CHAPTER 6

33 0 0
                                    


Mikael's POV

Matapos ang ilang linggo mas naging busy kami sa loob ng campus namin dahil malapit ng matapos yung klase namin! Minsan ko na nga lang makita si Kian dahil alam kong busy din yun tulad ko pero sa twing nakikita ko siya sa library pinupuntahan ko siya kaso patago ngalang baka marami kasi makakita samin! Si Tomas ganun pa din ayaw humiwalay kay Kian porket nasa iisang room lang sila ito namang Kian na to di nakikinig sakin pero okay lang yun ang importante di ko mababalitaang niligawan na ni Tomas si Kian! Syempre mga mata ko tong mga tropa ko para malaman ko naman kung nasan o ano ginagawa ni Kian! Di na siya lumalabas sa bahay nila dahil ayaw daw siya payagan ng Mama Roxie niya! Gusto ko sanang kaibiganin yung maid nilang si Manang Fe para malaman ko kung kelan lalabas si Kian kaso mukhang maldita dahil sa mukha nito kaya di ko nalang tinuloy plano ko! Kasalukuyan akong nandito sa room namin nakaupo at walang ginagawa dahil katatapos lang ng discussion namin! Gusto ko mang tawagan si Kian kaso baka busy pa magagalit na naman yun sakin! Napatingin ako sa relo ko at pasado alas dos na pala ng hapon! Si Sophia naman di pa bumabalik sabi niya bibili lang siya ng makakain namin
" Pre nagkakagulo dun sa canteen! Inaway na naman ni Sophia si Kian "Sumbong sakin ni Jake habang hinihingal ito
" Ano?"Tanong ko
" Puntahan mo si Sophia ayaw magpaawat pre "Sagot niya
Agad akong napatayo at tumakbo papunta sa canteen! Kaya pala ang tagal tagal ni Sophia dahil nagkakagulo na pala! Nang malapit na ako sa canteen agad akong pumasok at nakita kong binuhusan ni Kian si Sophia ng milktea
" Kian "Saway ko sa kanya
Agad namang napatingin sakin si Kian at lumapit sakin si Sophia!
" Kian ano tong ginawa mo?"Tanong ko sa kanya
Di naman siya sumagot at nakita kong basa na yung dibdib ng nobya ko kaya kinuha nalang sa bulsa ko yung malapad kong panyo at itinakip yun sa dibdib niya
" Mikael nakita mo yun? Binuhusan niya ako ng milktea wala pa naman akong dalang extrang damit "Wika ng nobya
Napatingin ako kay Kian na kasalukuyang nakatingin samin kaya humarap ako sa kanya dahil biglang uminit ulo ko sa kanya
" Ano masaya ka na? Ayan nagawa mo na gusto mo! Naipahiya mo na siya sa harap ng mga estudyante! Buti sana kung babae ka pero lalake ka Kian "Galit ko sa kanya
" Nilagyan niya din ng bubble gum yung buhok ko "Mangiyak ngiyak na sabi ng girlfriend ko
" Hinay hinay lang sa pagsasalita wala kang alam "Tulak sakin ni Tomas
Kahit na itinulak niya ako di ko siya pinansin dahil nakay Kian lang yung mga mata ko hinihintay yung sagot niya
" Sagot "Galit ko
Pinunasan naman niya luha niya tsaka humarap ito sakin
" Ikaw bago mo kampihan yang girlfriend mong mabait sa harap ng maraming tao siguraduhin mo muna kung sino nanguna! Di ako gaganti kung di ako nasaktan! Kaya alamin mo muna puno't dulo bago mo ko sigawan "Wika niya
Agad naman niya akong tinulak at sabay silang lumabas ni Tomas sa canteen! Napatingin ako kay Sophia at dinala ko siya sa room namin!
" Ano na naman ba ginawa Sophia ha? Nag-eskandalo ka na naman "Wika ko sa kanya
" Hinarangan niya kasi ako "Wika niya
" Edi sana hinabaan mo nalang pasensya mo para walang gulo "Wika ko
Bigla naman niyang hinablot kamay niya sa kamay ko tsaka humarap ito sakin
" Bat parang kasalanan ko pa? Kinakampihan mo ba yun? Ha? Mikael di kita maintindihan eh! Ano mo ba ako? Bat parang lagi nalang si Kian pinagtatanggol mo "Galit niya sakin
Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong tinalikuran at umalis kasama mga kaibigan niya! Naiwan akong nakatayo habang kasama ko din tropa ko
" Mukhang nagsisimula na naman girlfriend mo pre "Wika ni Jake(Tropa ko)
" Yaan mo siya "Wika ko
" Pero pano yung ginawa mo kay Kian? Edi lalayo na naman yun sayo dahil nasigawan mo "Wika niya
" Yun nga eh! Di ko man lang napigilan sarili ko pero kakausapin ko yun mamaya "Wika ko
" Goodluck nalang pre "Tawa niya
Naghiwalay na kami dahil babalik ako sa room namin para kunin yung bag ko! Dahil sa wala na kaming klase tuluyan akong lumabas sa room namin para puntahan si Kian sa room nila kaso wala na din dun yung bag niya pati yung bag ni Candy at Tomas! Napahawak nalang ako sa ulo dahil sa ginawa ko! Mahihirapan na naman akong kausapin si Kian! Di pa naman yun kaagad namamansin pero gagawa ako ng paraan makausap ko lang siya .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now