CHAPTER 8

34 0 0
                                    


Roxie's POV

Kamusta na kaya yung Apo ko dun! Ang hina kasi ng signal dito sa probinsya kailangan mong pumunta sa matataas na lugar bago ka makasagap ng signal di ko tuloy yun matawagan pero kasama naman niya si Mikael kaya wala akong dapat problemahin! Kasalukuyan kaming nandito sa bahay ng Nanay ko nag iinuman kasi sila Menandro tsaka si Tatay pati na rin yung kambal at iba pang magsasaka! Yung Nanay ko mahina na kaya kailangan ko silang dalhin dun sa Manila para ako mag alaga sa kanila ni Tatay pero wag muna ngayon dahil marami pa kaming problema!
" Ano? Natawagan mo na ba Apo mo?"Tanong ni Menandro sakin
" Di nga eh alam mo namang mahirap makahanap ng signal dito "Sagot niya
" Di bale na uuwi naman tayo bukas ng hapon diba "Wika ni Menandro
Lumapit ako sa kambal dahil pansin kong natamaan na sila dulot ng tuba o coconut wine sa ingles di kasi sanay tong dalawa uminom ng tuba
" Tama na yan "Wika ko sa kambal
" Roxie naman mamaya na nagsisimula pa ngalang kami "Wika ni Tatay Rogelio(Tatay ko)
" Tatay kanina pa kayo umiinom niyan eh alam mo namang di sanay tong mga Apo mo sa tuba na yan "Wika ko
" Kaya pa diba mga apo? Walang sukuan diba?"Lasing na tanong ni Tatay sa mga Apo niya
" Oo naman po "Sagot ng kambal
Napakamot ulo nalang ako dahil tatlo aasikasuhin ko mamaya sigurado akong lasing na din si Menandro dahil sa mapula na mukha nito! Yung mga magsasaka parang tubig lang sa kanila yung tuba mga sanay na kasi pero tong mga anak ko mga lasing na hinayaan ko nalang sila dahil isa sa dalawang beses lang to nangyayari sa loob ng isang taon! Pero iniisip ko pa rin Apo ko baka gala ng gala na naman yun tas anong oras na uuwi! Si Fe din di ko matext manlang dahil wala talaga signal dito .

Tomas's POV

Dahil sa wala akong magawa sa bahay napagpasyahan kong pumunta muna kila Kian lalo na't nabalitaan kong wala dun yung Mama at Papa niya! Nasa trabaho kasi yung mga magulang ko tanging mga maid lang yung naiwan dun sa bahay! Bumili din ako ng mga pagkain na paborito ni Kian yun lang naman nagpapasaya sa kanya sa twing nagkikita kami eh! Okay lang maubos pera ko sa wallet ang importante mapasagot ko siya dahil tunay tong nararamdaman ko sa kanya! Nang makarating ako sa bahay nila agad akong nagdoorbell at nakita ko namang lumabas yung maid nilang si Aleng Fe! Oo kilala na niya ako tsaka close kaming dalawa
" Magandang araw po "Wika ko
" Oh? Tomas?"Wika niya
" Nandyan po ba si Kian Aleng Fe?"Tanong ko sa kanya
" Nako kanina pa umalis pero babalik agad yun bibili lang yun ng mga kailangan sa kusina naubusan kasi "Sagot niya
" Ganun po ba?"Tanong ko
" Halika pasok ka "Wika niya
Dahil sa mainit na pumasok nalang ako umupo ako sa sala nila tsaka inilagay ko muna sa mesa yung nais kong ibigay kay Kian
" Hintayin mo nalang siya dito ha di yun magtatagal "Wika ni Aleng Fe
" Opo "Wika ko
Aalis na sana siya kaso biglang pumasok sa isip ko kung sino kasama ni Kian kagabi
" Aleng Fe? Pwede po bang magtanong?"Tanong ko
" Oo naman "Sagot niya
" Sino po kasama ni Kian kagabi?"Diritsuhan kong tanong
" Si Mikael kasama niya dito kagabi yun kasi sabi ni Ate Roxie! Di ba matagal na silang magkaibigan? Kaya walang malisya samin yun "Sagot ni Aleng Fe
" Ahm kelan po babalik sila Tita Roxie?"Tanong ko ulit
" Bukas pa ng hapon yun kasi sabi sakin ng alaga ko "Sagot niya
" Ahh okay po salamat "Ngiti ko
Agad naman niyang pinagpatuloy yung paglilinis sa kusina! Sabi na nga ba di magpapatalo yung Mikael na yun! Sigurado akong magkatabi sila ni Kian matulog kagabi! Kinuha ko nalang phone ko tsaka hinintay ko nalang si Kian!
