22

374 28 2
                                    

Messenger

Miggy sent a voice message. 4:50minutes.

Now Playing...

“Ang kantang 'to ay isa sa mga favorite ko. It reminds me to move forward despite of the storms, pains, struggles, and challenges that unexpectedly barges in to our lives. And to love yourself first. Sana pagnapakinggan mo gano'n din sa 'yo...”

Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon

At nalulunod sa batikos ng mundo

Sa kung ano lamang ang kaya ko

Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad

Parang wala ng bukas

Pwede bang umiwas?

Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin

Sa ligaw na dinadaanan ko

Sa'n na 'to patungo?

Sa'n na 'ko patungo?

Dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang

Dahan-dahang tumingin sa salamin

Upang makita ang ating kagandahan

Dahan-dahang iangat ang mukha

Upang masilayan ang payapang kalangitan

Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

Kaya't lumaban ka at sabihing

"Ako naman muna"

Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok

Walang malinis, halos puro polusyon

Parang ako raw na konsumisyon

Gulong-gulo ang isip, sa'n ba lulugar kapag nagkamali?

Grabe sila manghusga

Bakit? Perpekto ba sila?

Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti

Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan

Nang makapunta sa paroroonan

Kung dahan-dahan nating simulan muli ang paghakbang

Dahan-dahang tumingin sa salamin

Upang makita ang ating kagandahan

Dahan-dahang iangat ang mukha

Upang masilayan ang payapang kalangitan

Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

Kaya't lumaban ka at sabihing

"Ako naman muna"

"Ako naman muna"

Huwag papalamon sa lungkot

Huwag hahayaang malugmok ang puso mo

Sa ibabato sa 'yo ng iba

Tandaan mong sapat ka

Dahan-dahang tanggalin ang maskara

At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha

Dahan-dahang tumingin sa salamin

At tanggaping minsan ayos lang maging mahina rin

Dahan-dahang iangat ang mukha

Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan

Oo, pagod ka na, pero 'di ka nag-iisa

Kaya't lumaban ka at sabihing

"Ako naman muna"

"Ako naman muna"

Send Answer, Lods!Where stories live. Discover now