Chapter 22: Race

199 9 14
                                    

Chapter 22

"That was just the start. You did great, Huena..." Mauyen raised her glass at me with an evil smile.

Nanggigigil naman na tumabi sina Blythe at Karen sa kan'ya. Nanatili akong nakaupo, kaharap sila na nakasandal sa balkonahe ng penthouse. They look at me, all giddy and happy about what I did tonight.

"So tell us about what happened!" Utos ni Blythe, nasasabik.

To be honest, I don't really know what to share about. I was just a bit anxious the whole time I was riding with Kit. I don't know if its just his natural arrogancy and coldness but there's something in him that my heart couldn't take.

He was serious when he said we'll go home. Hinila n'ya ko palabas ng resto. Dire-diretso s'ya. I looked up to check their table. Wala na nga si Glaiza do'n! Where is she? Kanina, mukhang wala pa naman silang kinakain sa mesa.

Did she left? What about their usual dinner? And I need to know why they are always together except that they are obviously doing it for business.

Naiwan pa ang mga mata ko sa loob nang pumasok si Kit sa elevator. Napakurap ako nang hindi n'ya pa rin ako binibitawan. He pushed a button before he turned to me, eyes almost slit.

Ngumuso ako at dumiretso ng tingin. I looked at my reflection on the door. I looked like a wet kitten. Dagdagan pa na sobrang taas tignan ni Kit saking gilid, nakahalukipkip at pinagmamasdan ako.

Sinipat ko s'ya nang nagtagal ang kan'yang paninitig. "What are you staring at?" Then I remember I should tone down my annoyance towards him.

Kailangan pala kaibiganan ko s'ya! Hindi ang awayin!

Ngumuso ako at napakurap nang tinaasan n'ya ng 'ko kilay. Mas lalo kong pinag-ekis ang braso sa dibdib.

"Talaga bang uuwi kana?" Halos hindi ako makatingin.

I felf him moved on my left. Sumandal s'ya sa elevator, nanliliit ang mata sa'kin. He crossed his arms on his chest too. Like he's examining a poor innocent kitten.

"I wouldn't be here riding with you if I won't," he answered sarcastically. "Don't you have any classes?" Sabay tanong ng malamig.

"Meron. Ba't mo naman natanong?" Ngumiti ako, halatang-halata na plastic!

"Anong oras ang dismissal mo?"

Stop answering question with a question!

Nagkibilit balikat ako kahit na nahiwagaan na 'ko sa tanong. "Four thirty. Minsan alas singko."

He licked his lips. I still can feel his gaze at me kaya tumayo ako ng tuwid. Sa harap lang ang tingin.

"Why are you here?"

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa diretsahan n'yang tanong. I glanced at him, annoyed. His eyes were more sharp though. It was like he doesn't really take any bullshit in life, especially this trick of mine.

I scoffed. "Of course to eat! Ano pa ba ang dahilan bakit pumupunta ang tao dito?"

I don't like it. Pakiramdam ko, alam n'ya bakit ko ginagawa ko 'to. Pakiramdam ko, mas magaling s'ya sa kahit saan at hindi kailanman naloloko.

I rolled my eyes at him when he didn't answer. Ayoko sa pakiramdam na kinakabahan ako sa titig n'ya kaya nilingon ko s'ya. Nagtapang-tapangan.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Date mo talaga siguro iyong kasama mo!"

"What if she is? Ano naman sa'yo?"

Umawang ang labi ko. I thought of reporting this to Mauyen. But I suddenly felt pissed. Naunahan ako ng 'di ko matantong emosyon.

Run After Hues (Metro Series #3)Where stories live. Discover now