Special Chapter

488 24 13
                                    

When Cassandra asks Miggy to come at their usual spot.


‘Uwi ka na sa ‘kin...’

‘Kasi gustong gusto ko nang
umuwi sa ‘yo’

I can’t stop the tears as they continuously flow from my eyes while I’m typing my reply to Hekamiah. Damn, I missed him. No, miss is such an understatement for this kind of feeling. I don't even know how to put it into words.

When he said he’s coming, I put my phone down to calm myself and started admiring the sea as it glistened by the reflection of the magnificent crescent moon. I sat down on the sand while waiting for him to come. As the cool salty breeze of air gently caressed my skin, that nostalgic feeling suddenly kicked in.

Isang maliit na ngiti ang nagawa ko habang inaalala ang lahat ng mga pangyayari sa lugar na ito kasama siya. Simula noong unang pagkikita namin dito no’ng binalak kong tapusin ang buhay ko at siya para umiyak dahil masyado nang mabigat ang kanyang dinadala. Hanggang sa naging tambayan na namin ito, naging saksi sa lahat ng tawanan, iyakan, at kwentuhan namin tungkol sa buhay at sa hinaharap. Naging saksi sa unang halik namin. Naging saksi tuwing kinakantahan niya ako habang nakayakap siya sa akin. At ang nakasaksi sa pinakahuling araw na magkasama kami. At ngayon saksi sa muling pagkikita namin makalipas ang maraming taon na inakala kong wala na siya.

When his grandma announced that he’s dead, a huge part of me died too. I don’t know what to do that time. I feel lost. Still shocked at the news and it feels like a dream pero nang tumagal doon lang ako natauhan wala na nga siya. Higit pa sa salitang masakit ang naramdaman ko nang malaman ko iyon.

He’s my favorite song. The song that keeps me going. The song that comforts me. The song that’s keeping me sane. The song that calms me. The song who knows how to deal with my emotions. The song who made me feel loved every seconds of the day. And suddenly that song... died.

Kaya nang makita ko siya sa reunion ng batch namin halos mabaliw na ako. Hindi ko alam kung masyado na ba akong hibang para isiping buhay pa siya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o guniguni ko lang. Pero totoo siya. Halo halong emosyon ang naramdaman ko noon. Galit, kasi bakit kailangan pa niya akong saktan at pagmukhaing tanga? Lungkot, kasi bakit ang tagal? Inis, kasi bakit ngayon lang siya nagpakita? At higit sa lahat, saya. Masayang masaya ako kasi buhay siya. Bumalik siya. Hindi ako iniwan ng musika ko.

At salamat kay Haianah dahil nalaman ko ang tunay niyang dahilan. Nawala ang galit at inis ko, tanging saya at pagkasabik na lang sa kanya ang nararamdaman ko.

Nasaan na kaya siya?

Bakit ang tagal niya?

“Cassandra...” isang malalim at pamilyar na boses ang lumukob sa tainga ko. Agad na nanubig ang mata ko. Sumikip ang dibdib sa sobrang saya kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Wala na akong inaksaya pang oras, dali dali akong tumayo at lumingon sa likuran. Doon, nakita ko ang musika ko. Agad kong tinapon ang katawan ko sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Agad ko ring naramdaman ang pagganti niya sa yakap ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko habang nakasubsob sa matikas niyang dibdib.

“H-Hekamiah...” his name is the only word I can utter.

“Shush... tahan na, nandito na ako. I’m sorry kung ang tagal kong nawala. Patawarin mo sana ako sa lahat ng sakit na binigay ko sa ‘yo,” he whispered close to my ear.

Agad akong umiling. “I understand you, Hekamiah... Napatawad na kita.”

Napahinga siya nang malalim, tila nawala bigla ang bigat na kanyang dinadala. Ramdam ko ang paghigpit pa ng yakap niya sa akin. “Thank you...” he whispered before planting a gentle kiss on the side of my temple.

Send Answer, Lods!Where stories live. Discover now