Chapter 18

58 5 0
                                    

The Last Chapter.


Rizanne Mian

Napataklob ako ng kumot ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakalimutan kong maglock ng pintuan, hindi ko rin naman inaasahan na papasok ng kwarto si Mama lalo na’t madaling araw na.

Pinipigilan kong gumawa ng kahit anong ingay ng maramdaman kong umupo ito sa tabi ko. Kahit ang paghinga ko ay pinipigilan ko.

“I’m sorry for everything, anak. I’m sorry because you suffered a lot because of me,” she said and gently massaged my hair.

“I’ll make sure everything will be fine,”

Tahimik lang akong nakikinig habang nakapikit ang mga mata ko.

It’s hard to hear her words.

“I don’t want to lose you again. . .” her voice broke. I don’t want to hear her cry. It makes me breathe heavily, my heart hurts.  “I’m sorry ulit, ’nak. Mahal na mahal kayo ni Mama.” That’s what the last word I heard and the door closed.

Hindi naman iyon ang gusto kong marinig. I want them to explain. I want to hear their explanation. I have so many why’s to ask.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na masyadong late na rin n’ong nakatulog ako kaya mukha akong sabog ngayon.

“Good morning, ’nak,” Papa greeted.

I smiled, a bit on them. Umupo na ako sa upuan ko at nagsimulang kumain. Tahimik lang ako at ramdam ko ang mga titig nila sa akin.

“May gusto ka bang itanong, ’nak?” umangat naman ang tingin ko ng biglang basagin ni Mama ang katahimikan. She’s my real Mama, Tita Rachel left yesterday without saying anything.

Walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Natatakot ako na baka kung magtanong ako ay lumampas ako sa limitasyon ko.

Nakatingin lang ako sa kanila habang hinihintay nila ang sagot ko.

“May pasok pa pala ako, alis na po ako,” tanging sambit ko. Tumayo na ako at kinuha na ang aking bag.

Palabas na ako ng gate namin nang makasabay ko si Solana.

“Wow, nice dress, ganda mo!” komento nito at ngumiti sa akin. She held my hands at saka ako pinaikot.

I’m wearing a simple off-shoulder dress that matches my sneakers. My sister bought this for me.

“T-thank you. Ano ba nahihiya ako,” nahihiya kong sambit at pabiro itong pinalo sa braso.

Kakalimutan ko na munang ang problema ko sa bahay. I need to focus on my studies.

My family is important to me but I need to prioritise my studies. I’ll be senior high next year, I don’t want to ruin the hard work I did just to maintain my grades.

“Ganda mo nga, e,” she said.

Natawa na lang ako sa kaniya, she keeps saying how gorgeous I am.

Minsan hindi ko maipaliwanag ang mood ng mga kaibigan ko. Well that’s them.

Si Solana ay ang pinakamatakaw sa amin, but she always admired how beautiful you are, even a smallest things basta nakikita niyang maganda pupuruin niya ito. Si Jhersy ay ang pinakamaingay at matapang sa amin pero takot ito sa multo. At si Shazzy naman ay ang mataray, mataray nga pero hindi naman kayang makipag-away. And ako naman ang pinakaclumsy sa amin, mahinhin raw ako at mabait that’s what they describes me.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad, kahit na nasa iisang subdivision kaming dalawa minsan na lang kami magkasabay ni Solana. Minsan ako ang nauuna, tapos madalas ay late siya.

“Did you ask your parents na ba?” napatingin naman ako sa kaniya ng magtanong ito bigla. Malapit na kami sa school dahil tanaw na tanaw na namin ito, marami rin kaming mga estudyanteng nakakasabay. Ang iba ay mukhang inaantok pa.

“About what?”

Ayaw kong matopic dito sa school ang about sa problema namin sa bahay. Also, I don’t want them to get worried about me.

Pinalo niya ako ng mahina sa braso ’tsaka umirap. “You know naman what I’m talking about. So, did you ask them?” pag-uulit niya.

Hindi naman ako nakasagot. Umiling ako at bumuntong hininga. “Wala pa,” sagot ko.

“What? Why?”

Hindi ako sumagot at naunang ng naglakad sa kaniya. Maybe, I look so rude but I don’t want to answer her questions.

Hindi ko alam kung kailan ako makakakuha ng lakas ng loob para tanungin sila Mama. Ang hina ko, ang duwag ko.

“Teka lang, Zanne, hintayin mo ’ko!” rinig kong sigaw niya. Medyo binagalan ko ang lakad ko dahil nakonsensya ako. Wala namang ginawang masama si Sol, nagtanong lang naman siya.

“Sorry about earlier,” nahihiyang sabi ko.

She laughed. “Gaga, okay lang,”

“P-pero—”

“It’s really fine, don’t worry. Naiintindihan naman kita,” aniya kaya napangiti naman ako. I’m really thankful that I have her. . . I have them. They always give me a reason to not give up, that I’m not alone fighting with my own battles.

Pumasok na kami sa loob ng campus at dumeretso na ng classroom.

Dahil maaga pa pagdating namin sa loob lahat ay nasa kaniya-kaniyang grupo at nagtsi-tsismis-an. As usual, wala namang bago r’on. Baka magulat na lang kami na walang nagtsi-tsismis-an ng gan’to kaaga baka isipin namin na may anghel na sumapi sa bawa’t isa.

“Andiyan na pala kayo, kanina pa namin kayo hinihintay. Tagal niyo!” pangbubungad ni Jhersy sa amin, lakas ng bunganga niya.

“Bakit, ano meron?” Sol asked.

“Wala naman, may bago kaming tsismis,” natatawang aniya. Tsismis na naman as always.

Pumunta na lang ako sa upuan ko at hinayaan na sila r’on sa labas. Baka mamaya kung ano ba sabihin ng iba naming kaklase dahil nakaharang kami sa pintuan, masyadong maissue pa naman ang mga tao rito.

“Hoy, ba’t mo kami iniwan sa labas. Hindi ka ba interesado sa tsismis?”

Umiling ako at kumuha ng libro sa bag para magbasa. Wala akong gana makinig ng mga tsismis ngayon.

“Hayaan mo muna, family problem,” rinig kong bulong ni Solana kay Jhersy.

Wala na akong narinig na sagot mula kay Jhersy. Napailing na lang ako at tipid na ngumiti. I’m happy that they understand me.

Kahit na hindi nila ako damayan basta naiintindihan nila ako, okay na ako r’on.

I just need some space to think, naikwento ko rin naman sa kanila n’ong nakaraan ang ibang problema ko.

I’m in the middle of reading when Rotianelle enter in our room. Kagagaling nito sa pagtakbo kaya pawis na pawis ito.

“O, ba’t ganiyan mukha mo? Umagang-umaga hagard mo,” nagtatakhang sambit nila Jhersy sa kaniya. Kahit ako ay nagtataka.

Rinig namin ang paghinga nito ng malalim. “Rizanne!” tawag nito sa pangalan ko.

Kumunot ang mga noo ko at hinintay ang sunod na sasabihin nito.

“S-si Tita Rufa—” hindi nito matuloy-tuloy ang sasabihin niya dahil dumating na ang class adviser namin.

Nanatili akong nakatayo at lumapit sa kaniya.

“W-what happen to h-her?” nanginginig kong tanong, kinakabahan ako.

Hindi ko na pinansin ang mga tingin nila. I’m worried.

“Dinala siya sa hospital after you left your home,”

“W-what? Why?” hindi ko mapigilang sigaw.

May sakit ba siya? May nangyari bang masama sa kaniya?

Tumingin ako sa adviser namin na may nagmamakaawang mata.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa aking mata. Pinunasan ko ito. “P-please, Ma’am,” halos lumuhod ako sa pagmamakaawa, gusto ko ng umalis. Baka kung ano na ang nangyari kay Mama.

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko at takot na takot ako hindi ko alam kung bakit.

Tumango lang ang guro namin kaya napangiti naman ako, nagpasalamat lang ako sa kaniya at hinila ko ang mga kaibigan ko para samahan ako. Hindi ko kayang pumunta ng hospital ng walang kasama.

I don’t know what happened to her but my body was trembling, I’m so worried.

I don’t know if she’s sick or what.

I don’t know what I’m going to do when I lose her.

Along The Uneven Road (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon