Chapter 476: MEN'S BASKETBALL FINALS GAME 2.4 (SFD13)

119 18 7
                                    

🏰LUKE🏰

Natapos ang 3rd quarter, bitbit naming mga lobo ang anim na kalamangan, dahil napako na ang score ng mga leon. Kahit papaano ay masaya 'ko, pero alam kong hindi pa rin ako dapat makuntento sa gano'n kasi ang haba pa ng oras. At bukod pa ro'n, marami akong naging error, kasi nadidistract talaga ako.

Natatakot kasi akong baka makarating na naman kay Daddy ang ginagawa nila. Sumbungero pa naman 'tong Sean na 'to, na mukhang kanina pa naiinis sa akin kahit iniiwasan ko na nga. Siya na nga 'tong may panibagong atraso sa akin, siya pa 'yong may ganang magalit. Palibhasa walang mapagbuntunan ng init ng ulo niya kaya ako na naman napagdiskitahan.

Nagsimula ang huling quarter na punong-puno kami ng kaba. Isang maling galaw lang kasi namin ay pwedeng dito na matapos ang laban. Hindi naman kasi gano'n kalaki ang lamang namin sa kanila. Anim lang 'yon, dalawang three points lang ang ibato sa amin tablado na kami eh.

Kaya walang sinayang na oras si Coach Limer mula nang maupo kami. Panay ang latag niya ng pangmalakasang diskarte kung paano namin madedepensahan ang lamang namin sa kalaban.

Suwerteng nakadagdag ulit kami ng dalawang puntos sa tulong ni Yixing, na 'di alintana ang pagod sa kabila ng kawalan ng pahinga. Mabuti na lang at sanay na sanay na siya sa mga ganito. Dati kasi, dalawa ang sentro namin, pero graduate na ang kapalitan ni Yixing kaya siya na lang mag-isa.

Pansamantala kaming nahinto dahil nakasabit si Samuel. Kami ni Yixing, Samuel, Rafael at Jason ang nasa loob. Lumapit sa akin si Rafael habang hinahantay na matapos ang nagbobonus.

"Cap, gagalit 'yong bespren mo ah? Mainit ang ulo."

Natawa na lang ako. Kanina pa nila napagdidiskitahan 'yang si Sean. Tuwang-tuwa sila, este kami sa tuwing bumabakas ang inis sa mukha niya. "Hayaan niyo na 'yon." Balak ko sana 'yang awayin dahil sa ginawa niyang pagsusumbong sa akin, kaya lang hahaba pa ng husto. Baka ako na naman ang magmukhang masama. At isa pa, kung aawayin ko siya dahil lang do'n, baka isipin niya na umepekto ang plano niya laban sa akin. Mamatay siya kakaisip kung napagalitan ba ako o hindi.

Agad kaming nanakbo sa kabila, nabawasan ng isa ang walo naming abante, dahil ang ikalawa lang naman ang pumasok sa basket. Si Yixing ang nakakuha ng bola, na agad din naman niyang pinaubaya kay Samuel. Narating namin ang court namin at pansamantalang naghinay-hinay. Hindi namin kailangang madaliin ang lahat, dahil mahaba pa naman ang oras. Bukod pa ro'n, dapat masiguro talaga naming makakapuntos kami.

Mula kay Samuel ay napadpad sa akin ang bola. Pakiramdam ko namumula na naman ako nang lumakas na naman ang sigawan at asaran. Talagang hindi na nila ako tinitigilan. Kahit ayaw kong lingunin si Alex ay 'di ko maiwasan. Gusto ko lang makita ang reaksiyon niya.

'Yon lang naman...

Nanlaki ang mata niya na parang nagulat pa sa akin. Wala naman akong ginagawa pero para siyang  nakakita ng multo. Umiwas ako ng tingin at nagfocus na lang sa laro. Hindi na ako pwedeng magkamali, baka sakalin na ako ni Coach Limer kapag nag-commit pa ako ng panibagong error.

Sinubukan kong tumira at hindi naman ako nabigo. Pumasok na naman 'yon sa basket kaya magkandabingi-bingi ako sa lakas ng sigawan. Samu't-sari, pero ang nangingibabaw eh 'yong sa amin ni Alex.

"Enjoy na enjoy mo ah?" Nawala ang ngiti sa labi ko at agad napalitan ng inis. Ayan na naman siya, balak niya na namang sirain  ang araw ko.

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now