Chapter 17

27.8K 1.6K 523
                                    

“You will have to live with the consequences of everything you say. What you say preserve life or destroy it; so, you must accept the consequences of your words.” – Proverbs 18:20-21

**

Chapter 17

Ruth

Pagkakita ko sa mukha ni Geneva, hindi ko magawang ngitian siya. She looked guilty. 

“Uh, Ruth . . .” 

Sobrang mahina ang boses niya. Nasa sahig ang dalawang bata. Nalilibang ng kanilang bagong biling laruan. Nakakalat pa ang karton at plastic. 

Natuloy ako sa kusina. Nilapag ko sa mesa ang bulaklak. Kahit ang mesa ay halos mapuno ng mga pagkain. May loaf bread, malaking lalagyan ng cheese wiz, tinapay na chocolate, kahon ng chocolate drinks, snacks at ilan pang matatamis na pagkain. Muk’ang kakauwi lang din nila. May nakasalang pa sa kalan. 

Binuksan ko ang fridge. Bahagya akong natigilan nang may nakita akong bagong lagay na mga plastic ng prutas. May ubas, mansanas at orange. Naglabas ako ng pitsel ng tubig. In my peripheral view, pinapanoood ako ni Geneva. Binalingan ko siya. I almost arched my brow when I caught her anxious eyes. 

She gulped and shyly smiled. 

“Uhm, Ruth, binili ‘yan lahat ng papa mo. Ang sabi niya kasi, pambawi niya sa nagawa niya sa atin no’ng huli.” 

Binalik ko ang mata sa tubig ko. Binaba ko ang pistel sa mesa at uminom. Pumasok si papa. Masaya ang mukha niya. Sinandal niya ang kaliwang balikat sa hamba ng nakabukas na pinto at humithit sa sigarilyo niya. His eyes were watching me. 

Pagkaubos ko ng tubig ay dinala ko iyon sa lababo. Lumapit si Geneva sa kalan at sinilip ang niluluto. Naghanap ako agad ng pwedeng paglagyan ng mga rosas. Wala akong vase. Nag iisip pa ako kung anong pwedeng ipalit. Pati sa banyo ay sumilip ako. Sa likod ng hagdanan. Sa ilalim ng lababo. 

“May gusto sa ‘yo ‘yon, ‘no? Nataypan ka ng anak ni Johann.” 

Hindi ako kumibo. Hinawi ko ang ilang maruruming bote ng mantika sa ilalim. Nasa tatlong bote. Maliit ang nguso. Baka hindi magkasya ang ilalagay ko kung isa lang. So, nilabas ko na lang lahat para mahugasan. 

Pagtayo ko, binalingan ni Geneva si papa. 

“Sa bagay. Sa tagal mong nakisama sa pamilyang ‘yon, imposibleng hindi sila nagandahan sa ‘yo. E, si Denise nga, naakit si Matteo.” 

My face went impassive. Humihinga at tumitibok na lang ang puso ko. Binuksan ko ang gripo at tinapat ang katawan ng bote sa tubig. May mga dumi akong nakita kaya tinuwad ko ang mga bote. 

“Matagal na ‘yon, Jake. ‘Wag mo nang banggitin sa anak mo.” 

May hint ng warning akong narinig sa boses ni Geneva. Though, her voice was gentle and soft, naroon ang munting atake sa kanyang tono. 

Tumawa si papa. 

“Hindi mo pa ba naririnig ang katagang; kung anong puno, siyang bunga. Kita mo nga? May de Silva na namang nadikit sa Melaflor. Kung ‘di sinimulan ni Denise ‘yan, edi walang mapapala si Ruth. Mag ina nga kayo.”

My hand gripped on the neck of the bottle. I gulped hardly. Pinanood ko ang ginagawa na parang sumasali ang mata ko sa paglilinis sa bote. 

His words were like a knife. His voice was like a poison. His presence was an insult to my biological mother. 

Madiin ang lapat ng labi ko. I refused to say a word. I didn’t think he deserve a talk with me. What I had for him was a little respect as my biological father. 

Racing Hearts (De Silva Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon