CHAPTER 7

42 0 0
                                    


Kian's POV

Dahil sa recess na lumabas akong mag isa! Nasa gym kasi si Tomas dahil nag iinsayo sila sa basketball ganun din si Mikael si Candy naman di pumasok ewan ko kung bakit! Kaya tuloy tuloy lang ako sa paglalakad dedma yung mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid di ko naman yan maiwasan dahil ganyan naman sila simula nung nag aral ako dito! Papasok na sana ako sa canteen ng biglang may tumawag sakin!
" Kian saglit lang "Tawag sakin
Napatigil ako dahil tinawag ako ni Josh(Kaibigan ni Mikael yung tinusok ko ng barbecue stick) lumapit naman siya sakin kaya humarap ako sa kanya
" Bakit?"Tanong ko sa kanya
" Pinabibigay ni Mikael sayo wag ka na daw bumili ng snack "Wika niya sabay abot ng pagkain sakin
" Baka mamaya pinagtritripan niyo na naman ako "Wika ko
" Hindi totoo to Kian utos niya to sakin kasama ko siya sa gym magagalit daw siya pag di mo to tinanggap "Wika niya
Huminga ako ng malalim tsaka tinanggap ko yun!
" Siguraduhin mo talagang kay Mikael to ha dahil kung hindi pupuntahan kita sa room niyo "Wika ko
" Kian wag ka naman manakot! Natatakot na nga ako sayo "Wika niya
" Putak ka kasi ng putak takot ka naman pala sa binubully niyo "Wika ko
Napakamot ulo naman siya at nagpaalam na ako sa kanya! Pupuntahan ko kasi si Mikael kung sa kanya ba talaga to! Napatingin ako sa relo ko at may oras pa ako kaya pumunta na ako sa gym kung san naroroon si Mikael nakita ko naman siyang nakaupo sa gilid habang nagcecellphone tapos na ata pag iinsayo nila! Nakita ko din si Tomas sa kasama mga kaibigan niya kaya pumasok ako sa loob at napatingin silang dalawa sakin! Napatayo naman si Mikael nung makita niya ako at lumapit ito sakin
" Bat ka nandito? Namiss mo ko?"Tanong niya sakin habang nakangiti
" Namiss ka dyan! Sayo ba to? Bigay sakin ni Josh kanina "Wika ko
" Oo inutusan ko siya kanina "Wika niya
" Kala ko pinagtritripan na naman ako ng lalakeng yun "Wika ko
" Tara gusto mo recess tayo libre kita "Wika niya
" Nako wag na Mikael papasok na din ako sa room namin "Wika ko
Bigla nalang akong kinabahan dahil nakita kong papalapit samin si Tomas! Gusto ko mang magpaalam na kaso baka mag away sila! Napatingin naman si Mikael kay Tomas at sama ng tingin nilang dalawa! Dahil sa natatago kami pumagitna ako sa kanila baka magkainitan ng ulo
" Balik ka na sa room antayin mo ko dun "Wika ni Tomas
" Nag uusap pa kami diba?"Tanong ni Mikael kay Tomas
" Pake ko ba? Gusto ko lang naman siyang pabalikin sa room bawal ba "Wika ko
" Oy saglit lang wag kayo mag away "Saway ko sa kanila
" Ito kasi paepal "Turo ni Mikael kay Tomas
" Balik ka na! Antayin mo ko sa room tsaka ako maghahatid sayo mamaya ha "Wika ni Tomas sakin
" Ako maghahatid sa kanya "Wika ni Mikael
" Di niyo ko ihahatid mamaya magtataxi ako wag na kayo mag away "Wika ko sa kanila
Bigla namang sumama tingin ni Mikael kay Tomas kaya pinauna ko na si Tomas papunta sa mga kaibigan niya! Ito namang Mikael na to ang sama pa rin ng tingin kay Tomas
" Sige na balik ka na dun salamat pala dito ha "Wika ko kay Mikael habang hawak yung pagkain na bigay niya
" Pupuntahan kita sa room niyo ako maghahatid sayo "Wika niya
" Mikael naman! Ang kulit mo sabi ko magtataxi lang ako para walang away "Wika ko
" Sa ayaw at sa gusto mo pupuntahan kita sa room niyo "Wika niya
Di na ako nakapagsalita pa dahil bumalik na siya sa kinaroroonan niya kanina! Kaya lumabas na din ako sa gym baka magsimula na ulit yung klase!
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Agad kong niligpit mga gamit ko dahil napagod ako ngayong araw gusto kong magpahinga agad sa bahay! Pero kila Papa Romeo ako uuwi dun muna ako matutulog sa kanila dahil alam kong pupuntahan na naman ako ni Mikael mamaya sa bahay baka ano na isipin ni Papa Menandro dahil dalawang gabi ng pumupunta si Mikael dun sa bahay namin! Agad akong nagtago sa may may puno dahil nakita kong nag aabang si Mikael at Tomas sa may gate ng school namin! Gusto ko kasi umuwi mag isa dahil alam kong mag aaway yung dalawa! Tsaka ewan ko ba kung bat ang sama ng tingin sakin ng mga alipores ni Sophia pero si Sophia hindi ko siya nakita kanina! Nakita ko namang tumakbo si Mikael papunta sa room namin pupuntahan ata ako! Dahil sa marami pa yung estudyante at busy si Mikael sa cellphone niya agad kong sinuot hood ko para di ako makita ni Mikael pasimple akong naglakad at nagtagumpay sa paglabas sa school namin! Tatakbo na sana ako palayo sa school namin ng biglang may humablot sa bag ko
