Chapter 27

201K 4.6K 346
                                    

"Hindi mo pa ginawang love. Nahiya ka pa e," kumento ni Rose nang ikwento ni Vince dito ang nangyari kanina sa bahay nina Moira. He finally had the courage to tell her how he feels, though he had to take it down a few notches.

"I don't want to scare her," dahilan niya.

He just got home when he called her. Gusto niyang may mapagsabihan, and who better than Rose? Hindi mawala sa isip niya ang hitsura ni Moira nang sabihin niya iyon. Pareho silang nahihiya. He thought he was past that, pero para pa rin pala siyang schoolboy na first time mag-confess.

You'd think that he'd be more confident, considering na may anak na silang dalawa at ilang beses na ring may nangyari sa kanila, but their relationship was still too fragile. Something as shocking and as big as love could break it in an instant.

At kung sinabi man niyang mahal niya ito, would she believe him? O iisipin na naman nitong nanggagago lang sya?

It was awkward during dinner. Moira focused on her plate and didn't pay him any attention. Hindi tuloy niya malaman kung natuwa ito sa sinabi niya. Kelvin kept on pulling her into their conversations and Moira kept on cutting it.

In the end, Kelvin just gave up. Masaya na rin itong kumpleto silang kumain ng hapunan.

--

Moira couldn't sleep that night. She was thinking about what he said and why he said that. Posible kayang pagkatapos ng sampung taon ay magustuhan din siya ni Vince? Ang tagal niyang hinintay na sabihin nito iyon, and when he finally said it, hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

That's why she wasn't able to answer him. Ni hindi niya ito matingnan kanina habang kumakain sila ng hapunan. Hinuhuli nito ang tingin niyang pilit naman niyang iniiiwas.

Pinakiramdaman niya ang balikat. She couldn't feel his warm hands on them anymore. Napalitan na iyon ng kaunting lanit dahil sa walang habas na paghampas ni Neri kanina. Kilig na kilig kasi ito nang sabihin niya ang nangyari.

"O, gusto ka naman pala e. Patawarin mo na," she told her.

And she wondered if that's enough. Is liking someone reason enough to do the wrong things and make wrong choices? Saka gaano ba kalalim ang pagkagusto nito sa kanya? Hindi naman niya sigurado. Sana pala ay nagtanong siya. Hiyang-hiya kasi siya kanina.

It was not the first time that somebody confessed to her. But it's different because it's Vince. Vince, who had constantly pushed her away before. It's just hard to get past the rejections. She felt like it's unlike her life to be this fortunate.

Dahil wala siyang trabaho at nalaman na niya ang rason kung bakit ganoon si Vince sa kanya (kahit medyo nalalabuan pa siya), tinanggap na rin niya ang trabahong iniaalok ni Red. The following week, pumunta siya sa opisina nito para pormal na mag-apply. She was interviewed (for formality) at saka binigyan ng offer.

Under probation siya for three to six months, depende sa performance niya sa trabaho. Pagkatapos noon ay iri-regular na kaagad siya.

"I'll walk you through everything, kaso sana makuha mo kaagad kasi alis na alis na talaga ako rito," Vico told her.

Red pulled his scarf, making him choke.

"I hate you!"

"Aray! Joke lang naman, e!"

Red turned to her.

"Don't pressure yourself, Carlene. Take your time learning," sabi nito.

The two bickered for some more. She missed that. Being with those two is always fun. Nang sa wakas ay tumigil na ang dalawa sa pagtatalo, tinuruan na siya ni Vico ng mga dapat niyang gawin. It's the usual secretarial stuff, naiba lang ang gagawin niya dahil sa HR department na siya.

The Aftermath of a One-Night Stand (Aragonza #2)Where stories live. Discover now