Chapter 22

21 3 0
                                    

NOTE : THIS IS GOING TO BE ANOTHER LONG CHAPTER BUT PLEASE I HOPE YOU BARE WITH IT. AS ALL EVENTS HERE WOULD BE IMPORTANT IN THE FUTURE CHAPTERS.THANK YOU.

The Results

Matapos ng intense na laban ng dalawa ay binaling na naming lahat sa screen sa taas ang aming atensyon para makita ang mga pangalan ng susunod na maglalaban .

Mahigpit ang hawak ko sa aking damit dahil sa kabang aking nadarama.

*Ting*

Arabel Night Vs. Nicalaine Dawn

Hala?! Si Ara at yung bwisit na kaibigan ni Kaira na may manipulation ability!!!

Habang umaakyat sa platform kung saan maglalaban ay lumingon muna sa amin si Ara . Binigyan ko siya ng dalawang thumbs up at sinabing kaya niya ito .

May tiwala ako kay Arabel!!! Kaya niya tong ipanalo!!

"Shin's ready?! Fight!! "

Third Person's POV

Mabilis na naglabas ng napaka raming weapon si Ara at mabilis itong pinalutang papalapit sa kalaban . Umiwas lang si Nicalaine at agad na tinawag ang kaniyang basic guardian, isang malaking lilang racoon.

Agad na ding tinawag ni Ara si Owla ang kaniyang basic guardian .

"Racci - Poison Puff!!" sigaw ni Nicalaine . Mistulang pumutok ang mga bulaklak na nasa katawan ng kaniyang basic guardian at naglabas ng isang nakakamamatay na lilang usok .

"Owla - Wings Wind!!"

Napigilan agad ng hanging inilabas ni Owla ang pagkalat ng lilang usok kaya nakaligtas sina Owla at Arabel.

Nagngitngit ang ngipin ni Nicalaine dahil dito .

"Racci - Level up!! "

Napa singhap ang lahat ng dumoble ang laki ni Racci, ngumisi naman si Nica .

"Racci - Poison Tornado!!" naka ngising sigaw ni Nica .

Nanlaki naman ang mata ni Ara at hindi naka galaw ng mas dumami at mas lumaki ang usok na may lasong inilabas ni Racci .

Sinubukan ni Ara na iligtas ang sarili niya sa pamamagitan ng pagpigil dito gaya ng kanina ngunit masyado itong malaki, kaya naman napaligiran sila ng usok, kitang kita ang panghihina at pag ubo ni Ara dahilan ng pagkawala ni Owla .

Nabalot ng pag-aalala ang mukha ng mga kaibigan ni Ara habang malaki naman ang ngisi ni Nica at ng mga kaibigan nito .

"Hahahaha! It looks like I wo-hindi pa!!" natigil ang sasabihin ni Nica ng tumayo si Ara. Kitang kita na ng hihina pa rin ito ngunit kita rin ang determinasyon sa mukha niya .

"Wag kang magsaya agad Nica , hindi ako nag ensayo para matalo sa panget na kagaya mo!!" singhal ni Ara at nag mistulang ibang tao na ito .

"What?! How dare you call me ug-Pobe I sunmon you!!" Hindi na naman na ituloy ni Nica ang kaniyang sasabihin ng isummon ni Ara ang kaniyang main guardian na isang higanteng polar bear na nagngangalang Pobe .

A/N : Pobe is pronounce as Po-bi.

Namangha ang lahat sa itsura at laki ng main guardian ni Arabel .

"Tsk what a show off!! Racci Poison Oxygen!!" galit na galit na sigaw ni Nica.

Everyone gasped , alam nilang napaka delikadong move ng pinagawa ni Nica kay Racci .

Naglabas ng napaka rami na namang lilang usok si Racci pero ngayon talagang napuno na nito ang buong battlefield pero mas lalong nagulat ang lahat ng isang tunog ng paghigop ang namutawi at naubos nito ang usok .

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now