CHAPTER 9

32 0 0
                                    


Miggy's POV

" Papuntahin mo yang Tomas na yan dito ha! Kailangan ko siyang makausap bukas "Wika ni Tatay kay Kian
" Papa naman oh "Takot ng pamangkin ko
" Kaya pala palaging pumupunta yang Tomas na yan dito dahil manliligaw mo na pala! Ang bata bata mo pa kumikiringking ka na "Wika ni Nanay kay Kian
Di naman nakapagsalita yung isa at tiningnan kami ng masama ni Kuya! HAHAHAH
" Kilala mo ba yung batang yun?"Tanong ni Tatay kay Nanay
" Oo naman! Yun palagi kasama ng Apo mo sa twing uwian "Sagot ni Nanay kay Tatay
" Ako lang pala yung walang kaalam alam dito "Wika ni Tatay
" Ano apelyido ng lalakeng yan?"Tanong ni Tatay kay Kian
" Hernandez Tay "Sagot ni Kuya
" Si Kian ka? Kanina ka pa sumasagot sagot dyan ah "Inis ng pamangkin ko kay Kuya
" Kayo magsitigil kayo "Kurot ni Nanay samin
Agad kaming tumahimik ni Kuya dahil binigyan kami ng tig isang kurot ni Nanay! Ang sakit
" Pagkatapos kong kausapin yang lalakeng yan kakausapin ko din mga magulang nun "Wika ni Tatay
" Lah si Papa kala ko si Tomas lang "Takot ni Kian
" Para naman malaman ng mga magulang niya kung ano ginagawa ng anak nila "Wika ni Tatay
" Huhuhu "Iyak ng pamangkin ko
Dahil sa sinabi ni Tatay agad napahiga si Kian sa sofa habang umiiyak ito! Di na kami tumawa ni Kuya dahil nakatingin samin si Nanay! Agad namang tumayo si Tatay at umakyat na ito sa taas dahil aalis siya ngayon kaya bukas niya nalang kakausapin si Tomas! Sigurado akong kakabahan yun HAHAHA
" Yung Mama mo di niya ginawa sakin to dahil takot yun sakin! Pero ikaw nag aaral ka palang may manliligaw ka na pala may pa sekresekreto ka pa ha kala mo di namin malalaman "Wika ni Nanay kay Kian
" Huhuhu "Iyak ni Kian
Dahil sa may gagawin pa si Nanay pumunta ito sa kusina at naiwan kaming tatlo! Bigla nalang ako kinabahan dahil bumangon ito at lumapit samin
" Hmmm mga kontrabida kayo sa buhay ko eh "Kurot niya samin ni Kuya habang umiiyak ito
" Lah bat kami?"Tanong ni Kuya sa kanya
" Tinatanong pa ba yan? Halata naman ah "Sagot ng pamangkin ko habang umiiyak ito
" Ako nga di ako nagsusumbong kay Mama sa twing di kayo pumapasok sa school eh "Iyak niya
" HAHAHA "Tawa namin ni Kuya
Oo totoo yun di talaga to nagsusumbong dahil kung magsumbong siya tatlo kaming papagalitan ni Nanay
" Palibhasa walang may nagkakagusto sa inyo ang aarte kasi "Punas niya sa luha niya
" Lagot ka pati mga magulang ni Tomas kakausapin din ni Tatay! Baka pag-asawahin kayo ni Tomas nyan HAHAHA "Tawa ni Kuya
" Di totoo yan! "Taas boses niya
" Anong hindi? Totoo yun "Biro ni Kuya
" Ayaw niyo talaga ako tigilan ha "Inis niya
Agad kaming napatakbo ni Kuya papunta sa taas dahil kinuha niya yung walis tambo sa gilid
" Balik kayo dito ha! Isusumbong ko kayo kay Tito Gabriel kala niyo ha "Inis niya samin
" HAHAHA "Tawa namin ni Kuya
Agad kaming pumasok ni Kuya sa kwarto dahil nakita namin si Nanay sa gilid nakapamewang ito habang masama tingin samin! Minsan talaga natatakot kami kay Nanay eh lalo na kung inaasar namin yung isa lalo na kung nandito si Kuya Ares dahil iyak palagi yun HAHAHA! Pero syempre bilang mga Tito niya di namin yun pinapabayaan sa school lalo na kung binubully yun! Ewan ko nalang kung malaman to ni Mikael sigurado akong di yun magpapatalo kilala ko yung lalakeng yun .
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Naalimpungatan nalang ako dahil may tumama sa mukha! Nakita ko namang nakatayo si Kian habang may dala itong unan yun ata pinalo niya sa mukha namin
" Kakain na! Hayahay buhay niyo ah patulog tulog nalang kayo "Wika ni Kian samin ni Kuya
" Istorbo to eh natutulog pa nga kami eh "Wika ni Kuya
" Mamaaa! Tingnan mo dito sila Tito oh ayaw magsibangon! Sumasagot sagot pa! Istorbo daw ako "Sigaw niya
" Gusto niyo bang ako pumunta dyan "Sigaw ni Nanay sa baba
Agad kaming napabangon ni Kuya dahil baka pumunta dito sa kwarto ni Nanay
" Hmm sarap mong kutungan "Wika ni Kuya kay Kian
Sabay sabay kaming bumaba tsaka pumunta na sa hapag kainan! Agad kaming humarap kila Tatay habang tumabi si Kian kay Nanay
" Kanina ko pa kayo tinatawag bat di kayo sumasagot ha "Wika ni Nanay samin
" Nakatulog kami ni Kuya Nay "Wika ko
" Mamaya na yan kain muna tayo "Wika ni Tatay
Nakita ko namang masama tingin samin ni Kian! Lagot to samin mamaya papuntahin din namin dito si Mikael para dalawa sila ni Tomas na kakausapin ni Tatay HAHAHA! Anlandi landi kasi kala niya di ko sila nakita ni Tomas eh yan tuloy HAHAHAH .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now