bag nya sa kanyang upuan ngunit ng madako ang tingin nya saakin ay agad nya akong sinugod mabuti nalang at humarang si Katniss sa harapan ko. Naka- bitch mode ito habang ang tingin ay Kay Lurry.

" At ano na naman ang gagawin mo? " Malditang tanong ni Katniss. Mas lalong nagalit si Lurry Kaya dinuro nya si Katniss.

" Get out of my sight!. And you! " Duro nya saakin. " Ikaw ang may kasalanan nito! Ikaw ang nag- video saakin! Nakita kita! " Pamimintang nya. Luh?. Bakit ako?. Lalapit na Sana sya ulit ng humarang na naman ang dalawa ko Isa ko pang kaklase na si Alice hanggang sa dumami na silang naka-harang saakin upang Hindi maabot ni Lurry.

" Tigilan mo na nga Yan , Lurry. Nakaka-awa ka " Saad ni Alice.

" Maldita! "

" Suplada! Bobo naman pala! "

" Cheater! "

" Copycat! "

" Airhead! "

" Feeling maganda! "

" Huwag mo na ngang idamay si leng- Leng sa mga kalukuhan mo! "

" Oo nga! "

" You shut up! " Galit na sigaw ni Lurry sa mga kaklase namin. Galit na galit sya na Parang mapuputol na ang ugay sa leeg nya. " Pagsisisihan nyo to!. At ikaw! Hindi pa tayo tapos! " Sigaw nya saakin.

Sakto namang kararating Rin ni bakla na narinig ata ang mga sinabi ni Lurry. Pero ang ikinagulat namin , ang saktong pagtalilod ni Lurry na aalis na Sana ng mag-asawang sampal ang humarang sa kanya sa daan. Gawa ni bakla.

" Talagang Hindi pa tayo tapos. Dahil sa oras na saktan mo pa ulit Ang kaibigan ko , Hindi lang mag- asawang sampal ang aabutin mo saakin. Ikaw , umalis kana! Cheater! " Saka nya kinuha ang bag ni Lurry at inihagis sa may pinto.

" Ikaw ang mag- Get out! " Sigaw ni Steve.

" You will pay for this! I swear! "

" Tologo?. Natatakot naman ako sa'yo " sakrastikong Ani ni bakla saka tinalikuran si Lurry.

Ay love you ( the Wattpader ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now