Chapter 27

8 0 0
                                    

(Russell's Pov)

Lunes ngayon at dalawang araw na lang ay matatapos na ang buwan ng January hayahay kami ngayon sa loob ng classroom dahil walang teacher kase may mga meeting daw sila, idagdag pa na may event din sa school namin ngayon.

Ang ibig sabihin ay mamayang alas singko pa ang klase namin, last subject ng maganda naming Adviser.

Kahit na nakaupo lang at katabi si Macey na busy sa pagse-cellphone ay hindi ko maiwasang lingunin si Jp na abala rin kakapindot sa sirili nitong cellphone.

Anong bang meron sa cellphone?

Nakita kong nagsusulat si Mar sa blackboard kaya tumayo ako at maisipang gumaya din sa ginagawa nya.

Hawak ko ang chalk pero wala akong maisip na pwedeng isulat, habang iniikot ko ang aking paningin ay nahagip nito ang lalaking busy kakalaro sa cellphone, si Jp.

Hilig kasi ni Jp ang maglaro ng Online games lalo na ang Mobile legends. Naisipan kong magsulat patungkol sa kanya, yung patama.

Nagsulat ako ng isa.

"Uy! sino 'yan russell?" tanong ni Mar. Humarap ako sa kanya at sinenyasan na tumingin kay Jp. Mukhang nakuha nya din kaagad ang ibig kong sabihin.

Tumabi sya saken na ngumingisi.

"Sino ba 'yang pinaparingan mo sa sinulat mo?" kunyaring malakas na sigaw na tanong ni Mar sa akin, nakita kong tumingin sa amin si Jp kaya nilakihan ko sya ng mata pero tinawanan lang ako ng baliw.

Hindi na ako tumingin pa kay Jp kase alam kong wala siyang pakialam sa mga ganitong pagpaparinig tungkol sa kanya, kaya minsan naiinis ako sa lalaking 'to eh.

Nang mapansin kong nagsisibalikan na ang iba naming kaklase ay bumalik na ako sa upuan ko mismo.

"Grabe ang daming tao sa baba, wala na daw price para sa mananalo"   - sabi ni Shaliah habang inaayos ang bag.

"Oo nga eh, sabi ko si Kuya na lang na gwapo yung price kapag nanalo ako" -nagtawanan ang dalawa.

"Eh hindi siya pumayag nung makita tayo" pahabol ni Gianna nakakahawa ang tawa ng dalawa kahit si Macey ay natatawa den.

"Mamaya daw aakyat si Ma'am, sabi maglinis na daw yung mga cleaners tapos itapon na yung basura "  - sabi ni Ate Raquelle na mukhang napagod sa pag akyat ng hagdan. Fourth floor ba naman ang classroom.

Unti unti ay nagsisibalikan na ang mga iba naming mga kaklase sa loob at napansin ko naman na si Jairon ay inaasar si Kiara na mukhang napagod din.

Marahas na hinarap ni Kiara si Jairon na ayaw pang ibigay ang gamit nito na kinuha niya sa mesa. Napailing na lang ako sa ginagawa ni Jairon.

Mukhang wala siyang kapaguran.

" Ano ba!? Akin na sabi yang notebook ko Jairon! " - malakas na ang boses ni Kiara pero si Jairon ay wala pa ring tigil sa pang aasar at ayaw talagang ibigay ang gamit nito na pilit ng kinukuha.

" " Huy Jairon, Tigil na baka maabutan ka pa ni Ma'am pinagtitripan mo na naman si Kiara mapagalitan ka pa dyan " - suway ni Macey sa kanya, tinignan niya lang si Macey at nag-bleh lang siya.

Tinawanan lang sya ni Macey sa ginawa ni Jairon, napakakulet talagang lalaki nito kahit kailan.

Nang mahablot ang gamit ni Kiara na kamay ni Jairon ay hinampas nya ito ng notebook sa balikat at sinamaan ng tingin.

" " Tangina mo, bwiset ka. Mamatay ka na! " - galit na sigaw ni Kiara at umupo kung saan ang upuan nya.

Pakiramdam ko ay pinalo ang puso ko kaya parehas kaming nagkatinginan ni Macey sa isat isa, mukhang nagkaintindihan kami. Kahit na galit si Kiara kay Jairon ay wala syang karapatan na sabihin 'yon kahit na biro lang o nadala lang ng emosyon.

The Girl who doesn't know how to loveWhere stories live. Discover now