7

7 0 0
                                    

I unconsciously swallowed and looked away. Para na akong napapaso ng mga titig niya. My heart was beating so fast and I felt suffocated so I had to step backwards.

Kasi gusto ko. What did he mean by that?

I didn't want to assume so I nervously laughed it off. "Sunod na tayo sa kanila." Sabi ko nalang at tumayo na saka naunang maglakad.

When we arrived at the bar, we were greeted by colorful neon spotlights and EDM music that made the atmosphere lively and somewhat chaotic, in a good way. Sa daming tao ay halos hindi na ako makadaan nang maayos at nahirapan akong makita ang mga kasama namin.

Mabuti nalang ay nakapatong pa rin sa akin iyong towel na binigay ni Zen kaya kahit papaano ay hindi naeexpose ang katawan ko. Ayoko mag-amoy alak. Hindi ako masyadong umiinom pero ngayon parang gusto kong uminom.

Nang mamataan ni Zen sina Kier na nasa second floor ay sinundan ko siya paakyat doon. Sa may padulong table sila nakaupo at naglalaro ng spin the bottle. Parang hindi pa rin nalalasing sina Zyd at Kier habang si Naia naman ay naging maingay bigla, halatang nakarami na.

"Elise, bebe come here! Ang tagal niyo naman sumunod!" Hinila ako ni Naia at pinaupo sa tabi niya saka ako binigyan ng isang basong may gin na mixed. "Nagdate na yata kayo dun eh!"

Hindi ko siya sinagot at dirediretso lamang ininom ang binigay niyang alak. Kinuha ko pa ang bote sa harap niya saka tumungga. Uminom ko ulit.

"Woah woah, kalma. Sinong nanakit sa'yo?" Pabirong tanong ni Zyd nang mapansing halos maubos ko na ang laman ng bote. I ignored her and continued to drink.

Hindi ko makalimutan ang mga sinabi ni Zen. Napakaoverthinker ko pa naman. Baka makalimutan ko rin iyon kapag uminom pa ako. Baka mawala rin ang mga problema ko kapag nalunod ako sa alak katulad ng ama ko.

Ganito ba ang pakiramdam ni daddy kapag nagiinom siya gabi gabi? Nawawala ba talaga lahat? Pero bakit bumabalik lang at mas naaalala ko lang? Bakit mas nadagdagdagan lang ang mga dapat kong alalahanin? What's even good in being addicted to this kind of thing? What's so good about alcohol that you can't stop consuming it?

I was about to drink again when someone held the glass to stop me.

"Tama na 'yan." Marahang sabi ni Zen at ibinaba ang baso sa table. I had the urge to yell at first from irritation but I stopped myself. Hindi ako katulad ng daddy ko... At hinding hindi ako magiging katulad niya.

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan siyang umupo sa tabi ko. Ngayon ko lang napansin na wala na 'yung iba at kami nalang yung natira sa table. May naririnig pa rin akong tugtog sa baba pero mahina nalang. Tapos na 'ata ang party dahil may mga nakikita akong naglilinis na ng paligid.

"Hinatid na ni Kier sina Naia at Zyd sa room niyo. Napagod sa kakasayaw." Mahina pa siyang natawa nang maalala. They must've had so much fun. I smiled at the thought.

Nahihilo na ako pero hindi ko pinahalata sa kanya. Akala ko ba nakakawala ng isipin ang pag-iinom? Pero bakit mas malinaw ang isip ko ngayon? Nakakainis.

"About earlier—"

"I don't like this smell." Inilayo ko ang ilong ko sa mga alak sa harapan at napahawak sa bibig ko kaya biglang lumaki ang mata ni Zen.

"W-wait! Hold it!" Tarantang sabi niya at patakbong umalis. Pagbalik naman niya ay may dala na siyang plastic at inilapit sa bibig ko kaya at kaagad akong sumuka. Pagkatapos niyang itapon iyon sa malapit na basurahan ay binigyan niya ako ng bote ng tubig at candy. I ate the candy and drank the water.

"Feel better?" Tanong niya. I just nodded.

Kumuha siya ng upuan at umupo sa harap ko. "Kung di mo kaya maglakad bubuhatin nalang kita—"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Place in the MiddleWhere stories live. Discover now