CHAPTER 11

420 32 0
                                    

“Bakit ba kasi ang aga-aga mo akong sinusundo?” Nakasimangot na tanong ko kay Brent habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

Araw-araw na kaming sabay na pumapasok ngayon sa school. Sinusundo at inihahatid niya rin ako sa bahay. At dahil na rin sa palagi nga kaming nakikitang mag kasama sa school, the rumors about us started going on again.

But I chose to ignore it this time. What they say isn't true anyway.

“Sinabi ko na sayong may practice pa nga kami,” naiinis na sabi niya at saka binuksan ang pinto ng kotse niya at ipinasok ang gamit ko sa back seat.

“Bakit kasi tanghali ka na?”

Tumaas ang kilay ko.
“Excuse me,” mataray na sabi ko. “Hindi ako tanghaling gumising. Maaga akong gumigising noh, sadyang mas excited ka lang sa akin.”

“Dami mong satsat,” naiiling na sabi niya. “Sakay.”

Masama ang tingin na sinundan ko siya ng tingin. Naupo na siya sa driver's seat at hinihintay na lang akong pumasok. Nang hindi pa rin ako pumapasok ay muli niya akong nilingon.

“What now, Angel?” Kunot ang noo na tanong niya.

I pursed my lips then shook my head. Ang rude tsaka ungentlemanly talaga ng lalaking 'to. Hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Nang dumating kami ng school ay kakaunti pa lang naman ang mga estudyante na naroon. Pero nang magpunta kami ng gym ay nagsisimula na ang practice nila sa basketball.

At dahil nalate si Brent at pinatakbo siya ng 30 laps ng Coach nila. Napanguso ako ng samaan niya ako ng tingin. Hindi ko naman alam na mas excited pala 'yong coach nila kaysa sa amin.

Sa Dance Troupe naman ay mamayang hapon pa ulit ang practice namin. Okay naman na 'yong mga choreography at blocking namin. Kaunting ayos na lang naman daw sabi ni Coach. Tingin ko naman ay aabot kami kahit na kahit na medyo pressured na dahil sa Friday na ang simula ng Intramurals at sports fest.
Pero sigurado ako na mas kinakabahan 'yong mga athletes na kasali.

Naupo na muna ako sa isa sa mga bleachers at saka kinuha ang cellphone sa bag. I pursed my lips as I stare at the time. Masyado pang maaga, sigurado ako na mamaya pa dadating sina Sharmaine at Rona. I guess I have to stay here for a while.

Napatingin ako sa entrance ng gym ng makitang pumasok roon si Zach. He is wearing a jersey shorts and a black shirt. He is only holding his bag.

Himala, hindi niya kasama si Angela. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Ibinaba niya ang bag sa isang upuan at saka nagsimulang tumakbo paikot sa buong court. I pursed my lips then slowly nod ny head. So he's responsible huh? Kahit hindi siya sinabihan ng Coach nila na tumakbo ay ginagawa niya na dahil late siya.

Natigil lang ang pagtitig ko kay Zach ng maramdaman ang masamang tingin sa akin mula sa kabilang bahagi ng court. Napaayos ako ng upo ng makita ang naninigkit na mata ni Brent habang nakatitig sa akin. I pursed my lips then raise my brows at him.

Saglit niya pa akong tinitigan bago tumalikod para ishoot ang bola. Bumuntunghininga ako at saka sumandal sa inuupuan. Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo at pinapanood ang mga basketball player na tumakbo dito sa court. It's so boring.

Naisipan kong mag punta muna ng canteen kaya tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang wallet ko sa bag. Pababa na ako ng hagdan ng makasalubong ko si Zach. I bit my lip before giving him a small smile. He smiled back.

I was about to walk pass him when he spoke up.

“Hi,” he said.

Tumingin ako sa kaniya at saka ngumiti.
“Hi.”

Just Fall (Fall Doulogy #1)Where stories live. Discover now