Chapter 9

26 0 0
                                    

Training Partner

Matapos ng pangyayari kanina napag pasyahan kong pumuntang muli sa sikretong silid sa library .

Siguro naman may libro dun tungkol sa Shadow Kingdom pati na rin libro tungkol sa pag papalakas ng Guardian .

Nasa loob na akong ng library papalapit sa dulong bahagi kung saan yung secret passage dun .

Nang may humarang sa akin.

"Well , well  , well isn't this the bitch who cheated in the medicine making class . " mataray na sambit ng walang iba kundi si Kaira .

Kasama ang dalawa niyang kaibigan .

"Una sa lahat Kaira hindi ako nandaya nung gumawa tayo ng gamot . Sadyang hindi mo lang tanggap na mas mataas ang score ko sa'yo ." kalmado kong sambit.

Akala mo ikaw lang marunong mag maldita ha!

"Wh-what you bitch had the guts talk to me like that?!" singhal niya pabulong .

Mukhang narealize niyang nasa library kami kaya hininaan niya ang boses. Takot naman pala eh.

"Bakit sino ka ba para hindi ko kausapin ng ganto?" naka ngisi kong sambit.

Minsan talaga natatakot din ako sa sarili ko pag lumalabas ang ugali kong ganito.

"YOU BITCH ! Nica now!" inis na utos niya.

Nagitla naman ang isa sa mga kaibigan niya at mabilis na tumingin sa akin at kinumpas ang kamay niya.

Nanlaki ang aking mata ng bigla ko na lamang sinampal ang aking sarili.

Nang tinignan ko ang mga panget sa harapan ko ay naghaha gikgikan na ang mga ito.

Manipulation . Yan ang ability ng Nica na toh . Ang kapal din ng mukha nitong manipulahin ang katawan ko?!

Pero dahil sa pag iisip ay nasampal ko na naman ang kabila kong pisnge .

Sinamaan ko ng tingin ang tatlong bibeng toh.

"What?! Akala ko ba malakas ka. Sinasabi ko na nga ba your cheating eh." maarteng sabi ng lider ng mga bibe.

Conyo ka gurl?!

Hanggat maari ayokong pumatol dahil nasa library kami . 

Pero naputol ang pigsi ng pasensya ko ng  sabay kong sinampal ang pareho kong pisnge. Sigurado akong mag iiwan ito ng pulang marka.

Lumakas ang tawa ng tatlong bibe kaya nakuha nila ang atensyon ng ibang nasa library.

"Your really a weakling ." komento nung isa pang bibe.

'I'm allowing you to fight back Vain.'

Yon na nga ang senyales ko para alisin ang sarili ko sa manipulation na ito.

Matapos kong maialis ang sarili ko ay inunat ko ang braso ko.

Ako daw ang weak eh ganun lang ako kabilis na nakawala sa ability nila. Tsk.

Kitang kita ang gulat sa mga mata nila ng makawala ako .

"Before calling someone else weak please check yourself first ." sambit ko sabay ngiti ng sobrang matamis.

Pero tupangina ramdam ko yung sakit ng pisnge ko! Ganun pala ako kalakas manampal!

Nag walk out ang tatlong bibe dahil sa kahihiyayan at sa pagtatawanan ng iba pang Shin na nandito sa library pero I clearly see Kaira mouthed 'We're not done yet!" .

Hindi ko na iyon pinansin pa at nagpatuloy na sa pagpunta sa dulong bahagi ng library.

Nang makapunta ay chineck ko muna kung may tao sa malapit o may nakatingin sa akin .

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now