" Nanay Feee "Sigaw sa labas
Agad akong napatingin sa labas dahil alam kong si Kian na yun
" Oh?"Sigaw ni Aleng Fe
" Patulong naman oh "Sigaw ni Kian sa labas
Tumayo ako at sabay kaming lumabas ni Aleng Fe nakita ko namang madami dala si Kian habang naghihintay itong buksan yung gate
" Tomas?"Wika niya
" Akin na ako na magdadala "Wika ko
Kinuha ko mag pinamili niya tsaka pumasok na ako sa loob nakita ko namang pumasok rin siya kaya inilagay ko yun sa mesa nila agad naman siyang lumapit at humarap sakin
" Bat ka nandito lalake ka? Ha?"Tanong niya sakin
" Para makita ka "Sagot ko
" Tawag ako ng tawag kanina di mo manlang sinasagot "Wika niya
" Nasa banyo ako nung tumawag ka eh "Wika ko
" Tsk! Tabiii "Wika niya
" Sorry na kasi "Wika ko
Di naman niya ako pinansin at inalagay sa ref nila yung prutas na binili niya
" Nanay Fe pwede po bang ikaw nalang mag asikaso sa mga binili ko "Wika ni Kian kay Aleng Fe
" Sige ako na dyan magpahinga ka muna dun sa kwarto mo "Wika ni Aleng Fe
Agad naman niyang hinawakan kamay ko tsaka sabay kaming pumunta sa taas at pumasok sa kwarto niya buti nalang di kami nakita ni Aleng Fe habang hawak niya kamay ko
" Wala kang magawa sa bahay niyo no?"Tanong niya sakin
" Boring dun eh wala akong kausap kaya pinuntahan kita dito "Sagot ko
Umupo naman siya sa tabi ko tsaka tumingin ito sakin
" Bat di mo sinabi sakin na dito pala natulog si Mikael kagabi ha?"Tanong ko sa kanya
" Baka magalit ka eh "Sagot niya
" Tas magkatabi pa kayo matulog no?"Tanong ko ulit sa kanya
" Hoy Tom - - - "
" Wag mo na ideny alam ko naman yun eh! Pero okay lang yun as long as di ka niya hinalikan diba?"Tanong ko
Di naman siya sumagot sa tanong ko at nanatiling nakatingin sakin!
" Gwapo ba?"Tanong ko sa kanya
" Tsk "Wika niya
Tumayo naman siya at kinuha yung damit niya magbibihis ata yun! Napatingin ako sa phone ko at pasado alas dos na pala ng hapon! Nakita ko namang lumabas siya sa banyo nila tsaka umupo ulit sa tabi ko
" Tomas ambilis ng panahon no? Gragraduate na tayo nila Candy "Wika niya
" San ka mag aaral kung college na tayo?"Tanong ko sa kanya
" Ewan ko kila Papa sila naman nagpapa aral sakin eh "Sagot niya
" Sabihin mo sakin ha kung san ha kasi san ka mag aaral dun din ako "Wika ko
" Bakit naman?"Tanong niya
" Para palagi kitang kasama! Para palagi kitang nakikita "Sagot ko
Dahil sa sinabi ko'y napayuko siya at nakita kong ngumiti ito! Dahil sa maluwag tong sofa nila humiga ako tsaka hinila ko siya para humiga sa dibdib ko! Di naman siya pumalag at humiga na
" Wag mong sabihin sakin na dito matutulog si Mikael mamayang gabi "Wika ko
" Ewan ko sa kanya sabi kasi ni Mama dalawang araw siya dito eh "Wika niya habang nakahiga sa dibdib ko
" Kian nandito naman ako ah! Bat di nalang ako? Para makatabi naman kita "Reklamo ko
Humarap naman ito sakin at tinawanan mukha ko!
" HAHAHA para kang bata eh "Wika niya
" Syempre bilang manliligaw dapat ipakita ko sayo na totoo ako "Wika ko
Humiga naman siya ulit sa dibdib ko at di na nagsalita pa! Pinapulupot ko kamay ko bewang niya tsaka hinalikan ko noo niya! Nakita ko namang nakapikit ito kaya hinayaan ko nalang
" Sabi sakin ni Candy pag naka graduate na daw tayo mamamasyal tayo tsaka pupunta tayo sa lugar kung saan gusto natin "Wika ko
Di naman ito sumagot at nanatiling nakapikit lang! Tekaaa! Tulog na ba to?
" Hooyy nakikinig ka ba "Yugyog ko sa kanya
At yun nga tulog na yung Kian na to kinakausap ko pa siya eh kaya pala di na sumagot dahil tulog na! Napagud ata to kanina bilis makatulog
" Basta gusto kong ipadama sayo na minahal kita noon pa kaya kong lamangan si Mikael mapasagot lang kita "Wika ko habang tulog siya
Dahil sa tulog tong isa napagpasyahan kong matulog din habang yakap niya ako! Hinalikan ko noo niya at pumikit na ako! Mamahalin kita hanggat nabubuhay ako at ipapadama ko yun sayo kahit anong pagsubok ibigay satin ng diyos
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Naalimpungatan nalang ako dahil kay Kian makayugyog sakin to wagas ah! Agad akong napatingin sa kanya dahilan para mapakamot ulo ito
" Bakit?"Tanong ko
" Kanina pa kita ginigisinig eh "Sagot niya
" Sorry na napasarap tulog ako eh "Wika ko
Sabay kaming bumangon at pansin kong madilim yung kalangitan! Sigurado akong uulan to ng malakas
" Tara tawag tayo ni Nanay Fe magmeryenda tayo "Hila niya sakin
Sabay kaming lumabas sa kwarto niya at umupo na sa hapag kainan!
" Nasan po Si Tatay Yolo?"Tanong ni Kian kay Aleng Fe
" Nasa likod pa ng bahay nato may inaasikaso pa pero pupunta na yun dito lalo na't bubuhos yung malakas na ulan "Sagot ni Aleng Fe
" Sige na magmeryenda na kayo mamaya na kami "Wika ni Aleng Fe
Nagsimula kaming mag meryenda ni Kian dahil nagugutom kami di nga nagtagal bumuhos yung malakas na ulan
" Pano yan? Di ka makakauwi nito ang lakas ng ulan oh "Turo niya sa labas
" Oo nga eh "Wika ko
" Pwede ka naman dito matulog eh kung di tumila yung ulan "Wika niya
" Talaga?"Tanong ko
" Oo naman "Sagot niya
" Kaso wala akong dalang damit "Wika ko
Bigla naman siyang napatahimik at tila nag iisip ito
" Pwede mo naman hiramin damit ni Tito Miguel eh "Wika niya
" Baka magalit si Miguel "Wika ko
" Wala dito yung kambal kong Tito kasama sila nila Mama at Papa sa probinsya "Wika niya
" Sige ba "Wika ko
Ngumiti naman siya at nagpatuloy na kami sa pag memeryenda! Text ko nalang mamaya yung mga maid namin dun sa bahay na di ako makakauwi para di sila maghintay sakin! Siguro panahon na to para makatabi ko naman si Kian sa pagtulog! Isa din to sa mga pangarap ko yung mayakap siya habang natutulog kaming dalawa! Nang matapos kaming magmeryenda agad kaming nagpahinga sa sala nila hanggang sa may nakita akong family picture tsaka kinuha ko yun
" Kian kayo to?"Tanong ko sa kanya sabay pakita ng litrato
" Oo "Sagot niya
" May kapatid ka?"Tanong ko sa kanya
Kilala ko na kasi Mama at Papa niya pero di ko pa sila nakita dahil nasa ibang bansa sila
" Oo kapatid ko yan si Bansot yan "Sagot niya
Bigla akong napatawa sa mukha ni Kian nung bata pa siya! Kala mo manika eh may bangs pa
" HAHAHA "Tawa ko habang nakatingin sa mukha niya nung bata pa siya
" Tawang tawa ka sa mukha ko ah "Kurot niya sakin
" Laki pinagbago mo Kian "Wika ko
" Malamang wala pa akong alam sa mundo sa edad kong yan "Wika niya
" HAHAHA "Tawa ko ulit
Bigla namang sumama tingin nito sakin kaya tumahimik na ako
" Kidlatan ka sana "Wika niya
Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong tinarayan tsaka tumayo na ito at pumunta sa kwarto niya
" Hoy teka lang "Sigaw ko
Di naman niya ako pinansin at tuluyang pumasok sa kwarto niya napailing iling nalang ako at tumayo na para puntahan siya! Pano na kung maging akin siya? Ang bilis uminit ng ulo tsaka mabilis mainis! Hay nako Kian ka
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
Di nga tumila yung ulan malakas pa rin ito na may kasamang kulog at kidlat! Katatapos lang namin maglinis ng katawan at pinasuot niya sakin yung damit ni Miguel ang laki nga eh pero okay lang ang importante may damit ako! Pinahiram niya din ako ng pajama tsaka underwear na di pa niya nagagamit dahil nakabalot pa ito! Dahil sa alas nwebe na napagpasyahan naming manood ng nakakatakot na movie ito namang isa nakatago sa likod ko kanina pa kinakagat kagat likod ko dahil gusto niyang agawin yung remote kaso di ko ibinibigay
" Akin na yung remote "Kurot niya sa likod
" Kala ko ba matapang ka? Bat nagtatago ka dyan sa likod ko "Wika ko
" Ilipat mo na kasi Tomaaas "Wika niya
" Ayoko nga "Wika ko
" Isusumbong kita kay Nanay Fe "Sigaw niya sakin
" Magsumbong ka nanonood lang naman ako ah "Wika ko
Tatayo na sana siya ng biglang nawalan ng kuryente
" Mamaaa "Yakap niya sakin dahilan para mapahiga kami
Agad akong napatawa sa ginawa niya! Kala ko ba matapang tong taong to! Sakin kasi sumagot sagot eh tas ngayon takot na takot pala sa mga nakakatakot na movies HAHAHA! Kung makayakap sakin kala mo kakainin ng multo eh
" Kasalanan mo to eh "Wika niya habang nakayakap sakin
" Lah kasalanan ko bang mawalan ng kuryente ha?"Tanong ko
" Oo "Sagot niya
Humiga naman siya sa tabi ko at kinuha ko phone ko para buksan yung flashlight
" Kian nandito flashlight gamitin niyo "Wika ni Aleng Fe sa labas ng kwarto ni Kian
" May flashlight na po kami dito ni Kian Aleng Fe "Wika ko
" Ah ganun ba? Osige matulog na kayo ang sama kasi ng panahon "Wika ni Aleng Fe
" Opo "Wika ko
Napatingin ako sa katabi ko na kasalukuyang masama tingin sakin
" Bat ang sama ng tingin mo sakin ha? Inano ba kita?"Tanong ko
" Paepal ka eh "Sagot niya
" Ikaw nga ang tapang tapang sa harap ko sumagot sagot ka pa tas takot ka naman pala sa mga nakakatakot na movies tsaka takot pa kung walang ilaw HAHAHA "Tawa ko
" Hmm kakainis ka "Kurot niya sa braso ko
" Patayin ko pa tong flashlight ko eh "Wika ko
" Waaaag "Mangiyak ngiyak niyang sabi
Inilagay ko sa side table yung phone ko para may kunting liwanag kami dito sa kwarto niya!
" Takot ka naman pala eh "Wika ko
Di naman siya sumagot kaya pinahiga ko siya sa braso ko tsaka humarap ako sa kanya
" Ikwento mo nga sakin kung ano ginawa niyo Mikael habang magkatabi kayo sa pagtulog "Wika ko
" Lah "Wika niya
" Ikwekwento mo o iiwan kita dito "Pananakot ko
" Tomas wag mo naman ako iwan dito "Takot niya
" Magkwento ka kasi "Wika ko
Di naman siya nagsalita at nanatiling nakatingin lang sa mga mata ko
" Ayaw mo talaga magkwento ha "Wika ko
Babangon na sana ako ng bigla niyang hawakan damit ko tsaka pinahiga niya ulit ako
" Ito na magkwekwento na "Wika niya
" Yun naman pala eh "Wika ko
Binatukan naman niya ako ng mahina dahilan para mapatawa ako
" Nung nandito si Mikael natulog lang kami wala kaming ibang ginawa "Wika niya
" Talaga? Di ako naniniwala "Wika ko
" Tas magkatabi kami tas nag usap tas maya maya pa kiniss niya ako "Kwento niya
Agad akong napakunot noo sa sinabi niya! Tama ba narinig ko?
" Ano sabi mo?"Tanong ko
" Kiniss niya ako tas saglit lang tas natulog na "Sagot niya
" Kian naman sabi ko wag ka magpapahalik kung di mo pa boyfriend diba?"Tanong ko sa kanya
" Gusto ko nga sana takpan bibig ko eh kaso nagtagumpay siyang halikan ako "Sagot niya
" Sabihin mo gusto mo din "Wika ko
" Di ko yun ginusto Tomas promise "Wika niya
" Sus wag ako Kian naunahan na pala ako ng iba "Wika ko
Di naman siya nagsalita at nakatingin lang ito sakin kaya tumingin din ako sa kanya
" Kayo nga ni Marissa(Kaklase namin noon) nagkiss din kayo eh nung high school pa tayo kala mo di ko kayo nakita may patago tago pa kayong nalalaman ah "Wika ko
" Syempre crush ko yun tas crush niya din ako pero noon pa yun "Wika ko
" Sabihin mo gusto mo din "Diin niya
" Teka bat parang galit ka?"Tanong ko sabay hawak sa bewang niya
Inilapit ko siya sakin tsaka napatawa ako dahil tinakpan niya bibig niya
" Wala na makakahalik sakin "Wika niya habang nakatakip kamay niya sa bibig niya
" Pano kung may makahalik dyan ngayon?"Tanong ko
" Tomaaas "Inis niya
Napatawa ako at nabalot ng katahimikan yung kwarto niya tanging ulan nalang yung maririnig dahil tahimik na lahat
" Inaantok ka na ba?"Tanong ko
" Kunti "Sagot niya
Kinuha naman niya yung kumot niya tsaka binalot ito sa katawan niya
" Nilalamig ka?"Tanong ko
" Oo Tomas "Sagot niya
" Lika patong ka sakin yakapin kita "Wika niya
Agad naman siyang bumangon at pumatong ito sakin! Agad naman siyang humiga sa dibdib ko kaya agad ko siyang yinakap tsaka kinuha ko din yung kumot para ibalot yun samin
" Nilalamig ka pa ba?"Tanong ko sa kanya
" Di na Tomas "Sagot niya
Ngumiti ako at ngumiti din siya hanggang sa bigla niyang halikan pisngi ko
" Bat pisngi lang?"Tanong ko
" Tsk! Wala na makakahalik sa inyo ni Mikael bawal na "Sagot niya
" Damot naman "Wika ko
" Tulog na tayo Tomas oh "Hikab niya
" Sige palalim na kasi yung gabi eh "Wika ko
Humiga na siya sa dibdib ko at nakita kong pumikit na ito pipikit na sana ako ng bigla siyang nagsalita
" To-tomas? Bat parang may matigas sa hita ko?"Tanong niya
Bigla nalang ako kinabahan dahil naramdaman niya yung Junjun ko! Ganto talaga ako pag malamig panahon bigla bigla nalang nagigising alaga ko lalo na't may kayakap pa ako
" Ha? Ah wa-wala yan Kian "Utal ko
" Teka tingnan ko "Wika niya
Babangon na sana siya kaso hinila ko agad siya dahilan para mapahiga ulit sa dibdib ko
" Hayaan mo nalang yan mawawala din yan maya maya kaya matulog nalang tayo "Kaba ko
" Osige "Mahinahon niyang sabi
Pumikit naman agad siya at natulog na! Diyos ko Junjun wag ngayon! Kung kelan kayakap ko yung mahal ko siya din pag gising mo! Maya maya pa'y naramdaman kong tulog na ulit Junjun ko! Napahinga ako ng malalim at narinig kong humihilik na tong kayakap ko! Kaya pinatay ko na flashlight ng phone ko at natulog na din ako .

KISS ME UNDER THE MOONLIGHT S3Where stories live. Discover now