" San ka pupunta? Kala mo di kita makikita ha "Wika ni Mikael
" Akin na bag ko "Wika ko
" Ang sabi ko ako maghahatid sayo "Wika niya
" Gusto ko umuwi mag isa "Wika ko
" Tigas ng ulo mo ah! "Kunot noo niya
" Mikael naman gusto kong umuwi mag isa kulit mo "Wika ko
Di naman siya nagsalita at hinawakan na kamay ko at dinala niya ako sa kotse niya! Binuksan naman niya pinto ng kotse niya pero di ako pumasok
" Ano pa tinatayo tayo mo? Pasok na "Wika niya
" Kainis naman "Kamot ulo ko
Pumasok nalang ako dahil alam kong di ako makakatakas sa kanya! Nakita ko namang nakangiti siya at pumasok na din sa kotse niya
" Wag mo kong ngingitian dyan kala mo natutuwa ako sayo "Inis ko
" Bat ganyan ka? Gusto ko lang naman ihatid kita sa bahay niyo ah "Wika niya
" Gabi gabi ka na kasi pumupunta sa bahay pag may napansin si Papa sayo lagot na naman ako "Kurot ko sa braso niya
" Aray ko naman "Hawak niya sa braso niya
" Dapat lang yan sayo "Wika ko
" Init ng ulo mo ah! Tingnan natin kung di ka matahimik dyan "Wika niya
Agad kong hinawakan laylayan ng damit niya dahil maghuhubad yung loko
" Oo na ihatid mo na ako "Wika ko
" Wag mo ako iinitan ng ulo ha! Maghuhubad ako sa harap mo "Pananakot niya sakin
" Oo na papayag na ako "Wika ko
" Kala mo Tomas mo lang yung may malaking katawan "Wika niya
Agad ko siyang tinarayan at tuluyan siyang nagmaneho! Napatingin ako sa labas dahil tiningnan niya ako ng masama! Nako si Tomas sigurado akong pinuntahan ako nun sa room namin! Gagawa nalang ako ng palusot bukas baka kasi magalit yun sakin
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Nang maihatid ako ni Mikael sa bahay nila Papa Romeo agad akong lumabas sa kotse niya ganun din siya lumapit naman siya sakin at binigay yung bag ko
" Sige na magpahinga ka na "Wika niya
Napaatras naman siya ng kunti dahil lumapit ako sa kanya di ko alam pero gusto kong halikan pisngi niya
" Salamat sa paghatid Mikael mag ingat ka sa pag uwi mo "Wika ko
Bigla naman siyang napahawak sa pisngi niya dahil hinalikan ko ito!
" Hoooy! Sabi ko salamat sa paghatid "Wika ko
" Ha? Ahh walang ano man Kian "Ngiti niya
" Sige na umuwi ka na baka hanapin ka na nila Tita "Wika ko
Agad naman niyang sinunod utos ko at kumaway ito sakin bago ito pumasok sa kotse niya! Nang makaalis na siya pumasok na din ako sa loob ng bahay nila Papa!
" Tito "Tawag ko kay Gabriel
Napatingin naman siya sakin at binitawan yung dyaryong hawak niya lumapit ako sa kanya tsaka yinakap ko siya
" Dito ka ba matutulog?"Tanong ni Tito
" Opo "Sagot ko
" Saktong sakto may nais ibigay si Ninang Olga mo para sayo "Wika ni Tito
" Nandito ba siya Tito?"Tanong ko
" Wala eh nasa kanila bukas pa yun pupunta dito "Sagot niya
" Aaah "Wika ko
Sabay kaming pumasok ni Tito sa loob at nakita kong nanonood si Mama tsaka si Papa lumapit ako sa kanila at nagbigay galang
" Kumain ka na ba?"Tanong ni Papa
" Di pa po Papa "Sagot ko
" Akin na bag mo "Wika ni Mama
Binigay ko kay Mama yung bag ko tsaka nilagay niya yun sa mesa kaya tumabi ako sa kanila
" Ma? Nakausap mo na ba si Papa?"Tanong ko kay Mama
" Tatawag yun bukas hayaan mo sasabihin ko sayo kung uuwi ba sila "Sagot ni Mama
" Okay po "Wika ko
" Osige na magbihis ka na dun sa kwarto ng Papa mo para makakain na tayo "Wika ni Papa
Agad akong tumayo at umakyat papunta sa kwarto ni Papa! Ito kasi kwarto ko dito sa bahay nila Mama Louise! Hinubad ko na uniporme ko at nagpalit ng malaking damit ito gusto ko eh yung oversize t-shirt! Agad akong lumabas sa kwarto ko tsaka bumaba na! Sabay sabay kaming kumain sa hapag kainan hanggang sa pumasok sa isip ko si Tomas! Sigurado akong tatawag yun mamaya tas papagalitan na naman ako! Ito kasing Mikael na to sabi ko uuwi ako mag isa kaso ayaw eh gusto niya akong ihatid sarap kutungan yung dalawang yun kakainis .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now