Chapter 10

31.1K 1.7K 1K
                                    

Chapter 10

Ruth 

My teeth gritted uncontrollably. My heart pumped faster. My chest panting rapidly. I was mad. I was furiously mad! 

Pagkababa ko sa van na iyon ay nagmartsa pa ako papasok ng mansyon. Nakakuyom ang mga kamao ko at handang-handa nang dumapo sa mukha ni Dylan. How dare he kidnapped me like this? Sa ganito karumi niya talaga gagamitin ang kapangyarihan niya at pera? Aabot na sa ganitong kawalanghiyaan. Kasukdulan. 

I knew that the mansion was under renovation. Pero sa mga oras na ito ay wala akong naririnig na mga boses ng tao o mga tunog ng mga manggagawa. Pagkapasok ko ay nababalutan pa rin ng mga puting kumot ang mga naiwang furniture. The walls were scraped and bared. The baluster was covered with newspapers as well as the stairs. I saw some changes but it couldn’t shade my anger. 

I looked for him in the mansion. Wala na akong kasunod na goons niya. I walked in the living room, it was empty. I walked in the kitchen, it was empty. I looked up at the second floor. Umakyat ako at nagpalingon-lingon sa magkabilang wing. Nakita kong lumalabas ang liwanag mula sa bukas na pinto ng master bedroom. Mabibigat na mga paa ko iyong tinungo. I invited myself in. The room was almost bared. Wala na akong nakitang kutson pati ang lumang bedframe. Tila regalong tinanggalan ng balot ang buong kwarto. Siguro pati ang ibang kwarto ay ganito na rin ang kalagayan. He was dead serious about the renovation and the rebirth of the mansion from his clan. 

Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa recliner chair. He looked at the door. Eyes were slit like as if he just woke up. So, nauna na siyang umalis ng isla. Mukha siyang wala pang tulog base sa pagod na nakikita ko sa mukha niya. 

Nabuhay ulit ang galit ko. “Anong problema mo sa buhay?!” sigaw ko. 

Ngumuso siya. Hindi alintana ang malakas kong boses na halos yumanig yata sa bawat pader nitong kwarto. He didn’t even move. Moored on his own throne. 

Nilapitan ko siya. I stopped right in front of him. “Can’t you just fucking leave me alone!” bulyaw ko kung sakaling hirap pa rin siyang i-absorb ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. 

I literally had problem with air. With breathing. Umaalon ang dibdib ko dahil sa sobrang galit na nararamdaman. At kanina ay sobrang takot pa. 

“Anong oras ka nakauwi?”  

Kalmado ka pa? Pagkatapos ng ginawang pag-kidnap sa akin. I almost tilted my head and mock him. 

Matagal ko siyang tinitigan. Nagngingitngit ang kalooban ko. Pero ayokong magwala rito na parang siraulong hindi mapakalma. He would only enjoy it. 

So, I bit my lower lip and calm myself. Ngunit hindi ko rin nagawang pigilang umalpas ang nararamdamang pait at galit sa boses ko at pananalita. Ang hirap. 

“Alam mo, ang hirap sa ‘yo? Sarili mo lang ang iniisip mo. Manhid ka pagdating sa kapwa mo!” 

Hindi ba niya naisip ang takot na mararamdaman ko sa pag-kidnap sa akin? Ang daming lumutang na problema at sobrang pag-aalala kung sakaling totoong na-kidnap nga ako. Habangbuhay kong pagbabayarin iyon sa mga magulang ko. Dahil alam kong sa kanila rin uuwi ang gulong iyon. 

Sino pa ba ang tatawagin ng mga kidnapper kundi ang mag-asawang Matteo at Jahcia. Para sa ransom ng kanilang ampon na anak. 

Tears unashamedly escaped from my eyes. Sa kabila ng panginginig ng mga labi ko at pumapanaw na takot sa didbib ay bumalong pa rin ang luha sa mga mata ko. I stared angrily at him. He was staring at my face. He stood up. Nang akmang ilalapit niya ang kamay sa pisngi ko ay malakas ko iyong pinalo huwag lang lumapat sa balat ko. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon