Broken 7

1K 17 1
                                    

AN:

Hello po, hope you like this chapy!  don't 4get to vote and share whats on ur mind!

Lots love <3

-------------------------------

Matapos sabihin iyon ni Jack kay Emi, kumalas siya mula sa pagkakayakap ni Jack,  pinunasan ang sariling luha gamit ang daliri  at sinabing...

"Malaki na ako Jack! Tayo, kung mahal nila ako, ititigil nila ang pag-aaway nila, JUST FOR THE SAKE OF ME! Pero hindi eh"

At muli may namuong luha sa kanyang mga mata.

"Nag-aaway sila, maybe because their love for each other finally fades away. And that's the bitter story behind it.

And maybe I'm just a second reason why they're still fighting each other!. Panakip butas lang ako dahil hindi nila maamin na wala na silang feelings sa isa't-isa. They are overcomed by their pride!."

"Jack? Milhae?"

Sa gitna ng pag-uusap nilang iyon ay biglang sumulpot si Ami. Kaya agad na pinunasan ni Emi ang kaniyang luhang kanina pa umaagos.

Mabuti na lang at madilim na kaya hindi agad napansin ni Ami ang pag-iyak ng kaibigan.

At ayaw din itong ipakita ni Emi sa kanya dahil ayaw niyang mag-alala ang kaibigan at isa pa, ayaw niyang masira ang magandang araw ni Ami.

"Kayo nga! Sabi na eh! Anong ginagawa n'yo rito? Gabi na ah! (sabay tingin sa relos) oh! Mag si-six na pala! Patay! Gagawa pa ako ng assignment namin!"

Sabi ni Ami na may kasamang paghawak sa ulo dahil namomroblema sa kaniyang 'di pa nagagawang gawain.

"E ikaw? Ano ginagawa mo rito?" sabi naman ni Jack na ngayon ay nakaharap na kay Ami, nakatalikod siya kay Emi para maharangan ito na kasalukuyang nagpupunas ng kaniyang luha.

"Don't answer my question with another question" pagtataray pa niya kay Jack.

Napansin niyang parang may kung anong ginagawa si Emi, pero di n'ya masiguro kung ano man yun dahil sa pagharang ni Jack.

"Emi? Are you cryin'?" pasilip-silip na tanong ni Ami dahil kada titingin siya kay Emi, hinaharangan siya ni Jack.

"Ano ba!"

"Aray!" kaya naman tinulak na niya si Jack. At nilapitan ang kaibigan.

"Tell me, dahil ba sa parents mo?" sinabi niya ito habang inaalis ang kamay ni Emi sa kanyang mukha. Iniwas lang ni Emi ang kaniyang tingin.

"NA NAMAN?!" tumaas na ang kanyang tinig at pinalaki ang kanyang mata. Simbolo ng pagkainis niya.

"Pero hindi eh, sanay ka na dun ee..." inalis niya ang paningin kay Emi at tumingin sa kung saan habang nag-iisip.

Nakatayo lang si Jack sa isang tabi nang biglang tingnan siya ng matalim ni Ami saka nilapitan. Dahilan para mapatayo siya ng tuwid sa sobrang gulat.

"Jack!" tawag pa niya dahilan para pigilan ni Jack ang hininga.

"Pinaiyak mo si Milhae noh!" pasigaw niya pang sabi kay Jack habang kinu-kwelyuhan ito.

Si Emi naman ay tahimik na pinapanood lang sila, nang may makita siyang isang kahoy malapit sa isang puno kung saan sila nakatayo.

"Bakit? Akala ko ba mahal mo siya! Bata pa lang tayo gusto mo na siya pakasalan!"

"Teka lang Ami-" pagputol ni Jack para magpaliwanag, pero hindi rin natuloy dahil ayaw papigil ni Ami sa pagsasalita.

"Tapos ngayon, pinapaiyak mo siya?!" sa puntong ito'y niyuyugyog na niya si Jack.

Habang si Emi naman ay kinuha ang kahoy na nakita. Tiningnan niya iyon sa kanyang kamay, hinawakan ng mahigpit at kinunot ang noo.

"Bakit?! Ano ha! Magsalita ka Jack! magsalita ka!" patuloy pa rin ang pagyugyog niya kay Jack nang biglang...

"WWWAAAAHHHHHHH!!!!!"

Sumigaw ng malakas si Emi, dahilan para matigil ang pagyugyog na ginagawa niya kay Jack. Habang si Jack naman ay nagre-recover pa sa hilo dulot ng pagyugyog sa kaniya ni Ami.

"Uuggh! Ito pa! YAN ANG DAPAT SAYO! Uugghh! DAPAT HINDI NA LANG IKAW ANG NAGING TATAY KO! aarrgghh! WALANG HIYA KA! NAG-ASAWA KA PA KUNG GANYAN LANG DIN NAMAN!"
pinaghahampas ni Emi ang kahoy na napulot sa puno. At doon niya inilabas ang mga bagay na matagal na niyang tinatago.

"PALAGI KA NALANG GALIT! PALAGI KA NALANG NAKASIMANGOT! Arrgghhh! NAKAKASAWA NA! At ikaw namang babae ka, siya pa ang pinili mo! ANG DAMI-DAMING NANLILIGAW SAYO NOON! PERO BAKIT SIYA?! BAKIT SIYA PAA!!!

KUNG AYAW N'YO NA! WAG N'YO KO IDAMAY! NAKAKASAWA NA! BAWAT KILOS KO BINABANTAYAN MO!  HINDI KO NA ALAM KUNG ANONG DAPAT SABIHIN! O ANO ANG DAPAT GAWIN! DAHIL LAHAT, LAHAT NA LANG! MALI PARA SAYO! LAHAT NA LANG!"

Binitawan na ni Ami si Jack, at ngayon ang dalawa'y tahimik na hinahayaan ang kaibigan na ilabas ang LAHAT ng kaniyang nararamdaman.

"BAWAT GAWIN NAMIN MALI PARA SAYO! OO NA! IKAW NA! IKAW NA ANG MATALINO!! IKAW NA ANG MAY KWENTA! KAMI NA ANG MALI! KAMI NA ANG BOBO!

ALAM KO NAMAN E! NA AYAW MO SAMIN! PARA SABIHIN KO SA'YO! AYAW RIN NAMIN SA'YO! KWITS LANG TAYO! BWISIT KA! BWISIT KAA!!

MAWALA KA NA SANA! PUMUNTA KA SA NANAY MO! O SA KABIT MO!! YUN NAMAN ANG GUSTO MO 'DI BA? WALA NAMANG PUMIPIGIL SA'YO AH! BASTA ORAS NA UMALIS KA! WAG KA NA BABALIK SAMIN!

DAHIL AYOKO NA! AYOKO NA! AYOKO NAAA!!!"

Broken-COMPLETEDWhere stories live. Discover now