S2; Chapter 15

2.4K 117 50
                                    

"Dude, your cousin's real lucky for being with Hyeryn. I mean, look at those boobs."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Seung Hoon. Nakatayo kami ngayon at tapos na kumain. Nasa kalagitnaan na ng program at ngayon ay kumakanta sa stage si Hyeryn, special number niya ata para sa reunion na to.

Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Mino sa sinabi ni Seung Hoon. Oh no, hindi ba niya alam na ex ni Mino si Hyeryn?

"Oooh, and that butt too." Wala pa ring tigil si Seung Hoon nang tumalikod si Hyeryn habang kumakanta.

Maganda pa rin si Hyeryn, sexy. Humaba lang lalo ang kanyang buhok at mas kumurba ang kanyang katawan kumpara sa huling pagkakataon ko naming makita. Nandoon pa rin ang mataray niyang mata kahit na nakangiti siya sa mga tao habang kumakanta.

Buti nalang ay natapos na ang pagkanta niya bago pa mas lalong mainis si Mino sa mga lumalabas na pampupuri slash pagnanasa sa bibig ni Seung Hoon. Tumayo siya bigla kaya hinawakan ko ang kanyang braso.

"Saan ka pupunta?"

"I'm out for a smoke." hindi matago ang pagkairita ng boses niya. Binitawan ko siya at hinayaan ko na lang siyang lumabas. Mukhang bad mood nga siya.

Sinundan ng tingin ni Seung Hoon si Mino nang nakakunot ang noo. "San punta no'n?"

"Smoke daw." Hindi ko alam na ninigarilyo pala si Mino.

"Smoke? Bakit? Stressed?" Oo, sayo! Yung bibig mo kasi!

Gusto kong sabihin pero, nagkibit balikat nalang ako bilang sagot sa tanong niya.

Nalaman kong batch mates at school mates pala si Hyeryn and Mino nung high school sila. Sikat na daw noon pa si Hyeryn, maraming nakakandarapa. Pero wala daw sinasagot kahit isa sa mga manliligaw dahil sobrang fan siya ni Jungkook. Tapos nalaman nalang daw nila na in'announce na ni Hyeryn na sila na ni Jungkook last 3 years ago.

Pero kung magschool mates sila ni Hyeryn ng high school, ibig sabihin ay school mates din si Mino at Woosung since bata palang sila ni Hyeryn ay magkakilala na sila?

Dahil sa curious ako ay tinext ko si Woosung.

To: Woosung

School mates ba kayo ni Hyeryn nung high school? May kakilala ka bang Mino?

Natapos ang program at halos lumalalim na ang gabi pero hindi pa rin bumabalik si Mino. Inanusyo ng MC na magsisimula na ang after party kung saan available na hard liquors sa counter ng bar. Nagsimula na ring magpatugtog ng hype beat ang DJ.

Nagpaalam ako kila Seung hoon na maglalakad lakad muna ako. Narinig ko ang pag-angal niya pero umalis pa rin ako.

Nasaan na ba si Mino? Naka-ilang texts na ako sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply.

Maraming tao, nakakahiyang maglakad lakad dito dahil wala naman akong kakilala. May mga ngumingiti sa aking mga lalaki, pero binabalewala ko lang.

Nagsimula nang magsayawan ang iba sa dance floor. Umupo ako sa gilid at tinadtad ng texts si Mino. Nakailang missed calls na ako pero hindi siya sumasagot.

Tumayo ulit ako at napunta ako sa isang garden kakalakad. Medyo masakit na ang paa ko at naisipan kong umupo sa isang nipa hut sa gitna ng garden kaso nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Just admit it, Mino. You still can't get over me." medyo natatawang sabi ni Hyeryn. Agad akong natago sa isang halaman.

"Don't be too full of yourself. I've moved on ages ago. Ikaw ata ang di pa nakakamoved on, considering na sinundan mo pa ako dito." boses ni Mino ang narinig ko.

JungKook's Secret Girlfriend (BTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon