CHAPTER 1

157 1 0
                                    


Roxie's POV

Matapos ang ilang taon! Naging tahimik at maginhawa ang pamumuhay naming magpapamilya! Pumanaw si Ethel nung nakaraang taon dahil sa sakit niyang cancer naawa pa rin ako sa kanya kahit na ginulo niya kami ng maraming beses! Pinalaya namin siya sa mental hospital dahil nangako siya samin na di na niya kami guguluhin pa at alam namin na bumalik na siya sa katinuan niya! Ngunit sadyang mapaglaro ang mundo dahil ilang taon palang siyang nakakapagpahinga ay siya din yung pagpanaw niya! Masaya din ako dahil successful na yung anak kong si Margaux tsaka si Ethan! Dahil sa sipag at tyaga nilang dalawa nakapagpatayo na sila ng sarili nilang kompanya!
" Maaa tulog na tayo Maaa "Wika ni Kian habang nakayakap sakin
Simula nung nagbakasyon sila Ethan dito sa Pinas di na sumama tong Apo ko sa kanila! Oo tama kayo nasa London sila Ethan habang nasamin tong panganay nila! Gusto kasi ng Apo ko na dito sa Pinas mag aral dahil nandito yung mga Tito niya dahil malungkot daw siya sa London dahil nabibilang lang daw sa kamay niya yung mga kaibigan niya! Tsaka palagi daw siya binubully dun lalo na't ibang lahi ang meron siya marami din daw nagrereklamo sa twing nangungunahan siya sa loob ng classroomoom nila! Si Ares naman nasa Laguna sila dahil nandun na siya kasama pamilya niya! Sobrang saya ko sa twing binibisita nila kami dito! Miss ko na rin yung Apo kong si Cale(Babaeng anak ni Ares) sana bumisita sila ulit dito pag may free time sila ni Bianca
" Bat ang tahimik mo?"Tanong ko sa Apo ko
" Po? Ahh wala po Mama namimiss ko lang po sila Papa "Sagot niya habang nakayakap sakin
" Mukhang di naman yan yung sinasabi ng mga mata mo eh! May problema ka ba sa school? O baka may nang aaway sayo dun? Sabihin mo sakin kung meron "Wika ko
" Si Mama talaga! Okay lang po ako "Wika niya
Buti na ngalang sinunod ni Margaux yung utos ko sa kanya na wag na nilang sundan si Bansot(Palayaw ni Karl) dahil kung makulit tong si Kian nung bata pa! Mas makulit yung isa! Umiinit agad ulo ko dahil sa sobrang tigas ng ulo! Maging si Bala-e Louise ganun din! Napalo niya nga yun eh dahil sa sobrang kakulitan ng batang yun!
" Ma? Kelan uuwi sila Mama at Papa?"Tanong ng Apo ko
" Ewan ko nak baka sa susunod na taon pa o di kaya sa kaarawan ng Papa Menandro mo "Sagot ko
" Tagal naman! Miss ko na si Bansot eh! Magka-college na ako pero di pa rin umuuwi sila Mama "Wika niya
" Alam mo naman na busy sila dun eh! Pero sigurado ako na uuwi sila sa kaarawan ng Papa Menandro mo "Wika ko
" Pag nakauwi na sila Mama at Papa tsaka si Bansot yayakapin ko sila ng mahigpit tulad nito "Yakap niya ng mahigpit sakin
" Manang mana ka talaga sa Mama mo Apo "Wika ko
Ngumiti naman siya at tumayo na kaming dalawa para matulog na! Sabay kaming pumunta sa taas at hinalikan ko noo niya
" Sige na magpahinga ka na "Wika ko
" Goodnight Mama "Wika niya
" Goodnight "Wika ko
Tuluyan siyang pumasok sa loob ng kwarto niya at pumasok na rin ako sa kwarto namin ni Menandro! Hinati sa tatlo yung malaking kwarto ni Menandro para sa kambal tsaka para sa Apo ko para may kanya kanya silang kwarto! Lalo na't ayaw ni Miguel na may katabi siya sa pagtulog kaya napagpasyahan namin ni Menandro na hatiin yung maluwag na kwarto sa tatlo! Nakita kong natutulog na yung asawa ko dahil alam kong pagud siya kaya kinuha ko yung kumot tsaka kinumutan ko siya! Pinatay ko na yung ilaw at humiga narin ako para magpahinga na! Sana dumating yung araw na magsama sama ulit kami ng mga anak ko lalo na't di na sila nakakabisita samin dito dahil sa busy sila sobra! Pero naiintidihan ko naman yun dahil may kanya kanya na silang pamilya kaya habang nandito ako sa mundong ito gagawin ko lahat malayo lang sa kapahamakan yung mga anak at Apo ko
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Gumising ako ng maaga para makapag almusal na yung kambal tsaka si Kian! Ginising ko din Asawa ko kaso mamaya pa daw siya bababa dahil inaantok pa siya! Kaya nauna akong bumaba at binuksan ko lahat yung mga bintana! Agad akong pumunta sa kusina para magluto ng kakainin ng kambal tsaka ni Kian! Minsan nga napapagod ako eh pag may pasok sila di kasi marunong magluto yung kambal pero tong Apo ko marunong siya ng kunti dahil nung nasa London pa daw sila tinuruan na siya ng Mama niya! Kaya minsan hinayaan ko siyang magluto kung gusto niya!
