Chapter 581: PA-GOODBOY

107 9 0
                                    

🏰DARYLLE🏰

Nagmamadali akong bumaba dahil paalis na kami nila Mama. Magsisimba kami ngayon. Medyo ginabi na nga rin kami kasi na-late ng dating 'yong maglalaba, kaya late na ring natapos. Kasabay namin siyang lalabas ngayon, bale ibababa lang namin siya ro'n sa sakayan.

"Okay na?" tanong ni Mama bago isara ang pinto. Tumango ako, dahil sa palagay ko ay nakuha ko naman ang lahat. Wala naman na akong nakalimutan kasi nandito na ang bag ko. "Labas na ro'n."

Sumakay na ako sa sasakyan. Katabi ko si Ate—'yong naglalaba sa amin—rito sa likod. Si Ate naman ay nandiyan sa unahan. Si Mama raw ang magmamaneho. Siya na rin ang nag-lock ng gate.

Nang madaanan namin ang toda ay bumaba na si Ate. Nagpasalamat siya bago tuluyang lumayo. Isinara kong maigi ang pinto.

Ilang minuto pa ang lumipas bago namin tuluyang narating ang simbahan kung saan kami madalas magsimba. Gaya ng dati ay maraming tao, pero nagawa pa rin naming makaupo dahil marami pa namang bakante.

Nagsimula na rin ang misa makalipas ang ilang oras. Talagang nakinig ako nang maigi, para masunod ang hihilingin ko. Ipagdarasal ko lang naman si Alex, na sana maging mabait na siya para hindi siya kinakarma.

Tigas kasi ng ulo eh...

Nagpasalamat ako dahil sa sunod-sunod na biyayang natanggap ko mula pa noong nakaraan. Mula nang mag-champion kami hanggang sa magkapera ako. Para sa akin, malaking biyaya 'yon, kaya normal lang na magpasalamat.

Nagpunta kami nila Mama sa unahan para mabasbasan ng Pari pagkatapos ng misa. Hindi pa man lang din kami nakakalayo ay may humarang na sa amin.

"Jade," tawag ni Mama. Kasama niya rin yata 'yong Nanay niya, 'yong nakita namin ni Alex sa hospital. "Kamusta?"

"Ayos naman, ikaw?"

"Mabuti rin," sagot ni Mama. Umaliwalas ang mukha niya nang makita ang kaibigan.

"Si Alex? Okay na ba siya?"

"O-oo," nauutal na sagot ni Mama. "Nandoon kasama ni Glydel." Iba na naman ang sagot niya, pero hindi ko na lang pinansin.

"Mabuti naman," nakangiting sabi ng doctor. Nakipagbeso pa si Mama ro'n sa matanda. Siyempre bilang pag-galang ay nakigaya rin kami kahit hindi kami close.

"Saan ang punta niyo?"

"Hinahantay ko 'yong anak ko, bumili ng Sampaguita. Kayo?"

"Magdi-dinner, tinatamad na kasi akong magluto."

"Naku, kami rin. Ano, sabay na kayo sa amin?"

"Mabuti pa, para mahaba-haba ang kuwentuhan."

"Saglit lang ha?" Tumingkayad si Doc Jade. "Nasaan na ba si Rico?"

"Sabi ko sa 'yo ikaw na ang bumili eh," sabat ng matanda. "Alam mo naman 'yang si Jerico, ang gagawin ng ilang minuto papaabutin ng kalahating oras."

"Tatawagan ko na." Kinuha ni Doc Jade ang cellphone sa bag niya. "Oh ayan na pala," agad niya rin 'yong binalik sa bag.

Napatingin ako sa lalaking bagong dating at may hawak na Sampaguita. Talagang ng mga oras na 'yon, napaisip ako kung nasa simbahan ba talaga ako eh.

HIM & I [SEASON 3] (COMPLETED)Where stories live. Discover now