Chapter 30: The God's Last Servant

42 1 2
                                    

“The last servant of God who witnessed what happened in the future.”

NARAMDAMAN ng mga tao na nasa loob ng kweba ang malakas na enerhiyang nangagaling sa labas. Alam nila na papunta na ang kanilang mga kalaban sa kanilang pinagtataguan. Ang hindi lang nila maintindihan, kung paano sila ng mga ito natuntun. 

Tinawag lahat ni Aling Rosia papunta sa hall, para makapagplano sila nang maayos. Kailangan nilang planuhan kung paano sila makalalabas ng ligtas at hindi maabutan ng kalaban. 

Everyone was so afraid, and wanted to get out alive from the cave. But they are also having second thoughts, they’re not even sure if they are safe outside. 

Lumapit si Aling Rosia kay Maximo at humingi rito ng desisyon. Ngunit walang nagawa ang matandang lalaki kundi sakalin nang mabilis si Aling Rosia, at humalakhak ng malakas.

Malakas na singhapan at sigaw ang namayani sa buong hall sa kanilang nasaksihan. Pinalibutan ng itim na usok ang matandang si Maximo, at wari bang kinokontrol siya nito. Pumasok sa kaniyang ilong ang itim na usok, hanggang sa nangitim ang kaniyang mga mata. 

Nangisay ang mga paa ni Aling Rosia, at tuluyan nang nalagutan ng hininga sa kamay ng kaniyang pinakamamahal na asawang si Maximo. Isang butil ng luha ang dumaloy sa kaniyang pisngi, bago sumara ang talukap ng kaniyang mga mata. 

Napahawak sa kaniyang ulo si Maximo, waring may kung anong bumubulong sa kaniyang isipan. Isang brutal na mga gawaing pinapagawa sa kaniya. Tumayo siya ng tuwid at napalitan ang mga mata niya ng kulay apoy na pula, unti-unting nilamon ang kaniyang kalamnan, hanggang sa maging isa na rin siyang kalansay; katulad ng mga Evix. 

Nagdasal ang mga naroon mgunit huli na. Tuluyan nang nakapasok ang grupo nila Erika na mga Evix at pinagpapaslang ang mga ilang naroon. Kinuha nila ang ilan at pinalabas ng kweba. Sumama sa labas si Maximo at sumama kay Erika. 

“Mga walang awa kayo! Magbabayad kayo sa mga ginawa ninyong paglapastangan!”

Sinakal ni Erika ang babae at pinanlisikan ito ng mga mata. Pinasadahan niya ito ng hawak niyang patalim, at nilabas ang mga bakal niyang ngipin. Sinisindak niya ito nang tumahimik, pero mukhang matapang ang isang ‘to at hindi man lang nakitaan ng takot sa mga mata. 

“Kahit anong gawin niyo sa amin hindi kami tatalikod sa Banal na Diyos! Siya at siya lamang ang aming sasambahin at pagsisilbihan! Ililigtas kaminmg huling lingkod!”

Tumawa nang malakas si Erika na parang galing sa ilalim ng hukay. Sumabay pa ang mga Evix, na kung pagsasamahin ang kanilang mga tawa waring nakakabaliw at nakakasira ng bait kung pakikinggan. 

“Hawak ng mahal na Rennis ang pinagyayabang ninyong lingkod, babae! The one who was here is fake! It was plan by our God! Ngayon, tingnan natin kung maililigtas pa ba kayo ni Jossa!”

Hinila ni Erika ang babae sa buhok at pwersahan itong tinulak sa mga kasamahan. Hinila na rin nila ang ilang mga lingkod ng Diyos at pinapasok sa isang kulungang apoy. 

Bumalik si Erika sa bago nilang miyembro na si Maximo. “Ikaw, bumalik ka sa loob ng kweba at magsama ka ng sampu pa na mga Evix. Siguraduhin niyong walang ibang matitira sa loob ng kweba, kapag nasiguro niyong wala na sunugin niyo ang buong lugar. Maliwanag?”

Tumango si Maximo at sinunod naman ang utos ni Erika. 

Bumaling si Erika sa kaniyang mga alagad na Evix. “Tayo naman bumalik na sa ating teritoryo! We have to finished what we already started, before our Rennis back!”

“KANINA pa tayo binabantayan ng huwad na ‘yan. Sarap niyang tarakan ng espada sa leeg,” gigil na bulong ni Roque sa kasama habang pasimple siyang tumitingin kay Coniton. 

The God's Last Servantحيث تعيش القصص. اكتشف الآن