Chapter 2

18 2 0
                                    

Venice Bridget's POV

"Para mo naman akong pinapatay d'yan sa isip mo twin-sis, huwag mo naman ako titigan ng gan'yan."

Pairap ko 'yong sinabi sa kakambal kong kanina pa ako tinititigan.

"Kuya, isa pa ngang shot." Sabi ko pa sa bartender na nakatayo sa harapan ko.

Nandito kasi kaming dalawa ng kakambal ko sa bar. May inaantay kasi kaming dumating, napakakupad.

"Nako, mujer, tigil-tigilan mo si akesh sa pag-nomo mo ha. Ate nancy masyado 'yan, sumbong pa kita kay mother earth eh. Debbie Gibson pa kita mujer ng jombag, tamo." Asik n'ya na ikinatawa ko.

(Translation: Nako, babae, tigil-tigilan mo ako sa pag-inom mo ha. Nonsense masyado 'yan, sumbong pa kita kay mama eh. Give pa kita girl ng sapak, tamo.)

Ang tagal naman kasi dumating ng baklang Bella. Pa-VIP kesyo hindi n'ya daw maiwan ang paperworks n'ya, sus! Baka si Joaquin kamo ang hindi maiwan.

Naiintindihan ko naman 'yon, pero jusko naman 'te, tatlong oras na kaming nandito ng baklang 'to, inaamag na ako.

Sana all diba? Si Bella, masaya na sa asawa n'ya, anak na nga lang ang kulang e. Buo sila at lumalaban ng magkakasama. While here i am, spending my time drinking this freaking tequila. Paano ba kasi lumandi?

"Nasaan na ba kasi 'yong babaeng 'yon?" Tanong ko bago ininom ang isang shot ng tequila. Woo! Sarap!

"Oh, nag arrive na pala ang pocahontas e. Hoy, merlat, dito!" Sigaw ng kakambal ko.

(Translation: Oh, n'andito na pala ang babaeng laging late eh. Hoy, babae, dito!)

"Napaka-ingay n'yong dalawa." Asar na sabi n'ya. Nakasuot s'ya ng itim na skirt at hoodie as usual.

Buti nga pinapayagan pa s'ya ng asawa n'yang makapagsuot ng gan'yan, nakita ko na kung paano ka-overprotective 'yon pero mas mahigpit pa rin talaga ang kuya n'ya. Kung wala lang asawa 'yon ay baka nainlove pa ako roon kahit masungit.

"Pwede mo naman kasing sabihin sa'min na hating-gabi ka dadating, ano? Hindi 'yong sinabi mong 9pm. Kukutusan kita eh." Asar na sabi ko bago inilibot ang tingin ko.

Dito n'ya napiling magkita kami dahil bukod sa maingay, tagong lugar 'tong bar na 'to, mga part lang underground organization ang nakakapasok dahil pagmamay-ari rin ito nina Bella. Confidential kasi ang pag-uusapan, hindi naman kami pwede sa bahay nila dahil ando'n daw ang kapatid ni Joaquin. Maarte lang s'ya at ayaw n'ya sa ibang property n'ya o kaya naman ay sa pad n'ya.

Nagtatrabaho kaming dalawa ng kambal ko sakan'ya isang taon makalipas ang insidente sa Hawaii. Masaya, masaya na napasok kami sa ganitong klase ng buhay. Masaya kasi nakilala namin sina Bella at nagkaroon kami ng bagong pamilya dahil sakanila. Masaya kasi masaya ang kakambal ko. Mahirap kasi...lahat may limitasyon.

"Venice, kapag hindi ka sumagot sa tanong ko ay babaliin ko 'yang panga mo."

Agad na nalipat ang tingin ko kay Bella dahil sa sinabi n'ya at agad na napakurap-kurap ng makita ko ang umuusok n'yang ilong at tenga. Aish.

"Ano ulit 'yon?" Tanong ko bago sumandal. Did i space out?

"Kita mo 'tong babaeng to, tigilan mo nga 'yang tequila! Ang sabi ko, kumusta na 'yung pinababantayan ko sa'yo?" Asar na sabi n'ya kaya napalunok ako bago ibinaba ang shot glass sa lamesa.

'To naman, galit agad. Tumikhim ako bago magsalita. "Pupunta ang buong angkan nila sa Siargao next week. Gusto mo bang magpadala ako ng mga tauhan--"

Seduce And DestroyWhere stories live. Discover now