Chapter 12

31 5 0
                                    

Chapter 12

Buong araw yata akong tulala matapos ang paguusap namin ni Zaiker kanina sa hardin. Kung hindi lang ako inaya ni Blair na pumunta sa pool area para mag swimming ay hindi ako magsasalita.

"Sure, magbibihis lang ako." Sagot ko sa kanya at tango naman ang isinagot niya bago ako tuluyang iwan.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch dito sa living room at nagtungo sa kwarto para magbihis.

I'm wearing a white oversized shirt na natatakpan ang kalahati ng hita ko, sa ilalim no'n ay black sports bra and black cycling short.

Lumabas ako bitbit ang phone ko. Zaiker left earlier at sinabing may emergency meeting daw kaya kailangan niyang puntahan.

And it's fine. Responsibilidad naman niya 'yon.

Habang naglalakad patungo sa pool area ay tumunog ang cellphone ko kaya naman ay huminto ako at chineck kung ano iyon.

Zaiker:

Are you still inside the house? If yes, stay there. Don't go outside especially on the pool area. My friends are there.

Napakurap ako bago nag-angat ng tingin sa daanan papunta sa pool area.

His friends are there?

Bumaba ang tingin ko sa suot ko at bumuntong hininga. Imbes na tumuloy doon ay dumiretso na lang ako sa kusina at tinext si Zaiker habang kumakain ng mango graham float na kinuha ko mula sa ref.

Ako:

Okay. Nasa kitchen ako, I can't find my ice cream, buy me some before you go home.

Napailing ako nang wala pang dalawang segundo ay na-seen na niya agad ang text ko pagkatapos ay typing na agad. Tsk.

I thought he's busy?

Zaiker:

I purposely hid your ice cream. You ate too much for today, already.

Napalabi ako matapos mabasa ang reply niya. So, siya pala ang suspect.

Ako:

It's mine. You're so mean!

Zaiker:

I bet you're busy eating the mango graham float, right now. Eat well, Kenna.

Ako:

Don't reply to my messages. I will sue you for icenapping my ice creams.

I'm too bored kaya pati pakikipag sagutan sa kanya sa text ay papatulan ko na.

Zaiker:

Whatever you say, amore.

I was about to type a reply to his message but I flinched when I heard a faint voice outside the kitchen.

"How are you and Khai? I'll call, Mamà. I don't know how to take care of a sick person, too—"

Natigilan ako nang biglang sumulpot ang isang lalaki na nakasuot ng black jersey habang hawak ang cellphone nito na nakadikit sa tainga. He gave me a smile before walking towards the ref and opened it.

"I'll try to visit next week. I promise. Kiss Khai for me. Okay, love you baby sis—" He chuckled instantly.

I didn't mean to eavesdrop, sadyang malakas lang ang boses ko.

Ibinaba niya ang cellphone niya at isinara ang ref matapos kumuha ng . . . yakult? He opened it and drank it while he's busy with his phone.

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya at nag desisyon na magtipa na lang ng mensahe kay Zaiker pero bago pa man mangyari iyon ay nagsalita na ang lalaking nakasandal na ngayon sa ref.

Burning HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon