Chapter 512: NGINIG (SFD15)

104 18 18
                                    

🏰LUKE🏰

"Luke, tayo ka diyan dali pi-picture-an kita," excited na sinabi ni Mommy, habang nakaturo malapit sa tarpaulin namin. Napakamot na lang ako. Si Daddy naman ay natawa nang malakas. "Why?" tanong niya kay Daddy. "Bakit?"

"Wala," umiling si Daddy. Nagkatinginan na lang kami bago ako sumunod.

Hindi ko alam kung pang-ilang kuha ko na 'to. Kanina pa ako picture nang picture dito. Ginawa  na naman naming studio 'tong arena. Daig ko pa model sa dami ng shot eh. Para akong nagpo-photoshoot eh.

Mga babae talaga oh...

"Smile," sabi ni Mommy bago itinaas ang camera. Si Daddy pumwesto na, siya kasi ang tagabilang. Ako naman ay ngumiti na. "Isa pa," ani Mommy. Natatawa tuloy ako, dahil si Dady tawa nang tawa. "Honey, ano ba?" inis siyang nilingon ni Mommy. "Kanina ka pa. Ang gulo mo. Doon ka na nga." Tinulak niya si Daddy. "Alis na, panggulo ka eh."

"Natatawa lang ako," depensa ni Daddy. "Sorry na, sorry na." Naglakad siya palapit kay Mommy. "Anak umayos ka na kasi," bigla niyang baling sa akin.

"Ba't ako? Ikaw patawa diyan eh."

"Uy sali!" sigaw ni JC, nagtakbuhan na naman sila. Napailing na lang ako. Mukhang matagal-tagal na kuhaan na naman 'to.

"Say cheese!" Nakailang kuha pa kami ng kung anu-ano'ng post. "Hala, wala ng space!"

"Hay salamat," mahinang bulong ko. Narinig yata nila Yixing kaya natawa sila.

"Tara doon naman tayo kay Coach Limer," yaya ni JC. Nagtakbuhan na sila at doon naman nanggulo kay Coach. Hindi na ako magtataka kung kakalat na naman ang mukha nila sa socmed mamaya.

Pasaway talaga...

"'Yong phone ko na lang," sabi ni Mommy. Hinila niya ako at lumapit kami kina Guione. "Picture kayo, where's Matthew?"

"Present!" Tinaas ni Matthew ang kamay niya. Nasa likod siya ni Tito Guillan.

"Oh ayan, dali Luke. Si Marco, nasaan?"

"'Wag mo nang papuntahin," ani Daddy. "Baka pagkaguluhan dito 'yon. Mamaya bakante naman 'yong unahan, doon mo na lang sila kuhaan."

"Sayang..." Sumilip pa si Mommy sa kinaroroonan nila Marco. Sobrang dami ring kumukuha ng litrato sa kanila kahit nakaupo lang sila doon. "Oh dali picture na kayo."

"Talaga 'to si Mommy oh," reklamo ko.

"Last na Luke promise," aniya. Nagtabi-tabi na kami nila Guione. After non ay sumali naman sila sa amin. Sayang, wala kasi sila Tito Mateo eh, kumpleto sana.

"Kuya Luke congrats!" bati sa akin ni Guiven. Yumakap pa siya sa akin. "Ang dami mong points."

"Thank you," pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute niya.

"Galing mo ah?" sabi naman ni Tito Guillan. Ngiti na lang ang nasagot ko. Nahihiya na kasi ako. Ang dami nang nagsabi sa akin niyan mula nang matapos ang laro. "MVP 'to," tinapik niya ng dalawang beses ang likod ko.

"Sana," sabi ni Mommy. Pinahawak niya na naman kay Daddy ang cellphone. Natatawa na ako, mukha na kasing PA si Daddy. Dala-dala niya pa 'yong nakuha kong pagkain, dahil ako ang best player ng game. "Balik ka na do'n, baba mo na muna 'yan."

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon