Broken 33

370 8 0
                                    

Ibinuka ni Emi ang bibig niya para magsalita, ngunit natigil ito dahil sa mga pamilyar na boses na narinig niya.

"Akin ang bahay na 'yan"

"Hindi, akin!"

"Sige inyo 'yan! Basta akin 'yun!"

"Bahala kayo! Basta walang aagaw sa kotse na yan! Akin 'yan!"

"Talaga sayo 'yan? Asan susi mo?"

"Bakit? Kayo ba may susi ng mga bahay na pinagtuturo niyo!"

"Eh ibang usapan 'yun! Bahay 'yun eh! Kotse 'yang sa'yo 'di ba girls!"

"Oo nga! Tama tama!"

"Ashi? Riez? Sehna? Star? Anong ginagawa niyo rito?" nagtatakang tanong ni Emi sa kanila.

Sabay sabay naman na napatingin sa kaniya ang apat na kaklase.

"Paano kayo nakarating dito?" tanong naman ni Ami.

Sabay sabay na nag-blink ang mata ng apat bago sabay sabay na nagsalita.

"Klasmeyts!!!" sabi pa nila.

"Ashi!" sabi nito na may kasamang pag-salute.

"Riez!" sabi ng isa sabay salute din.

"Sehna!" sunod pa ng isa at nag-salute din.

"Star!" sabi nito at ginawa rin ang ginawa ng iba.

"And together we're GGM! HA!" sabay sabay na sabi ng apat saka pinagtagpo ang mga kamay sa gitna ng maliit na bilog na ginawa nila.

"Ohhkkaayyyy" sabay na komento ni Ami at Emi.

"Bakit kayo nandito?" tanong ulit ni Emi.

"Hoy mga weirdo! Ano ba ginagawa niyo rito?! 'Wag nga kayo magkalat ng ka-weirduhan sa lugar namin!" sabat naman ni Ami.

"Ehem! Ehem! First of all, kaya kami nandito dahil nagba-bonding kami" sagot ng kaklase nilang matangkad na si Sehna.

"Uhum! Uhum!" sabay sabay na tango ng tatlo.

"Nakaabot kami dito dahil may hinatid kami" sabi naman ng isa pang matangkad na si Ashi.

"Uhum! Uhum!" sabay sabay ulit na sabi ng tatlo habang tumatango.

"At ang maswerteng nilalang na 'yun ay si Carly" dugtong naman ng babaeng mas maliit kumpara sa dalawang naunang nagsalita na si Riez.

"Uhum! Uhum!" sabay sabay ulit na pagtango ng tatlo.

"And last but not the least, hindi kami weirdo!!" sabi naman ng isa pang maliit na babaeng si Star.

"Uhum! Uhum!" pag-uulit nila.

"Hindi raw weird" komento ni Ami.

Siniko naman siya ni Emi.

"Seryoso na nga! Ami!" turo ng cute, maputi at maliit na babaeng si Star kay Ami.

"Sasama ka ba sa outing natin?"

"Di ba hindi sasama si Milhae then that means hindi rin ako sasama"

"Ano kayo kambal?!" dugtong naman ng isa pang cute na si Riez.

"Hindi! Eh sa ayoko sumama kapag hindi siya kasama eh!"

"Nandito naman kami ah! Hindi lang si El ang makakasama mo!" sabi naman ng maputi't matangkad na si Sehna.

"Huh! Kung kayo lang ang makakasama ko 'wag na!"

"May sinabi ba kaming sasamahan ka namin?! Ang sabi lang namin, nandito kami hindi lang si El ang makakasama mo it means marami ka makakasama hindi lang kami!" sabi naman ng isa pang matangkad at magandang si Ashi.

"Tss! Whatever!" ang tanging nasabi na lang ni Ami.

"Hmp! Babay na nga! Magba-bonding pa kami ang daya niyo kasing dalawa hindi kayo sasama!" sabi ulit ni Star.

"Oo nga! Minsan na lang eh!" panggagatong naman ni Sehna.

"Kitakits na lang bukas" si Riez naman ang nagsalita.

