Chapter 22: They Have Finally Met

2.4K 90 6
                                    

Belated Happy Birthday to me!!  :)

-----

Here I am sitting silently while watching at Jungkook record his part sa kantang Some ng Soyu and Junggigo para sa colaboration nila. Pinauna na siyang magrecord dahil mamaya pa raw makakarating si Hyeryn since may fan-meeting pa daw ang 4second.

"Very good, Jungkook." Sabi ni Bang Pd-nim na pinapanood siya sa recording box. "Mamaya pag dating ni Hyeryn, sabay kayo magrerecord and sana maging maganda kalalabasan. Then tomorrow, we'll practice how you'll deliver the song sa stage."

Tumango si Kookie at ngumiti sa sinabi niya. He went out then walked straight towards me lazily kung saan nakaupo ako sa isang maliit na couch.

Pinagpilitan niyang tumabi sakin. Inakbayan niya ko then rested his head on my shoulders.

"I'm so tired and sleepy." Mahinang sabi niya habang nakapikit ang mata niya. "Apat na oras palang tulog ko, Zy."

Inangat niya ang ulo niya at tinigan ako with his puppy eyes.

"Anong gagawin ko?" Tanong ko. He pouted his lips then shut his eyes.

"Kiss me please." Pacute na sabi niya. "Para mawala antok ko. Please, Zy?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Then, bigla akong natawa ng malakas. Minulat niya ang mata niya dahil sa tawa ko saka ako tinitigan ko ng masama.

"Edi wag. Psh." Pinahinga niya nalang ulit ang ulo niya sa balikat ko then closed his eyes.

Ang cute cute niya ngayon, bat ganon? Kanina pa yan nagpapakiss sakin. Ganyan ba talaga pag puyat siya? Dapat pala pinupuyat ko lagi to para laging malambing sakin. Haha!

Ginalaw ko ng konti ang ulo ko then tinignan ang nakapikit niyang mukha sa balikat ko. Sana palagi kaming ganto. These past few days, sobrang saya ko pag kasama ko siya. Ang gaan gaan sa pakiramdam na parang wala kaming problema.

Sana kahit na pumasok sa eksena si Hyeryn, kahit na makita niya kung gaano kaganda, kasexy o kayaman yun, ako pa rin pipiliin niya. Ayoko man siyang payagan sa pakikipag-colab niya dun dahil natatakot ako sa oras na magsama sila ay baka ahasin siya agad ng babaeng yun, pero hindi ko magawa. Ano namang laban ko? Yung itsura niya nung nalaman may bago siyang gagawin na career, sobrang saya niya.

Alam kong ito ang pangarap. This is his passion. Bata pa lang siya, nung hindi pa niya ko kilala, dito na siya nagffocus. Kaya nga medyo nahirapan ako sa pagpapansin sa kanya dahil yung atensyon niya nasa pagkanta at pagsayaw lang. Ayokong maging hadlang sa pangarap niya kaya iindahin ko nalang siguro muna to.

"Hey, Zy. Why are you so quiet?" Tanong ni Kookie kaya agad akong napaiba ng tingin. Minulat niya ang mata niya then tinigtigan ako.

"Are you thinking of me?" Biglang nagcurve ang labi niya. "Yie, ikaw ha. Patay na patay ka sakin ha. Kiss mo nga ko."

Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko then ngumuso na parang gustong humalik. Nilagay ko ang palad ko sa mukha niya at saka hinawi iyon palayo sa mukha ko.

"Kapal ha?" natatawang sabi ko. "I wasn't thinking of you, silly." pagsisinungaling ko kahit siya naman talaga iniisip ko.

"Then sino?" kumunot ang noo niya saka unti unti nagbago ang itsura niya. "Are you still thinking of that Woosung guy? Kailan mo ba ko papakilala dun?"

Hinampas ko siya sa braso niya.

"No, hindi ko siya iniisip no." natatawang sabi ko.

Pero speaking of Woosung, I haven't heard anything about him since that night. Wala pa rin akong balita maliban sa namove daw yung debut nila because of Jinseo. Madalas daw kasing umabsent sa practice, at sigurado kong dahil yun kay Clarisse.

JungKook's Secret Girlfriend (BTS)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang