Chapter 7: Fall

147 8 0
                                    

Chapter 7

"Bilin ng daddy mo ang bantayan ka kahit saan," si Sebastian na nagpatigil at nagpalingon sa akin.

My brows furrowed a bit upon looking at him behind my back. Papasok na kami sa registrar ng university nang bigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"I didn't say anything," depense ko, tiim ang labi.

Napataas siya ng kilay, natatawa na medyo kina-iinisan ko habang nakapamulsa.

"Pero mapanghusga 'yang mga mata mo," he answered directly making almost of my eyeballs protruded against my mesh. Nang makabawi ay hinarap ko siya at humalukipkip.

I've been insulted by someone more than than this that it's making me certain, words from him won't impair me anymore.

"Hindi mo 'ko kilala," I uttered simply, nakapamulsa na rin ang dalawang kamay sa loob ng bulsa ng aking fitted jeans.

Sebastian shrugged. "Hindi ko na kailangan makilala ka ng mabuti. Pare-pareho lang naman kayong mga mayayaman. Maarte..." he trailed off as he looked me from my head down to foot. "At mga makasarili."

Tumaas baba ang dibdib ko sa huli niyang sinabi. The hell with this guy? Ni hindi niya ako kilala pero kung makapanghusga siya, abot hanggang buwan! And to hell to what I've said na crush ko siya! Never mind with that!

"Napaka-judgmental mo. Didn't my dad told you not to be nosy? Akala ko ba, body guard lang kita?" Walang emosyon kong ani.

Matingkad na ang sikat ng araw, nagpapatunay na mabilis lang tumakbo ang oras. Ayoko mag-aksayang kaya inip kong ginantihan ng titig si Sebastian.

"Body guard nga-"

"Then act like one," maarte kong putol, mocking his perception towards me. "And be professional," sabay dugtong bago siya tinalikuran at tuluyan nang iniwan do'n.

Mahaba nga ang naging pila sa enrollment. Magtata-tanghali na pero hindi pa 'ko nakakagitna sa pila. Mabuti na lang rin at dala-dala ko na ang kompleto kong requirements. Ang tanging gagawin ko na lang ay ang magtiyaga.

Bumuntong hininga ako. Buti na lang, may upuan nang nilagay ang mga facilitators. Kanina kasi, nakatayo lang kami at 'yong iba, naiinitan na kagaya ko. Higit isang oras rin kasi ang tinagal sa assesment pa lang.

Sinundan ko ng tingin ang mga estudyanteng bigo, nagrereklamo.

"Akala ko talaga, photocopy na lang ng live birth 'yong kailangan. Syempre 'di ko na dinala 'yong original!"

"Kaya nga. Pinababalik pa tayo mamaya e, akala naman kasi nila madali lang pumila at mag-antay!"

'Yon ang natanto ko nang alas dose, malapit na malapit na sana ako sa registrar ng biglang nag-anunsyo ang nasa loob na cut off na. Lunch break daw kaya bagsak na bagsak ang balikat ko. Gutom at pagod na rin kasi ako kaya natulala pa ko ng ilang sandali.

I looked down to my white envelope. This just fine, Huena. Aagahan ko na lang mamayang hapon pagbalik ko.

Mahigpit kong hinawakan ang handle ng aking bag. Palabas ako sa campus, tini-text si ang asawa ni nanay Sally nang nakasalubong ko si Sebastian. Pagod at halos iripan ko siya nang makalapit ito sa akin.

"May cut-off," sabi ko, kinansela na lang ang messages. "Lunch na lang muna kayo ni Manong Saldo. Ganoon rin ako tapos babalik na lang ako mamaya."

"Saan ka magta-tanghalian?"

Napa-angat ako ng tingin kay Sebastian. Medyo magulo ang buhok niya dahil sa ihip ng pangtanghaling hangin. Mainit ngunit mayaman sa mga naglalakihang puno ang unibersidad na ito kaya mistulang nagsilbi iyon na mga silong.

Run After Hues (Metro Series #3)Where stories live. Discover now