Chapter 4

7 2 0
                                    

Marcus Sasaki's POV

Ang gwapo ko talaga syet!

"Shit!" Sigaw ko at napaiwas sa bala na papalipad sa katawan kong napakaganda. Tangina nito ah!

Kahit tumatagaktak ang pawis habang nakikipagbuno sa mga panget na 'to ay amoy at mukhang mabango pa rin ako! Syet talaga, napakagandang lalaki ko!

"Nakakarami ka na, ha." Sabi ko at iniamba ang kamay ko na animo pinapasugod sa hindi kagandahang lalaking kalaban ko.

Andito kami ngayong dalawa ni Vince sa parking lot ng bar at nakikipaglaban sa mga amoy mandirigma na 'to. Malamang ay tauhan 'to ni Lancelot, magkakamukha sila e! Pare-parehong dugyot!

"Wayaaa!" Sigaw ko habang iniwasan ang suntok na binigay n'ya bago s'ya binigyan ng siko sa batok dahilan para makatulog 'to. "Sabi ko na eh, lamang na lamang talaga ako sayo!" Sabi ko bago s'ya pinagkyuhan habang nakahandusay s'ya sa lapag.

"Ay gago!" Hiyaw ko ng biglang may sumugod na dalawa. Dali-dali akong tumakbo papasugod sakanila at tsaka sila tinalunan sa dibdib dahilan para sabay silang mapahiga.

Sinundan ko ng dalawang magkasunod sa sapak para tulog na agad. Oh, diba? Gwapo na, magaling pa! Sa'n ka pa diba? Dito ka na-

"Marcus, ano ba!"

Nabalik ako sa diwa ko ng marinig ang umaalingaw-ngaw na boses ni Vince sa buong parking lot. Malalim na ang gabi at wala nang tao sa loob...maliban kay Venice. Aish!

Binunot ko ang pistol ko na nakaipit sa pantalon bago pinagbabaril ang natitira. Kasabay ng tunog ng baril ko ay ang pagtunog ng fire alarm sa loob. Syet, nasa'n na si insan at 'yung amazona?

Ang totoo n'yan ay hindi kami gumagamit ng baril kanina pa dahil mas gusto namin na lahat sila ay madala namin sa warehouse ng humihinga. E kaso, lumalalim na ang gabi. Iniwan ko pa date ko kanina dahil...tsk!

[Flashback]

Kasayaw ko ngayon si Raine. Ang trabaho ng gwapo n'yong lingkod.

Sa totoo lang ay seksi s'ya, ang kaso, kung makalingkis eh daig pa ahas. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero ang baho n'ya kasi! Hindi ko gusto ang matapang n'yang pabango, hindi katulad ng amazonang si Venice na walang pake kung may amoy ba s'ya o wala. Pero mabango 'yon, hehe.

"Would you like to go to our room already, baby?" Bulong n'ya sakin.

Kung hindi lang sinabi sa'kin ni insan na mamaya ko ibigay ang gamot ay baka naisalaksak ko na sa bunganga nitong babaeng 'to 'yon.

Isa kasi s'ya sa mga kasamang babae ni Lancelot kanina. Kailangan ko lang ng impormasyon para malaman kung nasa'n nagtatago 'yong gagong 'yon.

Banas na banas pa rin ako sa paghawak n'ya sa kamay ng amazonang 'yon. Hindi ako nagseselos ha?! Concerned lang ako kay Lancelot kasi baka mahawaan s'ya ng germs ng panget na amazona, okay? Parang nawala ako sa paningin nilang dalawa kanina eh, parang ayaw pa magbitaw. Sus! Lamang ako do'n ng maraming ligo, 'no!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seduce And DestroyWhere stories live. Discover now