Chapter 16: Defiance

151 8 0
                                    

Chapter 16

As I've said, I know why he's here.

Naging usap-usapan sa loob ng campus ang kakaiba at pabor na pakikitungo ni Kane Aragoza sa'ming section. I heard a rumor that it's because of a particular girl, which I right away tried to disregard my sudden idea; kung sino ito.

I don't want to jump in conclusion, nor to assume pero sino pa nga ba ang malapit kay Kane sa'ming section? Hindi ba ako? Kaya kahit tanggihan ko ang ideya, hindi rin nakakatulong ang mga haka-haka ng iba, lalo na ang mga konklusyon ni Czarina. Obviously, she's not helping at times. But my days in school wouldn't be also complete without her.

"Buti na lang talaga, kaibigan mo pala si sir! Kung hindi, baka matulad tayo sa kabilang section na trial and error talaga ang film! The perks of being close to Kane Aragoza, huh!" Aniya sabay kalabit sa dulo ng buhok ko.

Hinawi ko ang kamay n'ya. I frowned a bit at her too. Nasa pang-umaga kaming klase no'n at pinag-uusapan nila ang isa sa mga naging malaking proyekto namin sa ilalim ni Kane ngayong unang semester. It's about making film. Each section were divided into two groups. Gagawa at magpro-produce ng film, gamit ang kaunting budget, na nasa samin kung pa'no namin iyon mapapakasya. Its one of sir Kane's challenge.

At first, I was hesitated. Kasi, pa'no kami makakagawa ng isang magandang bagay, gaya ng mistulang pelikula kung maliit lang ang ipapalabas na pera? But I realized soon that since it's part of the trials, I'm sure along the way of making with a teamwork, we'll surely come find a way.

I was an assistant director and I was the one who wrote the script. Sa swerte at t'yaga namin ng halos isang linggong pagbababad sa konsepto, napagtagumpayan namin ito. That's when I realized that it's not really about the money. It's about creativity, having an idea that's out from the box, original concept, and team work.

Ngumiti ako nang purihin ni sir Kane at ng iba pang panels ang gawa namin. Nagpalakpakan ang aking grupo pagkatapos naming sabay na sabay panuorin ito sa Roblee ng campus.

"Ang ganda! Nice work, team!" Ang aming director na kaklase rin sabay yakap samin isa-isa. "I never thought this would turn-out that nice, exceeding our expectations! Walang tapon, guys! Even the lines, the production, ang ganda!"

"Of course, sa ganda ng actor niyo? I'm sure it is just beautiful as it should!" si Czarina na tinawanan namin.

"Oh, bakit kayo tumatawa? Hindi n'yo ba nakita ang acting scenes ko? Sinikap kong magkasip'on para legit ang iyak!"

It's true that she's our actor in this film. Ngayon alam ko na bakit s'ya interesado sa ganitong industriya. She have that skills and talents. Especially in photography.

"At s'yempre, hindi magiging maganda ang pelikula kung hindi dahil sa nagsulat!"

Agad nila akong nilingon at binati. I was so happy and fulfilled with my works na hindi rin matanggal ang ngiti sa'kin labi habang nagpapasalamat. My smile faded a bit when in the sea of my classmates and teachers, I found Kane's eyes. He was in the projector area, making his look more a bit dark. Especially the way he looked at me that time; malalim at tila malamig kumpara sa mga naging interaks'yon namin.

Hindi ko alam bakit medyo kinabahan ako. Mabuti na lang at medyo inangat n'ya ang kan'yang sulok ng labi bago n'ya tinanggal ang tingin sa'kin para kausapin ang iilang katrabaho at ang dean. Medyo guminhawa ako do'n. Hindi na rin tumingin si Kane sa'kin sa buong araw na 'yon. Pinalabas ang gawa ng ibang grupo. Sadly, isa lang ang nakapasa maliban sa amin, at do'n nagsimula ang tsismis tungkol kay sir.

Czarina gave me a thumbs up. Mabilis s'yang lumapit sa'kin na parang sinisiliban. She wiggled her brows at me.

"I'm so proud of you! Pero bakit gan'yan ang suot mo?" Sabay ngiwi n'ya sa damit ko nang makalapit. "Ang ganda-ganda mo, you should dress up more to emphasize your beauty! Isa pa, big day na'tin 'to, dapat nag-lipstick ka man lang!"

Run After Hues (Metro Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon