Chapter 28

11 0 0
                                    

(Macey's pov)
Umuulan knina kaya naman dala dala ko ang payong kong di ko pa nababalik sa bag nang magpunta akong room.

Pagkapasok ko ng room ay parang may iba, nag iiyakan ang lahat ng mga kaklase ko. Di ko alam kung may nawalan ba ng importanteng bagay kaya umiiyak o ano, pero kung nawalan lang ng importanteng bagay, bakit lahat sila umiiyak?imposibleng namang lahat sila nawalan? 

" Anong nangyayari?Bakit kayo umiiyak? " - pagtatanong ko kay Russell nang makalapit ako sa row nila.

" Besh, Si Jairon.." - umiiyak pa rin na sabi nito.

" B-bakit anong nangyari kay Jairon? " - kinakabahan kong tanong sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa di ko malamang dahilan.

" Naaksidente sya " - sbi ni Russell na mas lalo pang lumakas ang pag-iyak.

" H-a? " - nauutal at nanghihina kong sabi napaupo na lng ako sa sahig at nabitawan ko ang payong na hawak ko ganoon din ang bag.

Si Jairon, isa sya sa mga kaklase naming lokoloko pero kahit ganoon masasabi ko na isa din sya sa dahilan bakit masaya ang section namin.

" Si Jairon, naaksidente sya at critical daw ang lagay. Di pa daw sya nagigising hanggang ngayon " -  mangiyak ngiyak na sbi ni Lyla, isa sa mga kaklase namin at kaclose din ni Jairon.

Dahil sa narinig kong balita ay di ko mapigilang mapaiyak dahil sa pag-aalala sa kaklase namin, sa kaibigan namin.

" Mga anak " - sabi ni ma'am nang makarating syang room namin na punong puno ng ingay pero hindi dahil sa kakulitan nmin kundi dahil sa nangyari sa kaklase namin.

" Kayong mga bata kayo, makukulet mga pasaway. Madalas akong kinukonsumisyon sa inyo pero alam nyo naman kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano kayo kahalaga sa akin. Mga anak, Ang nangyari sa kaklase nyong si Jairon ay hindi natin inaasahan. Ipanalangin na lang natin na sana bumuti na ang lagay nya para makasama na ulet natin sya, magfofourth grading na. Gusto ko walang malalagas sa inyo, gusto ko kayong makitang sabay sabay nagtapos. Kaya sana naman mga anak mag-iingat kayo please " - sabi ni Ma'am na di na din mapigilan ang pag iyak sa harap namin.

Mas lalo din kming naiyak sa sinabi nya at nagsilapitan sa knya atsaka sya niyakap.

_________ __________

(Macey's pov)
  Uwian na namin ngayon, maaga kami nakauwi dahil exam lang naman. Huling araw na nang exam namin at ganito pa ang nangyari, hindi tuloy ako nakafocus.
Nag-aalala pa din ako.

Pagkalabas namin ng room ay mahahalata pa rin sa mga mata namin na galing kami sa pag-iyak, maraming mga taga ibang section ang nakarinig ng balita kaya naman paglabas nmin ng room ay marami ang nagtanong tanong tungkol kay Jairon

" Kumusta? Ano na daw lagay
ni Jairon? " - pagtatanong ng isang familiar na babae, taga yakal siguro ito ang section na katabi lang namin.

" Oo nga, kumusta na sya? saan daw nakaconfine? "- pagtatanong naman ng isa pa, hindi ito taga yakal hindi din sya gaano familiar sa akin pero sa tingin ko ay taga ibang section din, nakita ko naman ang nakasulat sa id nito, taga section Kamagong.

" Ang gwapo pa naman non crush ko yon e lagi ko nga sinisilayan yon kaya kahit medyo malayo room namin sa inyo dumadaan ako dito para masilayan sya " -   biglang sbi ng isa pang babae na sumingit bago pa man kami makasagot sa tanong ng dalawang babae na taga yakal at taga kamagong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Girl who doesn't know how to loveWhere stories live. Discover now