" Good morning Nanay "Wika sa likod ko
Napalingon ako sa likod ko at nakita kong umupo si Miggy sa hapag kainan
" Good morning din anak! Yung dalawa asan?"Tanong ko
" Si Kuya bababa na yun si Kian naman tulog pa "Sagot
" Gisingin mo muna dun "Wika ko
" Tsk si Nanay alam mo naman ayaw magpaistorbo yung batang yun "Wika niya
Napailing iling nalang ako at dinala ko na sa hapag kainan yung niluto ko! Pumunta na ako sa taas para gisingin yung isa tsaka si Menandro!
" Kian gising na bata ka nagluto na ako ng almusal dun! Nasa baba na rin Tito Miggy mo "Wika ko
" Ito na Maaa "Wika sa loob ng kwarto niya
Pumasok din ako sa kwarto namin ni Menandro at nakita kong nanalamin asawa ko
" Baba na luto na almusal "Wika ko
" Tara "Wika niya
Sabay kaming bumaba ng Asawa ko at nakita kong nasa hapag kainan na yung tatlo kaya umupo na rin kami ni Menandro!
" Kamusta pag aaral niyo?"Tanong ni Menandro sa tatlo
" Okay lang naman po Papa "Sagot ng Apo ko
" Kayo? Kamusta?"Tanong ni Menandro sa kambal
" Po? Ahh okay lang po Tatay "Utal ni Miggy
Agad akong napatingin kay Miguel dahil sa nagbubulakbol ito! Buti na ngalang di alam ni Menandro dahil pag nalaman yun ni Menandro di na siya papag aralin pa! Pero pinagsasasabihan ko naman siya na mag aral ng mabuti kaso ayaw talaga makinig
" Ito tatandaan niyo ha! Pag nalaman kong may nagbubulakbol sainyo papahintuin ko kayo! Gusto ko susundin niyo apak ko hindi yung tatamad tamad kayo nagkakaintidihan ba tayo "Wika ni Menandro
Tumango naman yung tatlo at nagsimula na kaming mag almusal
" Ma? Pa? Pwede po ba ako lumabas? Mamasyal po kasi kami ni Candy "Wika ni Kian
" Candy? Sinong Candy?"Tanong ni Menandro
" Yung kaklase ko po "Sagot ko
" Pwede naman! Malalaki naman kayo nasa tamang edad at pag iisip na kayo kaya gawin niyo gusto niyo wag lang mang apak ng kapwa tao "Wika ni Menandro
" Opo "Wika ng Apo ko
Nang matapos kaming mag almusal agad kong niligpit yung mga pinggan para maghugas! Nakita ko namang busy yung anak ko sa laptop niya baka may gawain siya sa school nila
" Miguel ikaw nalang mamalengke total wala ka namang pasok ngayon "Wika ko
" Lah si Nanay si Miggy nalang "Reklamo niya
" Busy kapatid mo oh "Turo ko kay Miggy
" Tsk "Wika niya
Napalingon ako sa labas dahil nakita kong tumakbo yung Apo ko papunta sa labas kaya lumapit ako sa bintana at sumilip ako
" Free ka ba? Tara gala tayo "Rinig kong sabi ng lalake
" Mamaya pa kami gagala ni Candy eh "Wika ng Apo ko
" Pwede naman akong sumama diba?"Tanong ng lalake sa Apo ko
" Ahmm pwede naman "Sagot ng Apo ko
" Miguel halika nga dito "Wika ko
Agad namang tumayo si Miguel at lumapit ito sakin
" Bakit Nay?"Tanong niya
" Sino yang kausap ni Kian?"Tanong ko
Sumilip naman siya sa kinaroroonan ng Apo ko at tumingin ulit ito sakin
" Baka boyfriend yan ni Kian Nay "Sagot niya
" Anong pinagsasasabi mo? Baliw ka ba?"Hampas ko sa kanya
" Tingnan mo mukha ng Apo mo oh ang saya saya kaya boyfriend niya yan "Wika niya
" Baliw "Kutong ko sa kanya
Dahil sa nakita kong umalis na yung lalake hinintay kong pumasok yung Apo ko! Nakangiti pa ito habang naglalakad nang nasa harap ko na siya napatigil siya kakalakad at napatingin ito sakin
" Sino yung lalakeng yun?"Tanong ko sa Apo ko
" Po?"Tanong niya sakin
" Yung kausap mo ba sino yun?"Tanong ko ulit
" Aahh si Tomas po yun Mama kaklase ko "Ngiti niya
" Anong kaklase? Palusot ka pa bata ka kala mo di ko alam na nobyo mo yun "Wika ni Miguel
" Sigurado ka? Ha? Wag ka maniwala Nay di ko boyfriend si Tomas "Wika ng Apo ko
" Miguel ano ba! Bumalik ka na nga dun "Wika
" HAHAHA "Tawa ni Miguel
Pinapasok ako Apo ko at naglinis na ako sa kusina! Ewan ko ba kung anong meron sa lalakeng kausap ng Apo ko! Palagi kong nakikita yun sa twing hinahatid ko Apo ko sa school nila yung lalakeng agad ang sasalubong kay Kian! Pero may araw ring malungkot yung Apo ako ewan ko kung may problema ba siya sa school nila o wala! Hay nako Kian ka .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now