Chapter 10

32 0 0
                                    

1 on 1 Training

Matapos sambitin ni Master Olivia kung sino ang training partner ko ay marami ang nag react.

Kesyo kawawa naman daw si Timothy kasi ako ang TP niya. (Training Partner)

Baka ako yung kawawa!!

"Now go to your training room and start your training , remember your training starts after lunch to 6 at night , understood?"

Nagsitayuan na ang iba habang kaming tatlong magkakaibigan ay napako sa aming upuan.

"Hey are you coming or not?" napaigtad kaming lahat ng biglang lumapit sa amin si Prince Henry.

"Uh hehe oo naman po p-prince Henry ." sambit ni Ara sabay tayo. 

"Hehe una na ko ha ." paalam ni Ara sabay sunod kay Prince Henry.  

Tumango lang kami sa kaniya.

Tumayo na rin kami Rai .

"How about you?" muli na naman kaming napag igtad ng lumapit sa amin si Princess Crizain.

"Ah-Eh opo P-princess Crizain." kinakabahang sambit ni Rai .

At naglakad na sila papunta sa training room nila.

Napa igtad naman ako ng may dumaan sa harap ko at dinanggi ang balikat ko.

"Aray!"

"Oh sorry akala ko pader haha." sambit ng walang iba kundi ang lider ng mga bibeng umaway sa akin kanina .

"Tsk, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin natingin sa salamin?" tanong ko na nagpataas ng kilay niya .

"What do you mean?"

"Well , what I mean was hindi mo ba nakita sa salamin na ikaw yung mas mukhang pader sa ating dalawa?" mapang - uyam kong sambit .

Nakita kong mamula mula na siya sa inis .

"You!-Let's go . " Tsk!!! Panira talaga tong si Prince Lavier !

Hindi na nagsalita pa ang bruha at sumunod na lang kay Prince Lavier habang naka hugis puso ang mata niya.

Tsk patay na patay yarn?!

"Hey okay ka lang ba ?" tanong ni Tim pagkalapit niya sa akin.

"Oo tara na para makapag simula na tayo." sambit ko sabat lakad , agad naman siyang tumabi sa akin at sinabayan ako.

"Bakit nga pala nasa harapan mo si Kaira kanina ?" usisa pa niya.

"Wala paepal lang yun akala niya mabu bully niya ko. Asa siya." Bigla ko na lang nasambit.

"Bully?! She's bullying you?!" rinig ko ang inis sa boses niya.

"Oo , pero okay na nagantihan ko na siya , hihi." sabay hagikgik ko.

Napailing iling na lang siya .

~♥~~♥~~♥~~♥~~♥~

Isang napaka-laking puting kwarto yung loob ng training room. 

"Wow parang ang liit lang kanina nung nasa labas tayo ah." komento ko.

"Your amazed by that? What more to this." sambit niya sabay pindot sa isa sa mga button sa parang remote na hawak niya.

Matapos niyang pindutin ang remote ay naging isang gubat ang training room.

"The training room is the most amazing place in the academy . It can be customized to anything as long na its for training purposes." paliwanag ni Tim.

Shin Yū Academy Where stories live. Discover now