"O sige una na kami ha! Baboosh!"paalam naman ni Ashi.

"Sige umalis na kayo mga weirdo! Kitakits bukas hindi ko kayo mami-miss!" pahabol na sabi ni Ami.

Kumaway lang si Emi sa kanila.

"Wala kaming pake sa'yo! Bye El! Mami-miss ka namin at ang iyong papel!" paalam ni Star.

Natawa na lang si Emi sa sinabi niya.

"Bye! Ingat kayo!" pahabol na sabi ni Emi.

"Ang kulit nila noh nakakatuwa" komento ni Ami.

"Akala ko ayaw mo sa kanila?"

"Wala akong sinasabing ganyan! Ay nga pala ano pag-uusapan natin?"

Sumeryoso ang mukha ni Emi sa sinabi ni Ami.

"Ahh... pwede sa loob na lang natin pag-usapan?"

***

Inabutan ni Ami ang kaibigan ng maiinom bago umupo. Tinanggap yun ni Emi pero hindi niya ginalaw.

Kasalukuyang iniinom ni Ami ang juice na kinuha nang magsimulang magsalita si Emi.

"Ahh...Ami, may....may....may gusto ka ba kay Jack?"

Naibuga ni Ami ang iniinom na juice dahil sa di inaasahang tanong ni Emi.

Agad naman lumapit si Emi sa kan'ya at hinaplos ang likuran.

"*cough! Cough! Milha-cough! Ano ba namang klaseng tanong 'yan?! Cough! Cough! Cough! Ako magkakagusto kay Jack?! Like hello! Taken na kaya ako! Cough! Cough! At isa pa cough! kapatid lang tingin ko sa kan'ya! May The One na kaya ako!! Cough! Cough!"

"S-sorry Ami p-pinagdudahan kita" nahihiyang sabi ni Emi habang hinahaplos pa rin ang likuran ng kaibigan.

"cough! Bakit mo naman ako pinagdudahan?!"

"H-hindi ko rin alam eh"

Umupo ng maayos si Ami saka hinawakan ang kamay ni Emi.

"Milhae, nagseselos ka ba?"

Nanlalaki ang matang nilingon ni Emi ang kaibigan.

"H-hindi ah!"

"Yiihh! Nagseselos ka Milhae! Sabihin mo ano naramdaman mo kanina?" tanong ni Ami na may halong pang-aasar.

"W-wala! Wala!" sagot naman ni Emi na namumula.

"Hahaha! Milhae hindi ginagawa ng katawan mo ang sinasabi mo haha! Sabi mo wala ka naramdaman pero tingnan mo nga sarili mo, namumula ka! Hahaha!"

Yumuko si Emi para hindi na makita ni Ami ang pamumula ng kan'yang mukha. Pero hindi siya tinigilan ni Ami at patuloy pa rin sa pangangantyaw. Sinusundot sundot siya nito sa tagiliran kung saan malakas ang kiliti niya.

"Hahaha! Seryoso na Milhae, nagselos ka nga?"

Nagbuntong hininga muna si Emi bago magsalita.

"Siguro? Ewan.. Hindi ko alam"

-------------------------------------------------

AN:

Hi! kayo guys? ano tingin niyo? nagselos nga kya ang ating bida? comment nyo lng! ^,^ kaso may magco-comment nga kya kung wla nmng ngbbsa? wahahah!

At nga pala! yung apat na babae si Star,Riez,Ashi at Sehna,mga character ko sila sa iba ko pang story NPB sila meaning No Permanent Book,maaaring ma-extra sila sa ibang story na gagawin ko.Pero may ginagawa ako ngayong story na nandun sila at nga pala kung NPB sila NPP din sila meaning No Permanent Personality.Kung dito weird cla,sa ibang story iba personality nila,pwede rin mabago ang gender nila (depends on me ^-^) hihi! so kpg na-publish ko na ang ibang story na yun,sana suportahan mo rin :)

Arigato!

DW:5¿ûń15

Date Updated: 06 June 15

Broken-COMPLETEDWhere stories live. Discover now