Chapter 10

36 5 0
                                    

Chapter 10

Pagdating namin sa table ay wala na si Reev doon dahilan para kumunot ang noo ko.

"Where's Reev?" I asked Zaiker,

"He called someone and left." He answered before pulling a chair for me.

Umupo ako roon at hindi napigilan na isipin ulit ang nangyari kanina sa loob ng banyo. Scarlett knew me and she's somehow connected to Reev.

"Wala ba s'yang sinabi kung saan siya pupunta?" Tanong ko muli kay Zaiker.

Tiningnan n'ya ako at matapang kong sinalubong iyon, "He just left without saying anything."

I unconciously bit my lower lip when my gaze went down to his lips while he's talking. Shit naman, focus Kenna, focus.

"Then...tayo nalang ang mag di-dinner?" Pinigilan kong mapatampal sa noo ko matapos itanong iyon. Obvious naman, Kenna. My god!

Hindi naman ako ganito na puro nonsense ang lumalabas sa bibig pero tuwing kasama o nasa harapan ko si Zaiker, nangangapa ako ng salita na p'wedeng sabihin sa kanya.

He doesn't talk that much. Hindi nga rin magsasalita kapag hindi kinakausap, depende nalang kung gusto niya talaga or may bagay siyang gustong i-point out.

Ang hirap din pakisamahan ng isang 'to e'.

Nagsimula na kaming kumain at gaya ng inaasahan ay sobrang tahimik namin. Mabilis kaming natapos at mag desisyon na umuwi na.

Habang nasa biyahe ay sobrang tahimik pa rin. Hindi na ako sumubok na kausapin siya lalo na at kapansin-pansin na may iniisip siya na hindi ko alam kung ano kaya ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-send ng mensahe kay Reev.

He didn't replied so I assumed that he's busy.

PAGDATING namin sa bahay niya ay hinatid niya pa ako sa kwarto na katabi lang naman ng kanya. He was silent the whole time so I took the chance to talk to him kahit bago man lang matapos ang araw na 'to.

"Hindi ko nagustuhan ang pakikipag sagutan mo kay Reev kanina, Zaiker." Seryosong sabi ko nang nasa tapat na kami ng pintuan ng kwarto ko.

His face remained impassive, "What do you want me to do, then?"

Natigilan ako matapos marinig ang pasagot na tanong niya. Bakit sa akin niya tinatanong 'yon? Kapag sinabi ko bang humingi siya ng tawad kay Reev ay gagawin niya rin?

"Tell me what to do, Kenna..." Aniya dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya.

Ang galing niyang itago ang emosyon niya pero hindi naman magaling mag sinungaling.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa kapag nakabastos ka ng kapwa, Zaiker?" Humalukipkip ako.

I saw a faint emotion in his eyes but it quickly vanished. "What do you want me to do? Apologize to him?" He laughed but it sounds sarcastic.

"Did you asked him to apologize to me, too?" Muling tanong niya.

Umawang ang labi ko para sumagot pero wala akong maisagot sa tanong niya.

"Don't worry. I'll apologize to him tomorrow," He said calmly but it sounds painful for me.

"I know you don't like liars and you're just being honest. Kung ano 'yong nasa isip mo, 'yon din ang sinasabi mo. How I wish I could be honest to you without thinking that I might hurt you, too."

He turned his back from me, and I was left standing outside my room with the thought that I hurt Zaiker because of confronting him.

Tahimik akong pumasok sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para maligo matapos ay magpalit ng damit. Habang ginagawa ang night routine ko ay tahimik ko parin na iniisip ang napagusapan namin ni Zaiker kanina.

Burning HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon