Chapter 15

421 1 0
                                    

(Macey's pov)
Nandito ako ngayon sa labas sa may corridor nagpapahangin ang init kase sa loob sa room kahit may electric fan atsaka ang gugulo ng mga kaklase ko kaya dito muna ako sa labas sa may corridor nagpapahangin habang nagsasoundtrip nang biglang may tumakip sa mga mata kong mga kamay ng tao sa likod ko napangiti naman ako dahil dun hmmm?sino kaya ito?
" Sino ito? " - sabi ko habang nakangiti at hawak ang kamay na nakatakip sa mata ko.
" Hulaan mo " - sabi ng familiar na boses oh god tama ba yung nasa isip ko kung sino ito.
" Rafie? Rafie ikaw ba yan? " - sabi ko habang nakangiti at hawak parin yung kamay na nakatakip sa mata ko.Lumuwag naman yung pagkakatakip ng kamay sa mata ko kaya inalis ko na yung kamay nun sa mata ko ng tuluyan at humarap kay Rafie tama nga ang hula ko si Rafie nga inalis ko yung earphones sa tenga ko atsaka nagsalita.
" Sabi na ikaw eh " - sabi ko habang nakangiti.
" Ah Gusto ko sanang yayain ka na sumabay sakin na kumain dyan lang sa canteen libre ko ano pwede ba? " - sabi ni Rafie habang nakangiti.
" Besh tara sa canteen gutom na akez eh " - sabi ni Russell na bigla na lng sumulpot.
" Kung gusto mo pwede mo ring isama itong kaibigan mo tutal gutom na rin naman sya libre ko parin ano payag ka na? " - sabi ni Rafie habang nakangiti napalingon naman si Russell sa kanya.
" Talaga Kuya Rafie?ililibre mo kami? " - sabi ni Russell habang nakangiti na parang bata.
" Oo naman " - sabi ni Rafie habang nakangiti parin.
" Uy besh pumayag ka na sayang naman si Kuya Rafie pa naman manlilibre " - bulong sakin ni Russell.Inirapan ko na lang sya at bumungtong hininga bago sumagot kay Rafie.
" Oo na nga sige na basta libre mo talaga ah " - sabi ko habang nakangiti kay Rafie.
" Oo naman syempre " - sabi nya sabay ngiti at kindat sakin na sinuklian ko naman ng pabirong irap.So yun pumunta na kaming canteen pagkapunta naming canteen agad nya kong tinanong kung anong gusto ko.
" Anong gusto mo? " - tanong nya
" Hmm? " - sabi ko at umaktong nag iisip.
" Ah Ano na lang ahmm palabok tsaka palamig " - sabi ko.
" Ahhmm saakin naman Kuya Rafie siopao tsaka palamig " - sabi ni Russell
" Ah sige okay " -  sabi ni Kuya Rafie sabay alis para bumili ng pagkain.
" Uy Besh tulungan mo dun si Kuya Rafie oh kawawa naman ililibre na nga tayo tapos di mo pa tutulungan " - sabi ni Russell
sabay ngisi.
" Ikaw nagsabi ikaw na tumulong " - sabi ko sabay irap.
" Eh sige na,ARAY! masakit paa ko eh ikaw na tumulong hantayin ko na lang kayo dito sige na besh ikaw na " - sabi nya  habang nakahawak sa paa nya na masakit kuno.
" Tss oo na " - sabi ko sabay tayo at punta o lapit kay Rafie tss if i know di talaga masakit ang paa ng bruha eh nagawa na namin nila Kuya Harren yung palusot na yun eh.Hays edi yun na nga pagkapunta o lapit ko kay Rafie.
" Tulungan na kita kawawa ka naman eh nakakahiya naman ililibre mo na nga kami di pa kita tutulungan " - sabi ko at pabirong umirap sa kanya.
" Ayos lang umupo ka na dun hantayin nyo na lang ako " - sabi nya sabay ngiti.
" Ayoko,Tutulungan kita " - seryosong sabi ko.
" Huwag na ayos lang dun ka na ako na bahala dito " -
" Ang kulet mo po tutulungan kita o tutulungan kita mamili ka? " - sabi ko at sarcastic na ngumiti.
" Sige na nga " - sabi nya sabay kamot sa ulo.
" Ito yung siopao tsaka palamig ni Russell ikaw na magdala tapos ako na magdadala nung pagkain nating dalawa maghantay ka na lang dun " - sabi nya sabay bigay ng siopao at palamig ni Russell habang nagkakamot parin sya sa ulo.
" Hindi,Babalik ako dito pagkatapos kong ibigay ito kay Russell " - sabi ko sabay punta kung nasan kay Russell at binigay sa kanya yung pagkain nya atsaka dali daling bumalik o pumunta ulet kung nasan si Rafie .
" Akin na yung pagkain ko ako na magdadala hantayin ka na lang namin dun " - sabi ko sabay kuha sa kamay nya ng palabok at palamig ko.Napakamot na naman sya sa ulo nang kuhain ko yun atsaka pumunta ulet kung nasan si Russell at dun sya hinantay.So yun nung nakabalik na sya kung nasan kami ni Russell at nakabili na ng pagkain nya sabay sabay na kami kumain.

The Girl who doesn't know how to loveWhere stories live. Discover now