66

253 21 1
                                    

Messenger

Miggy Alvarez

Dec. 11 | 09:03PM

Miggy

Gising ka pa?

Kumusta?

Anong gusto mong ulam bukas?

CM

Gano'n pa rin

Magluluto ka ulit?

Miggy

Oo, hanggang sa gumaling ka

CM

Huwag na

Sayang pera mo

May pagkain naman dito

Miggy

Shhhh

Hindi sayang pera ko, okay?

Swerte nga sila e, napupunta sayo

Sayo na pinakamagandang nilalang

CM

Baliw

Pero seryoso Hekamiah, hindi na, tama na yung isang beses

Miggy

Sshhhh

Gagawin ko to kasi gusto ko

Gusto kong gumaling ka

Gusto kong masarap ang kinakain mo dyan

Kaya sige na huwag na tayong magtalo pa rito, anong gusto mo bukas?

CM

Adobong manok

Miggy

Okay!

Sige na matulog ka na,

Pray muna

Good night, Cassandra!

CM

Good night, Hekamiah

Dec. 12 | 07:30AM

Miggy

Good morning, bebe!

Dumating na ba yung padala ko?

CM

Good morning

Oo nandito na kadarating lang

Miggy

Okay! Bilis ni manong guard a HAHAHA

Gaya kahapon gawin mo ulit yung mga bilin ko

Tapos may katas rin ng oregano dyan inumin mo, gamot yan sa ubo mo

Inumin mo ha?

Pagaling ka! Sige na kain ka na

CM

Okay, thank you

Pero paano tong mga tupperware mo?

Miggy

Yung isang gamit na lang yan kaya itapon mo na lang pagtapos ka na

CM

Okay

Uh... Hekamiah

Miggy

Ano yon, bebe?

CM

Uhm

Can I ask you a favor?

Miggy

Sure

Ano yon?

CM

Pasahan na sa 14

Pwedeng pakipasa mo rin ng modules ko?

Yung susi ng bahay namin nandoon sa pot ng gumamela na yellow

Tapos yung folder ng modules ko nandoon sa ibabaw ng mesa sa salas namin

Bungad lang yun kaya kita mo agad

Please? Thank you so much

Miggy

Okay, no prob!

Yun lang ba?

CM

Oo

Miggy

Tapos mo na ba?

CM

Oo

Miggy

Okayyyy

Sige na kain ka na

Ako na ang bahala sa modules mo

CM

Last na yon 'di ba?

Miggy

Oo

Christmas break naaaa

CM

Haha, yey!

Miggy

Kaya pagaling ka na para maghapon tayo nina Hayi sa dagat

Miss ka na raw niya HAHAHA

CM

I missed her too

Miggy

E yung kuya?

CM

🙄

Fine

Miss you too

Send Answer, Lods!Where stories live. Discover now