Chapter 27

23.8K 1.5K 529
                                    

“Wisdom does more for a person than ten rulers can do for a city.” – Ecclesiastes 7:19

***

Chapter 27 

Ruth

Sina Molly, Hanson at Christine ang kasama kong naghihintay sa milk tea shop para sa aming Executive Producer. Nasa tapat ito ng pinagtatrababuan naming TV Station. Via messenger ko na lang nalaman na rito ang tagpuan namin para sa meeting. We will discuss our next topic for the next episode of our Magazine TV Program. 

Katabi ko si Hanson, na kanina pa nag-i-scroll sa kanyang phone. Sa katapat naming couch ay sina Molly at Christine na nagse share naman ng tablet at busy sa tinitingnan doon. Nakaupo kami sa medyo semi-private na pwesto ng shop na ito. Magkatapat ang pandalawang pulang couch, sa gitna ay parihabang mesa at may mababang divider sa likuran nina Molly. Nakapatong doon ang pangdesign na paso ng mga halaman. Kaya kapag napapatingin ako sa kanya ay para bang may crown sa ibabaw ng ulo nito. Mayroong music background pero mahina lang ang volume. Para ngang bumubulong ang dating sa akin kapag nagsasalita ang DJ ng FM station. Pero nakikilala ko ang radio station na pinapatugtog nila. Pinapalakad din ng kumpanyang pinagtatrabahuan ko. 

Walang masyadong tao rito sa milk tea shop. Malakas ang air conditioning at ang bangong ng hangin.

I scrolled on my Facebook’s newsfeed. Tiningnan ko ang nag viral na post ng isang lalaki. Umabot na sa higit isang million ang views ng kanyang video. Binasa ko ulit ang sinulat niyang post. Ilang beses ko na nga itong pinanood at nakakabisado ko na. Umabot na rin hanggang sa ibang social media website ang istorya nito. 

Pinost niya ang kanyang video ng pananawagan. Hinahanap pa rin niya ang dating nobya na hindi sumipot sa kanilang kasal, fifty-four years ago na ang nakakaraan. He is 79 years old now. Hindi na siya nakapag asawa pa ng iba. Umaasa siyang makakatulong ang technology natin ngayon sa kanya, kaya siya nagpatulong din sa kaanak na gumawa ng social media account. Atleast, bago man lamang siya pumanaw ay malaman niya ang lagay at dahilan ng dating nobya sa hindi nito pagsipot sa kanilang kasal noon. 

“Pinasasakit nito ang ulo ko,” 

Lumipat ang paningin ko kay Molly. Hinihilot niya ang kanang sintido at tila inaantok ang mata. Binaba ni Christine ang tablet sa kanyang kandungan at nilingon ang katabi. 

Christine sighed. “Madali sana ‘yan kung gumawa ka ng back up plan. Though, hindi mo naman kasalanan kung magkaproblema roon sa beach resorts. Kaso, hindi mo rin masisisi ang production na umasa sa ‘yo. Ayun lang. Dapat talaga may back up plan.”

Binagsak ni Molly ang likod sa sandalan ng inuupuan. Kamuntik pa niyang tamaan ang paso sa ibabaw ng divider. Pinabayaan niya ang dalawang braso na bumagsak sa magkabilang tagiliran. Para siyang nawalan ng malay pero dilat na dilat pa. She groaned. 

“Sinabi ko naman ang nangyari. Na pina-close ang resorts na ‘yon dahil sa pagkamatay ng isang customer nila. And that was the day before the taping. Same week pa ang airing!”

“Mag ocular visit ka na kasi sa resorts na sinasabi ko sa ‘yo.” Hanson said without looking at Molly. 

Molly sighed again. “Tinawagan ko na ang manager n’yan. Nagpa-sched na ako ro’n bukas. Pero sa picture pa lang nu’n, parang hindi papasa sa production. Maliit. Wala masyadong amenities.”

“Just try it, muna. Malay mo, masulit ang pagpunta mo.”

“Wala ka bang nahanap na iba?” tanong ni Christine. 

Nilingon siya ni Molly at sumimangot. “Kailangan pasok sa budget.”

“Gusto mong samahan kita sa pagbisita?” alok ko sa sarili sa kanya. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon