Chapter 27: Recruit

126 6 0
                                    

Chapter 27

Pinagmasdan ko ang iba't-ibang ilaw ng mga nagsisitayugang gusali.

Something with lights, the buzz of the night, and the hues brought calmness within me. The unexplainable thing that became part my way of living. A coping mechanism. Perhaps... to still make me feel my purpose; particularly the abyss of this existence.

Na sa tuwing pinagmamasdan ko ang dilim, pinapakiramdaman ang hangin at ang mga kulay hatid ng mundo, nakakatakas ako.

Nakakatakas na parang nakakatakbo sa realidad. Kahit na alam kong imposible. Kahit na minsan, malabo at sobra nang nakakapagod.

Sumandal ako lalo sa barandilya ng lumang building na pinagta-trabahuan ko. Kumikinang ang mga bituin sa langit at marahan ang haplos ng hangin saking balat at buhok. Pumikit ako upang damhin ang kapayapaan dala ng gabi.

I tried to stretch a small smile to myself despite the sorrow consuming me. Pinigilan ko ang mga nagbabadyang luha sa pamamagitan noon. Dinama ko ang aking dibdib, nakapikit pa rin bago huminga ng malalim.

"Katalista!" Tawag sakin ng istriktang boses.

Kumalabog ang pinto ng lumang rooftop. Nilingon ko iyon at iniluwa doon ang isang babaeng may kalamanan at paniguradong nagpupuyos na naman sa akin. Si Ma'am Alma iyon, ang head manager namin dito.

"Ikaw na babae ka! Kanina pa kita hinahanap sa baba. Hindi ba't tapos na ang kinse minutos mong break?" Anito.

Tumango ako at inayos ang di gaanong kaputian na polo shirt. Luma na kasi at medyo may kasikipan na sakin.

"Pasensya na po, Ma'am. Nakaligtaan ko lang po ang oras..."

"Nakaligtaan!" Pag-ikot ng mata niya at sinipat ako mula ulo hanggang paa. "Hoy! Hindi porke't pinapaburan ka ni Madam Chona paminsan-minsan, susuway kana sa mga patakaran ko ha!"

Maagap akong umiling. "Hindi naman sa ganoon, Ma'am. Dalawang minuto pa naman ho kasi bago matapos itong break ko-"

"Ah, gano'n? Sumasagot ka pa? Hoy, Katalista!" Nakapamewang na siya ngayong inaasikan ako. "Baka nakakalimutan mong boss mo ako dito! Maka-asta ka d'yan! Wag kang abuso!"

"Pasensya na po-"

"Blah blah blah," she made face before she lit up a cigarette. "Umalis kana nga sa harapan ko! Kairita 'yang mukha mo. Ang pangit!"

Tumikhim ako at sinipat ang manipis na kilay n'yang lapis. The old, unwed woman glance at me with a questionable look. Pinanlakihan niya ko ng mga mata at nilahad ang kamay sa ere.

"Oh? Ano pang tinutunga mo d'yan? Ang sabi ko, kanina pa kailangan ng janitress sa baba! Ayusin mo naman ang trabaho mo kahit kaunti at sayang ang pa sweldo ni Madam sayo!"

Umakma pa itong hilahin ang dulo ng buhok ko gaya ng ginagawa niya palagi kaya agad na kong kumilos at lumayo. Dinampot ko ang sariling mop at inayos ang apron sa katawan na puno ng panlinis ang mga bulsa. Cleaner spray, toilet brush, mga pamunas at iba pang kailangan.

"Juana, saan 'yong room na lilinisan ko?" Agad kong tanong sa katrabaho nang makapasok sa VIP hall ng bar na ito.

Nagwawalis siya sa dulo ng lugar.

"Nako. Bakit ngayon ka lang, Katalista? Ikaw pa naman ang gusto ni Madam na mag linis sa room no'ng bigatin niyang kliyente."

Inipit ko ang maiksing buhok bago tinulak ang cart.

"Nagalit ba?" Tanong ko at nasulyapan ang sapatos na ngumanganga na sa harap. Yumuko ako para idikit ulit iyon kahit na parang natuyo na yata ang nilagay kong mighty bond kanina.

Run After Hues (Metro Series #3)Where stories live. Discover now