Chapter 6

1.5K 44 26
                                    

Nakabusangot ako habang hinihintay si Ajax dito sa lobby ng condominium.
He called me at 4 am, madaling araw para lang i-inform ako that they're having a vacation in one of their vacation house in Panay.

No one told me na magbabakasyon for 3 days. Hindi pa nga humuhupa ang galit ko kay Primo ay dinagdagan nanaman nila.

After dragging and kissing me in the parking lot ay hinatid lang ako nito sa condo building ko. Kilig na kilig na ako because he fucking kissed me kaso napalitan lang ito ng matinding galit after dropping me here.

I even assume that he's jealous because Dean and I are talking pero hindi pala.

What makes me mad more ay hindi ako nito pinansin pagkatapos. He didn't say anything at basta nalang niya ako binaba dito. Instead na hindi makatulog because of the kiss ay nakatulog ako sa sobrang sama ng loob ko.

He keeps on giving mixed signals!

Aakalain mong nagseselos because of his actions pero pag kayong dalawa lang ay iiwanan ka lang bigla.

I pouted my lips tas tingin nang tingin sa phone ko. It's already 5:30 am and Ajax is still not here.

Isa pa ito, kahapon pa siya.

Kaya hindi na ako nagtataka na palagi silang late sa mga palabas pag may aksidente or ano man dahil ang kukupad nila. Mamatay na ang tao ay hindi parin nakakarating ang tulong from them. Kaloka.

Nakasuot ako ng jacket na basta ko lang hinablot sa closet ko at uminom na din ako ng kape para mainitan ang sikmura ko.

I'm already here nung 5 pa. Hindi rin ako naligo at tanging wisik-wisik lang dahil ayokong maiwan. Ajax also promise that he will fetch me at 5 kaso wala parin siya. Sasabunutan ko talaga siya mamaya once I see him.

I feel sleepy also at kung sana nakarating na kanina pa si Ajax dito edi nakatulog na ako sa kotse.

“Sadie,”

My mouth parted after I heard that voice. Inaantok lang ako but I know who's the owner of that voice.

Sinalubong ko ang tingin ni Primo. He is wearing a jacket at nakalagay ang sunglasses nito sa white shirt niya.

Hindi ako sanay na makitang naka casual lang siya dahil palaging naka corporate attire ito.

“W-what are you doing here? Where's Ajax?” I asked while looking at his back, nagbabakasakali na nandoon si Ajax.

Umigting ang panga nito pagkasabi ko sa pangalan ng kapatid niya.

“Why are you looking for someone when I'm already here?” mariing sabi ni Primo.

What's wrong with him? I'm just asking where is Ajax since siya nangakong sumundo saakin.

Inirapan ko ito at tumayo na mula sa couch na inuupuan ko. Bitbit ko ang bag na naglalaman ng gamit at isang shoulder bag for my cards, make ups, money and the usual things na kailangan.

Binitbit ko na ang mga gamit ko at nilagpasan si Primo. May kabigatan ang dala kong gamit but the guy never tried to ask me if I need some help. I don't know if nakasunod or nakatunganga parin siya doon.

Hindi pa man nagtatagal ay nangangalay na ang kamay ko. We're just staying at their vacation house for 3 days but my luggage is too heavy.

I stop walking and put my luggage sa lapag.

Hindi man lang marunong makiramdam ang taong nasa likuran ko. Bulag yarn?

Nagpahinga muna ako sandali para may lakas na buhatin ang gamit ko since kailangan natin maging independent woman.

Her Desperate ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon