Prologue

6.3K 149 74
                                    

"Ladies and gentlemen, Philippines Airlines welcomes you to Manila Ninoy Aquino International Airport. The local time is 4:35 pm. For your safety and those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle clear until we are parked at the gate. The Captain will then turn off the Fasten Seat Belt sign, indicating it is safe to stand. Please use caution when opening the overhead compartments and removing items."

I'm finally here. Sa lugar na kung saan ako nalugmok. Lugar na ayaw ko pang balikan pa.

After 8 years of running away from this country, dito parin pala ang bagsak ko.

I tried to forget the past but it keeps haunting me. Hanggang ngayon hindi parin ako tinantanan ng ginawa ko noon. I hate the old me, the old fragile and desperate Sadie.

It's still vivid to me on how I push myself to someone na naubos ako ng tuluyan. I even did worst that made my entire family hates me. I'm no longer the favorite on my mom's side.

Matagal nang nakatatak sa isipan ko ang ginawa ko. Naalala ko pa when my parents disown me at ayaw pa nilang ipagamit ang apelyido nila sa ginawa ko. I have no one with me nung pinagkaisahan nila akong lahat. Ni isa wala man lang nakaintindi saakin.

Now, I'm beyond grateful for what they did. I have an angel who makes me keep sane. Anghel na sumagip saakin mula sa pagkalunod at pagkalugmok sa nakaraan.

I didn't go through all of that for nothing.

Nandito ako for work. Work only. After I'm done here, babalik ako sa New York, lugar na tumanggap saakin ng mahigit walong taon. Doon, nirerespeto at ginagalang ako, habang dito ay inaalipusta at pinandidirian ako sa maling nagawa ko. May pamilya ako sa NYC kahit hindi man kami magkadugo ay itinuring naman akong isa sakanila na bagay na hindi ginawa ng sarili kong kapamilya.

Napangiti nalang ako nang mapakla habang inaalala ang nakaraan.

I get my luggage at lumabas na sa eroplano. I wore my sunglasses and nakisabay sa ibang pasahero na umuwi sa Pinas or di kaya'y mga dayuhan na nais pumasyal sa mga sikat na tourist spot sa bansa.

While on my way, nakuha ko ang atensiyon ng karamihan. They keep on staring at me at yung iba pa ay kumukuha ng clips. People these days doesn't know how to ask consent pag nagvi-video. I know that we're already in a technology age. Respecting someone's privacy is the least important for them. It's illegal and punishable by law.

The weather seems so nice and warm today. Hindi gaanong kainit. Tama lang ang panahon pero ang polusyon ay hindi. Umalis akong polluted ang bansa, babalik akong polluted parin.

Pumara ako ng taxi papunta sa condo unit kong nilumot na. I will be staying here for months. Masyadong mabigat ang kasong hawak ko ngayon. I missed my angel. Kung pwede lang magpabalik-balik sa New York ay ginawa ko na. Susunod din sila dito next month but it's too long. Namimiss ko na siya.

After 45 minutes, nakarating na din sa building ng unit ko. Maraming nag-iba sa bansa. Nagtataas-taasan na rin ang mga building. I wonder what my place looks like.

8 years of being away from here, the place change a lot. As well as people...like me.

Change is indeed constant.

Inilagay ko lamang ang gamit ko at baka bukas ko nalang ayusin. Nanakit na ang ulo ko dahil sa jetlag at walang pakialam na nahiga sa kama. I'm not even sure kung malinis ba ang kama but I'm too tired para alamin pa.

Dinalaw na ako ng antok at nakatulog di kalaunan.

Nagising na ako kinabukasan. I'm damn hungry. Nagbihis lang ako at lumabas na ng condo unit, I'll just dine in sa restaurant sa ibaba.

Her Desperate ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon