Chapter 3

16 2 0
                                    

Venice Bridget's POV

Ipinagkrus ko ang mga hita ko habang pinapanood ang gagong si Marcus at ang babaeng kasayaw n'ya sa gitna ng dance floor.

Patay sindi ang ilaw kaya inaaninag ko lang sila pero grabe ang paglingkis nila sa isa't isa, kulang nalang ay gumawa na sila ng milagro sa harap mismo ng mga tao dito. Ang gago, ay mananatiling gago. Hayy.

"Baka naman magflylalu to the heaven ang chopopong si Marcus sa titig mo, ha?"

(Translation: Baka naman mapatay mo ang gwapong si Marcus sa titig mo, ha?)

Mabilis pa sa alas kwatro na nailipat ko ang tingin ko sa kakambal ko na ngayon ay may hawak nang chivas sa kamay n'ya. Tumikhim lang ako bago s'ya tinaasan ng kilay dahil sa sinabi n'ya.

Ano bang mali sa tingin ko? Wala naman ah--

"Para mo kasing minu-murder to the bones ang otokong chopopo sa nag fa-fly-fly away mong three braincells, mujer." Dagdag pa ng kambal ko kaya naman inis ko s'yang tinapunan ng tingin. Lapitan ka sana ng mga babae.

(Translation: Para mo kasing pinapatay ang maskuladong pogi sa lumilipad mong tatlong braincells, girl.)

Inilapag ko sa tabi ko ang folder na dapat ay babasahin ko na. Nakakatamad magbasa rito, napakadilim, hindi ko rin kasi dala ang salamin ko kaya mahihirapan talaga ako.

Alam n'yo ba? Syempre hindi pa 'no, pero kasi, maraming nagsasabi sa'kin na sayang daw ang ganda ko kung ti-tibo-tibo daw ako. Bakit hindi daw subukang magpakababae, baka daw ako din ang gumusto ng gano'n.

Eh ang kaso nga, ayaw ko ng gano'n. Parang mga tanga, mga sirang plaka na sila sa gan'yan.

"Bakla." Tawag ko bago ipinagkrus ang braso ko.

"Absent ang ganders."

(Translation: Absent ang maganda.)

Pinagmasdan ako ang kakambal ko na nakasuit pa, maayos na naka-gel ang buhok papalikod na nagpapamukhang malinis din sakan'ya. Mukha s'yang kagalang-galang na kahit ako ay maniniwalang kagalang-galang s'ya, ang kaso, hindi. Napakagwapong bakla ng kambal ko, pero mas maganda pa 'yan sa'kin 'no!

"Pangit ba 'ko?"

"Ha?" Pagtatanong n'ya na animo hindi narinig ang sinabi ko. Ay, gwapo sana, kaso bingi.

"Kapalit-palit ba 'ko?"

"Ay, krung-krung na mujer, tigilan mo nga akesh," Yamot na sabi n'ya bago ibinaba sa lamesa ang chivas na hawak n'ya. "'Tong mujer na 'to, naka oishi ka nanaman 'no?"

(Translation: Ay, baliw na babae. Tigilan mo nga ako. 'Tong babae na 'to, naka shabu ka nanaman 'no?)

Napapakamot naman ako ng ulo na tinignan s'ya. "Sira-ulo." Sabi ko bago dinampot ang iniinom ko kanina.

Ang tagal naman bumalik ni Bella? Hayy, nakakamiss 'yong mga action na nagagawa namin dati. Ngayon kasi ay bibihira na gawa ng maayos na ang lahat sa org, at dahil 'yon sa pamamahala nila at sa pagtulong na rin namin syempre.

Tumingin ako sa relos ko bago binunot ang telepono ko sa bulsa ng suot kong pantalon dahil bigla 'yong nag vibrate. Sino naman kaya 'tong gagong 'to?

"Hello?" Bugnot na tanong ko habang nakataas pa ang kilay.

Hindi na ako nag-abala pang tumayo dahil kapatid ko lang naman ang kasama ko dito sa table namin. Inikot ikot ko ang laman ng baso ko habang tinititigan 'yon dahil napakatagal sumagot ng kausap ko.

Seduce And DestroyWhere stories live. Discover now