Chapter 16

26.3K 1.5K 747
                                    


“A fool does not care whether he understands a thing or not; all he wants to do is show how smart he is.” – Proverbs 18:2

**

Chapter 16

Ruth

“Just a simple ‘hello’? No?” 

The man over the phone sighed tiredly. Siguro ay pagod na siyang kausapin ako. 

“I’m so sorry. That’s all I can say to you.” 

“But-“

Namatay na ang tawag. Tiningnan ko ang screen ng phone ko. It went back to my contact list then the screen died. Pagod ko iyong binagsak sa mesa. I combed my hair and stared at the wall for I didn’t know how long. 

Sa ilang ulit kong tinawagan si Lola Socorro, consistent siya sa pagtangging kausapin ko. Hindi siya sumasagot sa phone. Maybe, hindi siya humahawak sa telepono. Bakit? There was no concrete reason. Ini-ignore niya ang tawag ko na para bang isang random calls lang. 

Nagpakilalang asawa niya ang lalaking sumasagot sa phone. Nararamdaman ko na ang awa sa boses niya pero wala naman siyang magawa. 

Naisip ko na ngang lumipad sa America. Malabo namang mangyari. Siguro, after graduation. I will push my luck. 

But then, hindi ba iyon isang sign na ayaw niya talaga akong makilala? Kung ganoon, dapat ko pa bang ipilit? Kahit na siya na lang ang naiiwang ala ala ng mama Denise ko? 

Nakakalungkot. Ang tagal kong inasam na makilala siya. Talaga pa lang ayaw niya sa akin. Baka kaya pinaampon niya ako sa mga de Silva dahil ayaw niya rin akong kilalanin. Baka pinaganda lang ng parents ko ang dahilan pero hindi talaga. They just loved me. But my real family didn’t. 

Loneliness, sadness and depression allured me. I stayed at home. Walang akong pasok. Pero tinext ako ni Esther na dumalaw sa pwesto nila para malibang naman. Nakakuha sila ng location ng itatayong coffee shop. Silang dalawa ni Walter ang nagplano. I withdrew a small amount from my account para may maidagdag sa capital. Hindi iyon malaki kaya medyo nahihiya ako Pero maluwag akong tinanggap ni Walter. 

Ako:

May maitutulong ba ako r’yan?

May gumugulo sa isipan ko. Kapag nagpunta ako roon dapat ay may gawin ako. Kung hindi, matutulala lang ako. Magwo worry. Mag iisip ng kung ano. Ayoko naman nang ganoon. 

Para malibang, naglinis ako ng bahay. Nasa labas sina Geneva. Namasyal. Hindi ko narinig nang maayos kung saan pero baka sa park lang. 

Mabilis akong natapos sa gawaing bahay. The perks of having a small house. Nang wala na akong magawa, saka ko naharap ang phone ko. 

Esther:

Nagpipintura kami ngayon. Punta ka na. 

Wala na akong gagawin dito. Kaysa naman mag isip na mag isip . . .

Ako:

Okay. Papunta na. 

Nagmadali ako sa pag akyat sa taas para magpalit ng damit. I wore maong shorts and a maroon sleeveless top. Medyo hapit sa baywang pero kumportable naman. I ponytailed my hair. I colored my lips with a tint. Bago umalis ay chineck ko muna ang mga sasaksakan ko sa bahay. Pati ang kalan. I locked the door and left. Nagbaon na rin ako ng payong. Medyo makulimlim kasi ang langit. 

Nang masilayan ako ng araw at ingay sa kalsada, ramdam kong medyo gumaan ang pakiramdam ko. Para bang bahagyang lumayo ang mga iniisip at kuru kuro ko. Though, nandyan pa rin ‘yon pag uwi ko sa bahay o kapag napag isa ako. Atleast, nakahinga ako kahit kaunti. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora