Chapter 19: Weyah's Son

82 4 0
                                    

***

MABILIS ang pagtakbo niya palabas ng silid dahil sa takot na bigla na lamang siyang saksakin ng espada na nagmula sa kaniyang pulso. Hindi naman si Jossa tanga na hindi agad iyon malaman na totoo. Dahil tulad nang kanina sa nangyari ay pareho iyon sa espadang pinakita sa kaniya ni Exodus. Ang pinagkaiba lang ng mga espada nila; Exodus sword had black smoke. But she had pink, red, yellow and white smoke! And she felt its presence— it's so strong that she could not resist.

Lalo na nang tawagin siya nito nang paulit-ulit at tila may humahatak na pwersa para hawakan niya iyon. But she won't! What if she holds that weird sword? Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya pagkatapos! What if she will vanish, at hindi na siya makababalik pa rito? Hindi malalaman ni Jossa ang lahat! Gusto niya pang malaman ang katotohanan, at hindi niya na magagawa iyon kapag tuluyan na siyang lamunin sa kabilang buhay— kung mayroon nga na ganoon.

Mabilis siyang napahinto sa pagtakbo nang mabunggo ang noo niya sa matigas na bagay. May isang nakaharang na kulay itim na usok sa kaniyang harapan. Hindi niya na kailangan pang tingnan kung kanino iyon galing, dahil pamilyar ang amoy nitong peppermint. Ewan niya ba at kung bakit ganoon ang amoy ni Exodus, parang nilaklak nito yata ang peppermint na candy.

"Where are you going, Jossa?" he asked with a cold tone.

Sasagot na sana si Jossa nang biglang bumukas ang pinto ng silid na pinanggalingan jiya at nakasunod ang espada sa kaniyang likuran. Lumulutang pa rin iyon sa ere at tila ba hinihintay siyang kunin ito! The heck! Hinding-hindi niya ito hahawakan, pakiramdam niya'y masusunog siya kapag lumapit ito sa kaniya.

Napatingin siya kay Exodus nang marinig niya itong umiiyak. Nanlalaki ang mga mata ni Exodus habang tulala lang na nakatitig sa espada.

What is happening?! The Exodus that she knows has no emotion! But what happened? Why is she seeing him crying?! Is this serious?!

"Exodus? What is happening?" tanong niya sa lalaki sabay yugyog sa balikat nito. Nabaliw na ba ang isang 'to?

Tumingin si Exodus sa kaniya. Pinipigil ang pag-iyak, but whatever he tries to stop himself, the tears keep on falling. "The time has come, Jossa. The first call has come, and you are ready to save us from those evil creatures."

Napalayo siya sa lalaki dahil sa kaniyang narinig. Hindi siya tanga para hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Pero bakit? Hindi niya pa rin mapagtanto kung ano ang dahilan ng lahat. "Bakit ako? Bakit ako pa, ha, Exodus?"

"Dahil ikaw ang aking pinili, Jossa." Isang malumanay at parang pumupukaw ng damdamin ang kaniyang narinig na boses.

Isang liwanag ang sumalubong sa kanila ni Exodus dahilan para mapapikit sila. Sobrang liwanag na hindi makayang tingnan, at kung pipilitin man ay siguradong nakabubulag.

Ano na naman kaya itong masasaksihan niya? She is full of surprises! And she doesn't know what she would believe!

Nang mawala na ang sinag ay agad niyang binuksan ang mga mata saka hinanap ang nagmamay-ari ng boses. Pero walang makita si Jossa  kundi isang katawan na maliwanag ang mukha. Nakasuot ito ng puting saya, may gintong sinturon sa kaniyang baywang, ang kaniyang panyapak naman ay ginto, at maging ang kaniyang pulseras sa magkabilang kamay. Jossa couldn't stare at his face because it was so bright, enough that it would make her blind. His hair was so black as raven.

"Ikaw ang magliligtas sa kanilang lahat, Jossa. Ikaw ang pinili ng Ama para tulungan kaming ibalik nag mga taong naniniwala sa kaniya at talunin ang kasamaan sa mundo," dugtong pa ng lalaking sobrang liwanag na walang mukha.

"Sino ka? At bakit mo sinasabi sa akin 'yan? Pwede ba, huwag niyo nang paikutin ang lahat? Parang sasabog na ang ulo ko sa sobrang impormasyon," reklamo niya sabay salampak sa upuan na naroroon.

The God's Last ServantWhere stories live. Discover now