2

13 0 0
                                    

Sometimes, life won't give you a break so you don't have a choice but to keep going. I had to go to school earlier than usual because my schedule is tight today. I have 3 classes from 8:30 am to 1 pm, with only a 30-minute break.


Habang break time pa, pumunta na kami ni Zydney sa next class namin. Malayo 'yung building kaya sumakay na kami sa isa sa mga jeep para maagang makarating. Hawak ko ang notebook ko at nagbabasa roon dahil may quiz kami.


"Oh, kumain ka muna. Baka makalimutan mo na naman."


"Thanks, Zyd." Naubos ko rin iyon agad dahil nakalimutan kong hindi nga pala ako nakapagbreakfast kanina.


I went straight to the library after class to find some sources for my presentation in Music Literature. Nagkahiwalay na rin kami ni Zyd dahil may meeting pa siya sa org na sinalihan niya. Nagtagal ako dito ng isang oras at umalis na rin dahil kailangan ko pa gumawa ng listening guide.


Naglakad ako hanggang sa makarating sa football field. Nasa gitna ito ng university at nasisilbing roundabout papunta sa iba't ibang colleges. Naupo ako sa isa sa mga benches doon saka sinumulan ang pakikinig. Tuloy-tuloy lang ang pagsusulat ko sa index card nang bigla akong nakaramdam ng hilo.


Tinanggal ko agad ang earphones na nakapasak pa sa tenga ko at napabuntong hininga. "Mabibingi na 'ata ako. Kaya ko pa ba?" I still have 12 tracks to analyze!


"Kaya yan."


Bigla akong napatayo sa gulat nang may bumulong sa likod ko.


"Aray!"


"Ow!"


Agad akong tumayo at napahawak sa tuktok ng ulo ko sa sakit dahil may tumama rito. Wala namang malapit na puno sa kinauupuan ko ah!


"Pucha, ang sakit no'n ah." Gulat akong napatingin dahil si Zen pala iyon. Umupo siya sa bench habang hinihimas ang baba niya. "Naalog yata utak ko."


"Bakit kasi bumubulong ka bigla? At bakit sa likod ko pa?!" Inis kong tanong habang hawak ang ibabaw ng ulo. It has been a week since I last saw him. Kahit may number kami ng isa't isa, hindi rin kami nagkakausap. Hindi rin naman kami close para mag-usap.


"Sinisilip ko kasi ang ginagawa mo. Malay ko bang magugulatin ka!" Depensa naman niya kaya inirapan ko nalang siya pero wrong move dahil nahilo na naman ako. Napapikit ako saglit at saka ko lang minulat ulit nang umayos na ang pakiramdam.


"Teka, bakit ang putla mo?" Nagtatakang tanong niya, nakakunot na ang noo. "Naglunch ka ba?"


Umupo ako at tumango. "Kumain ako ng sandwhich kanina." Sabi ko. Maputla? Baka dahil mainit lang.


"Ang sabi ko lunch, hindi meryenda." Napailing siya. "Tara."


Kumunot ang noo ko. "Huh? Saan?"


"Kakain, tara gutom na ako." Walang pasabi niyang kinuha ang mga gamit ko at umalis.


"Hoy!" Pati bag ko ay dala niya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Hindi manlang ako tinanong kung gusto ko ba! Pero feeling ko babagsak na ako kapag hindi pa ako kumain kaya sumama nalang din ako.


Dahil mainit ay nilabas ko ang payong niya mula sa bag ko at pinayungan din siya. Mabuti nalang nadala ko 'yung payong niya. Baka kasi makita ko siya kaya dinadala ko sa uni lagi. "Kunin mo na 'to pagkarating natin doon. Salamat ulit."


Tumango siya at kinuha mula sa akin ang payong at siya na ang nagpayong sa amin. Binawi ko na rin ang mga gamit ko. Marami nang estudyante ang nasa kalsada dahil madalas ay tapos na ang mga klase nang ganitong oras. Hapon na rin at nagiging maiwalas ang paligid dahil sa nalalapit na golden hour, ang paborito kong oras kapag nandito sa Queenstein. Nakakakalma sa pakiramdam yung sinag ng araw mula sa mga puno. Feeling ko ang ganda ng buong araw ko kahit stressed ako maghapon.


A Place in the MiddleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon