Chapter 21

58 0 0
                                    

(Macey's pov)
Nandito ako ngayon sa room last subject na namin wla ang adviser namin na syang dpat magtuturo sa last subject kaya naman may ibang teacher na nagturo samin.Actually hindi sya nagturo pinacheck lng nya samin yung mga papel namin na sinagutan nung exam last week at nagpakopya ng pagkadami daming notes parang kulang na lng lahat ng ilelesson sa Filipino for third grading eh ipakopya na samin.

" Haynako salamat naman at natapos nadin akong magsulat " - sabi ko nang matapos ako sa pagsulat ng pagkadami daming notes sabay baba ng ballpen at nag inat inat.

" Sakit na ng kamay ko, Tinatamad na ko magsulat " - rinig kong sabi ni Reziah na nasa likod ko.

" Nadine " - pagtawag nito sabay kalabit sakin.

" Ano? " -sabi ko sabay lingon sa knya.
" Anong oras na?" - pagtatanong nya sakin kinuha ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at tinignan yung oras.
" 5:50 pm "
" Okay thank you " -  sabi nya sabay ngiti at sinuklian ko naman ito ng pekeng ngiti ewan ko ba pero naiirita ako sa ngiti nya naalala ko padin yung ginawa nyang pangtatraydor sa akin noon.

Tutungo na sana ako para umidlip nang bigla na naman nya kong kinalabit napairap na lng ako sa hangin bago ko sya muling nilingon.

" Beh may salamin ka? Pahiram naman ako " - sabi nya habang nag susuklay ng buhok gamit ang kamay nya.Kinuha ko naman yung salamin ko sa bag atsaka ibinigay sa knya.
Nakita kong nilapag nya yung salamin sa table tpos may kinuha syang pulbo at liptint sa bag nya.Mag aayos ayos pa wla naman nang iaayos yung mukha nya HAHAHAHA

" Beh gusto mo lagyan kita? " - sabi nya sakin habang nagliliptint.

"  Hindi na okay na ko " - pag tanggi ko hindi naman kase ako mahilig maglip tint pulbo lng okay na ko atsaka bawal din kase sa school namin.Pero ewan ko ba sa knya ang hilig hilig mag lip tint tuwing papasok may lip tint tuwing recess magliliptint at syempre tuwing uwian maglilip tint ulet ang kapal pa maglagay kaya ayan nagmumuka tuloy syang clown. 
Madalas nga sinisita na sya ng teachers dahil laging may lip tint at napakakapal pa tinatanggal naman nya naman yung lip tint pag sinisita at pinapatanggal sa knya pero maya maya maglalagay ulet.
" Di ka pa ba tpos dyan? " - sarcastic na tanong ko sa knya.

" Okay na beh thank you " - sabi nya at ibinalik sakin ang salamin.

Mayamaya pa tumunog na ang bell dumating ang oras na pinakahinahantay naming mga estudyante ang oras ng uwian.

" Hi Drey! Ahhmm pwede mo ba ko ihatid?Malapit lng naman bahay ko eh " - sabi ng isa kong kaklaseng babae sa pinsan kong si Drey na nakatayo habang nakapamulsa at nakahawak ang isang kamay sa back pack nya na nakasukbit lang sa isang balikat nya.
" Hi Drey!Sa Lorvs ka lng nakatira diba?Taga dun lang din ako eh tara sabay na tayo " -sabi pa ng isa pa naming kaklaseng babae na kumapit pa sa braso ni Ethan.

" Hi Drey!Gusto mo sumama sa amin?Manlilibre ako " - sabi pa ng isa pa ulet naming kaklaseng babae habang nagpapacute kay Ethan.Hanggang sa ayon sunod sunod na yung mga babae naming kaklase na nagkakagulo kay Ethan kinukulet sya na ihatid o samahan nya daw sila.

" Hey couz, mauna na ko sayo ah " - sabi ko sabay ngiti na may halong pang - aasar at nagmadaling lumabas ng room HAHAHAHA dpat kase sabay sabay kmi nila Ate Jv at Ethan uuwi ngayon. Eh sa kinukulet pa sya ng mga yun at  dahil mabait akong pinsan hinayaan ko na muna sya dun at nauna na ko.

The Girl who doesn't know how to loveWhere stories live. Discover now