"What are you doing?" inosenteng tanong sakin ni Kookie habang nakahawak sa braso ko para maiwas sa pag-aagawan namin nila V.
Pero imbis na sagutin ko siya ay dahan dahan kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko at nakipag-unahan ako sa pagkuha ng box. No, Kookie shouldn't know anything about this weird gift.
Napahiga si Jimin habang si V naman ay nakaluhod habang nakikipag-agawan sakin.
"V, Jimin this is not yours!" sigaw ko habang hindi binibitawan ang box.
"Zyra~ Amin na lang to! Ang dami nang gifts nyan ni Jungkook e!" sabi naman ni V.
"Oo nga. Mamaya may masarap na pagkain dito e!" sabi naman ni Jimin.
"Wala! Walang pagkain to! Promise, wala!" sabi ko. The three of us were holding the box. Nagulat nalang ako nang hilain pataas ni V yun kaya napasama ang buong katawan ko sa paghila niya. Napasubsob ako sa sahig dahil sa ginawa niya.
"ZYRA!" rinig kong sigaw ni Kookie sa likod ko. Agad kong naramdaman ang kamay niya sa balikat ko saka ako inusog para mapaharap ako sa kanya. Binuhat niya ang likod ko tsaka ako hiniga sa lap niya.
"Are you okay? May masakit ba?" halata ang pag-aalala sa boses ni Kookie. Hinawi niya ang buhok ko na nakakalat sa mukha ko saka ako hinawakan sa pisngi.
"JIMIN! TAEHYUNG!" narinig kong sigaw ni RapMon. Mukhang nagising siya dahil sa nangyari. Nilingon ko ang dalawa at halata ang pagkabalisa sa kanilang mga mukha. Agad na binigay ni V kay Jimin ang box na hawak niya. Nilingon ni Jimin si V saka sumimangot. Binalik niya ito kay V pero hindi ito kinukuha ni V.
"Diba ikaw may gusto nito? Yan na!" sabi ni Jimin habang pilit na binibigay kay V ang box.
"Hindi, hindi. Sayo na yan. Marami rin naman akong natatanggap na regalo sa ARMYs kaya okay lang. Hehe! Diba gusto mong pagkain? Sayo na yan, Jiminie!" sabi ni V sabay abot ng box kay Jimin.
"Hindi, may pagkain pang binigay si Zyra sakin. Di ko pa nakakain kaya sayo na yan. Hehe!" pinagpapasahan lang nilang dalawa ang box.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Suga at kinuha ang box sa kanila.
"Tsk, ang kukulit nyo kasi." seryosong sabi ni Suga habang umiiling. Lumapit siya sakin saka umupo para maging magka-level ang mga mukha namin.
"Are you okay? Eto oh." sabi ni Yoongi saka abot ng box sakin. Kinuha ko naman yun saka tumango.
"O-okay lang ako" sabi ko. Ngumiti siya saka ginulo ang buhok bago umalis at lumabas ng waiting room.
Walang nagbalak magsalita sa amin. Lahat kami ay natahimik sa nangyari habang nagtitinginan.
"Zy, you okay?" sabi ni Kookie habang hinahaplos ang buhok ko. Ngumiti ako at tumango. Dahan dahan akong tumayo. Inalalayan rin ako ni Kookie para hindi ako malaglag.
"Ano ba kasi yan?" sabi niya saka turo sa box. Agad ko namang tinago iyon sa likod ko.
"Wala to." sabi ko then ngumiti ako.
"Okay." Tumango lang siya saka ako hinawakan sa leeg ko. Hinalikan niya ko sa noo ko.
"Magbibihis lang ako, okay?" sabi niya saka ako tinalikuran. Nakita ko pang tinignan niya ng masama ang dalawa bago mawala siya sa paningin namin.
Mabuti naman at hindi niya na kinulit kung anong meron sa box na to. He always know when to say nothing.
-----
*ring ring ring ring--
"Kookie" I said after answering my phone. I'm here at my room, busy doing my homeworks.
["Are you going to do something tonight?"] narinig kong sabi niya. Sinara ko na ang notebooks ko since tapos na ko sa assignments ko. Nagstretch muna ko ng kamay ko bago sumagot.
"Hmm.. wala na. I've finished all my homeworks e." sabi ko saka ako dumiretso sa kama para ipahinga ang nangangalay kong likod. I was doing my homeworks for straight 2 hours. And thank God, tapos na lahat sila.
["Great."] yan lang ang sinabi niya saka niya binaba ang phone niya. What the hell? Ano yun? Kala ko naman yayain niya kong lumabas or something. Hay, nadisappoint naman ako dun.
Binaba ko ang phone ko. Tumayo ako para pumuntang CR. I don't know why but I think I need to shower.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko ng CR. Nang laki ang mata ko nang makakita ako ng lalaki na nakatalikod sa loob ng kwarto ko. Pero mas lalong nanglaki ang mata ko nang humarap ang lalaki sa akin. It wasn't just some guy, it was Kookie. Kookie, in my room, seeing me in my towel.
Napansin ko ang pagmula ng mukha niya saka siya tumalikod.
"Sorry. Sorry. Sorry. Sorry for not asking permission to enter your room." hindi ako nakasagot dahil agad akong tumakbo sa loob ng CR. Gosh, what is he doing here?
----
A/N:Bitin pa rin ba? HAHA Mas mahaba next chapter, promise. HAHA! Thank you sa mga nagco'comment. Love you guyssss. <3
YOU ARE READING
JungKook's Secret Girlfriend (BTS)
FanfictionA fanfiction about Bangtan Seonyeondan's Jungkook Semi-completed. Season 1 is finished.