47

2 0 0
                                    

" Saan mo ba dadalhin itong mga ito? " Tanong ni Zack habang naglalakad kami. Matapos nya akung tulungan , nagprisinta rin syang samahan ako dahil wala na raw silang klase. Sya Rin ang nagdala Ng karton Ng mga papel na dala ko kanina.

Nakamot ko ang ulo ko.
" Ano..sa stock room. Utos ni Miss " sagot ko at tango lang ang tugon nya. Malapit na kami sa stock room , nasa kaliwa kasi iyon ng principals office--dadaan ka sa principals office bago ang stock room.

Subrang tahimik namin , habang naglalakad. At medyo naiilang ako ng dahil dun.

" Ah "

" Leng " nagkagulatan kami ng sabay kaming nagsalita. Napayuko ako at napapikit. Tumahimik rin sya kaya nagangat ako ng tingin , nasa malayo ang tingin nya pero ng mapansin ang tingin ko hinarap nya ako at ngitian. Feeling ko tuloy namumula ang buong mukha ko. Bago saakin ang pakiramdam na'to , kaya hindi ko maiwasang mahiya. Pa'no Kaya kung makita nya ang mukha ko.

Wala sa sarili akong natakip ng mukha. Nakakahiya kapag ganu'n.

" Hey , may problema ba?. Bakit ka nagtata--"

" Ano Wala..ano..n-nandito na pala tayo " laking pasasalamat ko ng maharap ang pinto ng stock room. Kinuha ko na ang karton sa kanya. " Ano..papasok na ako i-ilalagay ko lang 'to " iwas tingin kung Saad.

" Sure. Hinatayin kita " Pagkatapos nun ay agad akong pumasok sa loob , huli na ng mapagtanto kong nakasarado pala iyon. Ayon, nabunggo Ang noo ko sa pinto. Yan kasi. Tanga!.

Lesson learned Leng?.

Buksa mo muna ang pinto , bago pumasok. Ok?.

" Aray.." mahinang daing ko sapo-sapo Ang noo.

" Hey hey hey.. patingin.. patingin " lumapit sya saakin at pinilit na tanggalin ang kamay ko na sapo ang aking noo. Hindi ko tinanggal iyon dahil pakiramdam ko masakit kapag tinanggal. Tinakpan ko ang ilong ko ng buong dalawa kong kamay , sa pamamagitan nun nababawasan ang sakit na dulot nun.

" Titingnan ko.. titingnan--"

" Hindi. Masakit "

" Titingnan ko lang "

" Huwag na..masakit kasi "

" Kaya nga titingnan ko diba?. Hindi ko gagalawin , patingin Lang.."

" Ayuko.." inilayo ko sakanya Ang mukha ko.

" Dadalhin nalang kita sa clinic.."

" Naku.. huwag na..ano.." kaagad aking naalerto kaya nabitawan ko ang pagkakahawak sa noo ko. Ng mapagtanto agad kung ibinalik ang Isa kung kamay upang takpan ulit ito saka ako tumalikod.

" Namumula na ah. Tara dadalhin kita sa clinic "

Agad kung itinanggi ang Isa kung kamay. Masakit talaga ang noo ko , kumikirot pero Ewan ko ba kung bakit ayaw Kung magpasama sa clinic. Sa bahay ko nalang seguro gagamutin ito.

" Hindi. H'wag na "

" Pero , nakita ko namumula "

" Hindi..ano.."

" Tara na " hinila nya ang isang kamay ko na naka-hawak sa noo ko. Napa-buntong hininga nalang sya ng tuluyang makita ang noo ko. Namumula na seguro 'to. Masakit eh.

" Let's go "

" Hindi. Ayos Lang talaga ako..Wala Lang to "

" Namumula na oh. Baka magkabukol ka nyan. Tara na " hinila nya ako ng mas- malakas kesa kanina Kaya napapasama ang katawan ko pero pilit kung itinanggal ang Kamay nyang hawak ang kamay ko.

Ay love you ( the Wattpader ) COMPLETEDWhere stories live. Discover now