Chapter 13

1.1K 23 17
                                    

I've been working with Primo for a week. Hindi ko alam kung ano pa ang saysay ko dito dahil nakabalik na ang secretary niya. He always bring me everytime na may lunch meeting siya instead of his secretary.

His employees were also wondering kung bakit araw-araw ako sa kompanya. They are aware of how rude he's to me before.

Hindi ko naman pinabayaan ang maliit kong negosyo. Tanging ang secretary ko lang ang humaharap sa mga client at pinapaabot niya lang saakin ang mga kailangan kong pirmahan o ang mga designs na gusto nila. Minsan ay dumadaan ako doon para i-check kung maayos pa ba. Kahit naman na baliw na baliw ako sa lalaki ay hindi ko hahayaang lumubog ang sarili kong kompanya.

Bumukas ang kotse ng driver seat at pumasok si Primo. Nakasunglasses ito habang may hawak na iced coffee. Inutusan ko itong bumili sa Starbucks ng iced coffee dahil isasama nanaman niya ako.

“May gusto ka pa ba?” tanong niya habang kinakabit ang seatbelt.

“Ikaw,” saad ko.

He stopped what he's doing at bumaling ang tingin saakin. Namula ang pisngi ko dahil napagtanto ko ang sinabi ko.

“I mean ikaw, kung may gusto ka kainin.” palusot ko habang hindi makatingin sakanya ng diretso.

“May gusto akong kainin, pero hindi pagkain.” he said habang nakangisi.

Namula na ang buo kong mukha at tenga dahil sa sinabi niya. Iba ang hatid ng sinabi niya saakin.

Tumagilid ako sakanya para di niya makita ang mukha ko. I also suddenly feel hot. Naka-open naman ang aircon pero ramdam ko ang pagiinit ng katawan ko. Pinaypayan ko ang sarili ko nang mabilis gamit ang kamay.

“A-alis na t-tayo baka malate pa tayo.”

I felt uncomfortable beside him lalo na't kami lang dalawa.

“Why are you stuttering, Lopez?” may himig panunuksong sabi niya.

“H-huh?” tanong ko at tumingin sakanya.

“Namumula ka.”

“Ha? Hindi ah,” pagtanggi ko.

“Mag drive ka na nga lang.” utos ko pa.

He started the engine at umalis na nga kami. After an hour ay nakarating na kami sa destinasyon.

We're in the site of his new hotel. On-going ang construction nito. He's in charge of everything just to make sure na matibay ang gagawin na bagong hotel.

Lumabas ako ng kotse at nanlulumo na nakatingin sa daanan papunta sa pansamantalang opisina ng engineer. I'm wearing a heels.

Nauna si Primo at hindi man lang ako nito tinulungan na maglakad. Hindi concrete ang daanan kaya ang hirap maglakad ng naka-heels.

Tatawagin ko sana siya pero nakalayo na siya saakin. Nagmamadali ang lalaki na hindi pa magawang lumingon pa. Dahan-dahan akong naglalakad para hindi ako matapilok. I expect na lunch meeting pupuntahan namin at hindi site.

Hindi pa man nakakalayo ay muntik pa akong matapilok. Buti nalang may mga hollow blocks sa gilid at nakahawak ako dito kaso nga lang nagasgasan ang palad ko. Randam ko rin ang init na nanggagaling kay haring araw. Namamawis na rin ang noo ko at masakit sa paa ang maglakad dito.

Kaya pala hindi ito naka office attire ay dahil sa site lang bibisita. He's wearing a Ralph Lauren polo habang ako ito naka high heels at nakacoat pa.

Naiiyak akong naglalakad nang mabagal.

“What are you doing?!” his voice thundered.

Napaangat ako ng tingin at nakitang nakatingin saakin si Primo ng seryoso. Ang seryoso nitong tingin ay lumamlam ng makitang paiyak na ako. He grab my arms in a gentle way.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Desperate ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon